"Sabay na tayo kumain"
Habang abala ako sa paghahahanap ng suklay ko sa bag ko, nagsalita si Harry. Nakatayo ako habang hinahalukay ang bag ko habang siya naman ay nakaupo, nakapangalumbaba habang tinutuktok ang bolpen.
"Kasabay ko sina Tiff at Hershey" saad ko habang sinusuklay ang buhok ko. Nasanay naman na akong mag-ipit ng buhok ko kaya hindi na ako nahirapan.
"Ako mag-ipit sayo, dali" napatingin ako sa kanya nang magsalita siya. Nakatingin lang siya saken, mukhang excited pa. Kinakabahan man ay tumango na lang ako. Baka kung anong gawin niya sa buhok ko!
"Pag yan pangit, aahitin ko yang kilay mo" anas ko, nagbabanta. Tumawa naman siya. Nilabas ko na lang yung bulak at alcohol ko sa bag at pinaglaruan. Ginagawa ko kasing lotion yun kapag wala akong magawa.
"Ayan, ayos na" sabi niya. Half-pony tail lang naman siya. Pwede na rin yun.
"Hoy bakit may ipitan na nagaganap dyan, ha?" Napatingin ako kay Tiffany nang magsalita siya.
"Nahihirapan siyang mag-ipit kaya inipitan ko siya" walang pake na sagot ni Harry. Kahit hindi totoo, hindi na lang ako dumipensa. Wala rin naman akong pake. Can't ya'll normalize fixing others hair? Chos~
"Tara na mga bhie! May naghihintay saten" sumingit naman si Hershey. Yung iba naming classmate ay naglalabasan na. Anim na lang kaming nasa classroom. Ako, si Hershey, si Tiff, si Harry and friends.
"Sino, bhie?" Tanong naman ni Tiffany. May clue na ako kung sino-sino sila kaya hindi na ako nagulat.
"Sasabay daw sila. Ayos lang saken" walang pake na sagot ko. Mukhang nagulat silang lahat sa sinabi ko kaya tinawanan ko sila. "Bakit kung makareact kayo parang sinabi kong may boyfriend na ako" natatawang saad ko. Tumikhim naman si Harry and friends. "Wala...pa" pabitin na saad ko saka kinuha ang bag ko at inakbayan si Tiffany.
"Dito guys!" Pagkapasok namin sa canteen, kumaway agad si Lola. Nagulat pa sila ng makitang may kasama pa kaming iba.
"Helloooo!!" Bati ko. Feeling close ko talaga. Di bale, maganda naman. "Makikikain daw sila. Libre ni Harry" anas ko saka nilabas ang baon ko. Mukhang hinintay nila talaga kami.
"H-Ha?" Nagulat siya sa sinabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Napalunok pa siya saka tinignan yung kasama namin na nakatingin rin sa kanya, nag-aabang kung totoo yun. Tumawa tuloy ako.
"Joke lang. Ang user niyo naman kung ganon. Ulol! Magsibili kayo ng inyo" saad ko.
"Nagbabaon ka lang?" Tanong ni Harry nang makabalik. Bumibili pa rin ang mga kasama namin.
"Oo naman. Bakit? Mas safe kasi kapag galing sa bahay. Okay lang naman saken kahit anong pagkain" anas ko. Alam ko namang rich kid ang isang toh. Hindi na ako magugulat kapag sinabi niyang may shares sila dito sa school. Pormahan, mukha, kulay ng balat, gamit, lahat mukhang pangmayaman.
"Mmm" tumango-tango pa siya. Nakapangalumbaba lang ako at tinitingnan ang mga tao habang abala sila sa pagbili.
"Shoot, ang haba ng pila" nagpaypay pa ng sarili si Hershey ng makarating sa table namin. Sunod-sunod na rin na nagsidatingan ang mga kasama namin kaya kumain na lang kami. Nagdadaldalan pa rin naman kami. Si Harry and friends saka yung dalawang lalaki from the other group naman ay mukhang nagkasundo na. Kaming mga girls naman, nag-uusap-usap lang ng random things. May usapang lovelife pa. Xia is quiet, though. NBSB ang ganap.
"Promise, sinabi niya talagang hindi kami magki-click! Ugh! Punyeta. Bahala siya kung ayaw niya. It's his lost, not mine" pairap na anas ni Hershey, ranting about her rejection.
"Ikaw, Fiona? Kwentong jowa, wala?" Tanong ni Lola. Isa ring NBSB pero hindi halata. Akala ko talaga sila ni Reese!
"Wala akong jowa. Childhood friend, marami" saad ko habang umiinom ng tubig.
"NBSB ka rin?" tanong ni Xia. Nerdy siya.
