"Hay, shuta, wala ka man lang itinerary?"
Gusto kong jombagin si Harry dahil nagrandom gala pa ang walang'ya. Su-surprise niya daw kasi ako kaso siya ata ang nasorpresa dahil kung saan-saan na kami napunta.
Tapos dalawang daan lang ang pera niya!!
Nagdala rin naman ako ng pera. Isang daan kasi akala ko marami siyang dadalhin. Rich kid kasi eh, noh? Rich kid na walang pakinabang sa gala!
"Hehe, sorry. First time ko kasi gumala" nag-peace sign pa siya para feel. Inirapan ko tuloy siya.
"Gusto ko yun!" Agad na lumiwanag ang paligid ko nang may makitang ihawan! Wait for me, isaw!
"Saan?" Takang tanong niya.
Hinila ko na siya. Minadali ko pa siya dahil pa-showbiz ang paraan ng paglakad niya eh hindi naman siya kaguwapuhan. Tama lang. Pwede nang sirain.
Tinanong ko muna siya kung may allergens ba siya. Mamaya mamantal na lang yan, noh! Tourism ang kukunin ko, hindi medicine! Bahala siya dyan mamatay.
"Ate, dalawang isaw, dalawang dugo, dalawang balat, dalawang laman. Yun lang, hihi" I giggled when the vendor rush. Akala mo naman ang dami kong binili. Kwarenta pesos lang naman yun!
"Pagkain yan?" Takang tanong ng kasama.
"Boba, malamang! Mukha ba yang ano?" Ayaw kong sabihin kung ano dahil may kumakain. Nakakabastos naman yun.
"Anong...pagkain...yan?" Mukhang diring-diri pa siya sa itsura kaya napairap ako. Arte! Choosy porke yummy.
"Eto na sayo, ining" kinuha ko ang inaabot niyang plastik. Dito naman kami kakain noh!
"Salamat, manang. Bayad po. Forty yan ah? Five times eight, forty. Hmm... Manang, matalino toh sa math" nakipagbiruan pa ako kay manang na noon ay tumatawa rin naman.
"Ang daldal naman ng kapatid mo ijo" nagulat ako sa reference saken ni Manang. Kapatid?! Manang ibabalik ko na sayo lahat ng binili ko.
"Manang, kapatid talaga? Hindi ba kami mukhang... mag-jowa?" I joked. The woman laughed again. Her laugh were contagious that even I, laughed. "Charness lang, Manang!" Natatawang anas ko.
"Hay naku!" Napabuntong hininga pa siya, pinapakalma ang sarili, nagtitimping ingudngod yung mukha ko sa ihawan. Charness!
"Oh, eto for you, for me, and for everbody" saad ko habang binibigay sa kanya yung isaw. "May sawsawan dyan. This one is chili hot, sweet, and that is vinegar" inartehan ko na ang pagbigkas ko para tunog mayaman kahit sawsawan na lang! Nakakahiya naman sa kasama ko.
"Which do you prefer?" Tanong niya saken.
"Depende kung gano kaarte yung taste buds mo" anas ko. Sinawsaw ko lang yung aken sa maanghang.
"Ganyan sumawsaw?" Tanong niya saken. Masyado naman siyang halata na rich kid, ugh! Pakshet!
"Oo. Ganyan ka rin naman sumawsaw samen noon" saad ko. Siniringan niya lang ako kaya naman natawa ako.
"Ang cute nung mag-jowa no?"
"Oo nga. Bagay sila. Pero mas bagay ata kami"
"Gaga wag kang malandi. Baka mamaya mukha mo na ang iniihaw dyan"
"Hmp! Sige. Bigay ko na siya kay ate gurl. Mukhang palaban rin kahit ang liit"
Parang gusto ko muna ng lamang loob ng tao ngayon. Sinasamaan ko lang ng tingin yung isaw dahil ang tagal niya lumamig. Nakakairita pa ang kaartehan ni Harry! Pati ang mga matang tinitignan siya. Ha! Ako dinedate niya, sorry