CHAPTER SEVEN

24 3 0
                                    

"Ano ba, parang tanga naman!"

Nagpupumiglas ako nang hilahin niya ako. I don't know where we are leading to and he seems not to care, though.

"Pwede ba! Kung kakausapin mo ako, wag ka namang manghila! Masakit sa palapulsuhan ha! Pwede namang makipag-usap ng maayos" pairap na anas ko.

"Bakit mo sinabi yun?" Ang diin naman makahawak, napangiwi tuloy ako. Binitawan na niya ang kamay ko nang mapansin ang reaksyon ko. "Ha? Bakit mo sinabi yun? Alam mo bang napahiya ako roon?" Anas niya, dumuro-duro pa. Nagalit nga ata siya ng bongga.

Dinukot ko naman ang phone ko at pinakita sa kanya ang nagtext saken.

"Oh? Ikaw yan diba?" Anas ko, nakaiwas ng tingin habang inuunat yung palapulsuhan ko. Nang tingnan ko siya, nakaiwas na siya ng tingin. Tiningnan ko naman yung cp ko.

Muntikan ko pang mahulog nang makita ko kung ano yung napakita ko. YUNG PICTURE KO NUNG GRADUATION NG GRADE SIX!!!!

"H-Hindi yan" nautal pa ako habang hinahanap yung convo namin. Tinatawanan niya lang ako kaya mas lalo akong nahiya! Buiset!!

"Gusto mo pa lang ipakita yung picture mo nung bata ka eh" natatawang ani niya. Masyadong mahina yung pagkakahawak ko sa phone ko kaya naman nakuha niya!

"Hoy! Akin na yan!" Saad ko pero tinaas niya lang yun. Nagpipindot siya, yung isang kamay niya ay nagpipigil saking makuha yung cellphone ko. Dinukot niya rin yung cellphone niya. Alam ko ang gagawin niya kaya ginawa ko ang lahat para maagaw. Pero kusa niya na yung ibalik. "Subukan mo lang..." Pagbabanta ko nang makita ang tingin niya sa phone niya, nakangisi at halatang may pinaplano.

"Ang cute nga eh" he said casually but it is enough to make me blush. Luh, kuya, pa-fall.

"Heh!" Saad ko saka siya tinalikuran. Pag may nakita lang akong mga poster sa buong campus, may kalalagyan saken yang skeletal system niya.

"Sinabi kong umalis ka?" Nagulat ako nang hatakin niya na naman ako pabalik. Nabunggo tuloy ako sa dibdib niya. Flat amp! Ang saket sa noo.

"Aray ko shuta!" Napahawak ako sa noo ko. Hindi naman siya talaga ganon kasakit pero feel ko kasi mag-emote.

"Ang OA mo. Bakit mo nga sinabi yun?" Saad niya. Back to beast mode na naman siya. Ngumuso lang ako, walang masabing dahilan. Nagbaba ako nang tingin at pinaglaruan yung daliri ko. Para naman akong tutang pinapagalitan nito! "Kinakausap kita" nagtitimping ani niya.

"Walang nagtanong, though..." Mahinang anas ko para hindi niya marinig.

I gasp when he held my chin up and made me face him. His eyes narrowed on me, trying to read my soul and maybe on that way, he would find the answer. But even my soul do not know the answer. "Bakit?" He said.

"Trip ko lang" wala sa sariling sagot ko. Nakatingin lang ako sa mata niya, pinapakiramdaman ang sarili. Fast heartbeats...slow-motions...walang iba kundi kayo lang...maliwanag na paligid...butterflies on the stomach... gawa lang yun nang kulto!

"Hindi mo sasabihin?" Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko nang ilapit niya pa ang mukha niya saken. Hindi naman ako makalayo kasi hawak niya ang baba ko. "Ano? Hindi mo pa rin sasabihin?" Auto-tayo ang balahibo ko nang paglandasin niya ang daliri niya sa pisngi ko. Ang oa naman mang-trap neto!

"Oo na, oo na! S-Sasabihin na nga eh" saad ko. Sinubukan ko siya itulak pero ayaw niya talaga. Aba, lumalaban!

"Mm?" Hindi man lang niya inayos yung pwesto namin! Pano ako magsasalita sa ganitong posisyon?! "Bakit?" Nagbago na rin ang boses niya, shuta.

Dinukot ko tuloy ulit yung phone ko sa bulsa at pinunta sa inbox messages. Buti na lang pinalitan ko na yung name into 'Lucifer' kaya no worries na. "I-Ikaw yan diba?" Anas ko. Natawa naman siya saka ako pinakawalan. Nilabas ko na lahat ng naipong hangin sa lalamunan ko. "Oh, tapos magagalit-galit ka kasi pinagtripan kita eh ikaw naman ang nauna!" Singhal ko sa kanya. Mahina lang ang pagtawa niya pero nakakarindi. "Buiset ka!"