"May isa akong naging boyfriend. Of all, siya yung pinakamatagal. Nagbreak na rin kami, though" anas ko. Tinakpan ko na ang bote ko.
"Anong pangalan?" Tanong niya.
"Harry" saad ko. Nakita ko pang masamid si Harry sa iniinom niya kaya tinawanan ko siya. Nangunot naman ang noo ng mga kasama ko, takang-taka kung bakit ko pinagtitripan si Harry.
"Kanina ka pa nantitrip. Ano bang gusto mo?" Ang sama niya naman makatingin.
"Ikaw" saad ko. Natigilan naman siya. "Anong gusto mo?" Tanong ko. Inilingan niya lang ako, sumama ata ang mood.
Umirap lang ako at kinuha ang phone ko. May isang picture ako roon. Picture naming dalawa. Nakakiss ako sa pisngi niya habang siya naman ay nakangiti sa camera habang nakapeace sign. Hindi ko dinelete. Sayang yung filter na ginamit ko pati effort ko.
"Oh" nilapag ko sa mesa yung phone. Tiningnan naman nila yun. May 'Harry ❤️ Fiona' pang nakalagay dun. "Yan siya. Kaya wag mong sabihing pinagtitripan kita dahil hindi mo ako katulad" pairap na anas ko. Mukha naman siyang napahiya dun pero hindi ko na pinansin. "Guwapo noh?" Nakangising painggit ko kina Hershey at Tiffany nang ibalik nila yung phone.
"Oo nga. San mo napulot yan?" Tanong niya.
"Tiga-Manila yan. Kaklase ko nung highschool, grade 8. Naging kami nung grade 9 at ngayong grade 10, break na kami" Wala naman akong pake sa kung anong sasabihin ko. Oo, seryoso yung relationship namin pero tapos na yun eh.
"Sana all" bulong nilang pareho.
Kumain na lang kami pagkatapos nun. Lunch time na yun kaya mahaba ang oras namin. Kwentuhan lang kami ng kuwentuhan hanggang sa dumating na ang oras muli ng klase.
"Sabay ulit tayo bukas!!" Sigaw ko. Kumaway lang sila. Naglakad na kaming tatlo---ako, si Hershey at si Tiffany, habang nasa likod naman sila Harry and friends na nag-aasaran. Hindi nakikipag-asaran si Harry at mukhang malalim ang iniisip.
"Hindi naman guwapo..." Hindi ata napansin ni Harry na magkasabay na kaming naglalakad. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay tamad na naglakakad.
"Hindi nga" sagot ko rin.
"Diba? Hindi naman kas---Fiona!" Nagulat pa siya ng makita ako sa tabi niya. "K-Kanina ka p-pa?" Utal na tanong niya.
"Hindi naman" inosente akong ngumiti.
"B-Bakit nandito ka pa?" Anas niya. Ganon kalalim ang iniisip niya ah.
"Para sabay tayong mapahiya mamaya" I shrugged. Nalilito niya naman akong tiningnan, saka yung paligid niya. Ngayon, nabakasan na ang pagkataranta.
"Bakit di mo sinabi?" Anas niya habang papunta kaming classroom.
Ang saya kasing makitang out-minded ka.
"Lumampas tayo at alam mo yun pero hindi mo sinabi! Nakakainis ka" hindi na lang ako sumagot.
"Hi, Maam!" Bati ko pagkapasok. "Sorry nalate. Tumae kasi si Mr. Harry eh kaya nagpasama. Good Afternoon!" Bati ko. Nakakunot ang noo niya at tiningnan si Harry na namumula na sa gilid. Yun yung una kong naisip na palusot, sorry.
"Come in" nakangiti akong pumasok. Sumunod naman ang hiyang-hiya na si Harry. Magkatabi kami sa subject na ito. Wala naman akong pake sa gagawin niya saken. Hindi naman siya nakakatakot.
"Bakit yun yung sinabi mong dahilan?" Nakatiim bagang niyang sabi.
"What are you murmuring there, Mr. Harry?" Napaayos siya ng upo ng mamention siya.
"Nagpapasalamat lang ho siya Maam sa pagsama ko sa kanya" nakangiting ani ko. Tumawa naman ang buong klase. Sinamaan naman ako ng tingin ni Harry, sobrang namumula na siya.
Para yan sa pantitrip mo saken kagabi.
Tinanguan ko lang siya saka sinabihan ng 'welcome. no worries. sa uulitin' at nakinig na sa lecture.
"Mamaya ka saken..."
BINABASA MO ANG
HS1: When Fate Plays
Teen FictionHIGHSCHOOL SERIES 1 [C O M P L E T E D] Fiona is cheerful and optimistic girl. She lived in her sister and father. Her father decided to move place for a better access of their little business. And on that place, he met Harry, the man who loved Ka...