"Hoy bumalik ka dito!" Hindi ko siya pinansin. I just raised my middle finger on him. Nakakainis siya!

"Wow! Galit na galit!" Bungad ni Tiff nang makita ako, nakakunot ang noo at talaga namang mahihiya ang panahon sa sobrang init ng ulo.

"Oh, anyare dyan?" Natatawang tanong ni Hershey. Walang salitang umupo ako sa upuan ko. Mas naiinis lang ako dahil katabi ko siya.

"Lover's quarrel ata..." Dinig kong bulong ni Tiffany.

"Baka nga..." Gatong naman ni Herhsey.

Kumalma na rin ako nang dumating na ang guro. Halos magkasabay lang ni Harry. Hindi ko siya pinansin dahil nakikita ko pa rin siyang natatawa.

Wag mo akong kausapin! Break na tayo!!!

Gusto kong isigaw sa kanya kaso magmumukha akong tanga. Mas pinili ko na lang na bugbugin siya sa isip. Habang ginagawa ko yun ay lumuluwag ang nararamdaman ko. Feeling ko tuloy hindi ako nagalit kanina.

"Uuwi ka na, Fiona?" Dinig kong tanong ni Tiffany. Nilingon ko siya saka tinanguan. Ano pa bang gagawin ko?

"Uuwi ka na?" Hindi ko pinansin si Harry nang magsalita siya. Galit ako noh! Suyuin niya ako, bahala siya. Masama pa naman magalit ang maganda.

"Mauna na ako, Tiff, Hershey" nakipagtanguan pa ako sa kanila. "Bye Taylor and friends!" Kumaway pa ako sa kanila saka lumabas ng classroom. May pupuntahan pa daw kasi sila Tiffany. Hindi naman kami same village. Hindi ko nga alam kung may ka-same village ako eh.

Naglalakad ako habang nakasalpak ang earphones sa tenga ko at nagpapatugtog ng kung ano-ano. Kapag masaya ang kanta, nasayaw pa ako. Ang layo kasi nang gate sa classroom namen kaya marami akong time magpakabaliw. Wala na rin naman masyadong estudyante. Magdidilim na rin naman eh. May mga nakikita akong naglalakad, siguro ay galing sa college. Engineering ang uniform eh. Maaga pala sila umuuwi? I mean, hindi naman maaga. Medyo kasabay lang namin. Siguro dahil medyo kakasimula pa lang klase. Pagtumagal yan, magiging gabi na rin.

Sumabay na lang ako sa kanila sa paglalakad since iisa lang naman ang lalabasan namin.

Naghintay na lang ako ng tricycle sa waiting shed. Umupo muna ako para magbasa muna since wala pa namang dumadaan. Buti pa nga yung iba ay may sundo. Pero keri lang. Alam ko namang gusto rin kaming sunduin ni papa pero hindi niya magawa.

Hindi na ako nagulat nang umupo si Harry sa tabi ko. Nakanguso ito at ang sama ng tingin saken. Hindi ko na lang pinansin. Ako dapat yung galit diba? Psh!

"Wala kang sasabihin?" Annoyance is evident in his voice. Nagtataka na tuloy ako sa inaasta niya.

"Ano namang sasabihin ko sayo? Mamamatay kang hindi nakakatanggap nang sorry uy!" Singhal ko nang hindi siya tinitingnan. Pinapanalangin ko na lang na may dumaan nang tricycle.

Mukhang ang lakas ko ata sa langit dahil mayamaya lang ay may dumaan na nga. Pumara na agad ako at dali-daling sumakay. Nagtaka naman ako nang sumakay rin si Harry. Sinabi ko na lang ang village namin. Ka-village ko ba ito? Hindi ko naman siya nakikita kaya iniling ko na lang ang ulo ko.

"Salamat ho" saad ko saka bumaba. Nagtaka na naman ako kasi sumunod na naman siya. "Wala ka bang inuuwiang pamilya?" Sarkastikong anas ko sa kanya.

"Hindi ako uuwi hangga't hindi mo sinasabi yun" nakahalukipkip na anas niya. Inirapan ko na lang siya at kahit labag sa loob ko, sasabihin ko na lang

"Oh, edi sorry!" Napipilitang anas ko. He scoffed. "Ano na! Nagsorry na nga, parang tanga" singhal ko sa kanya.

"Sa kanila, nag-goodbye ka, saken hindi. Dapat ako den"

HS1: When Fate PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon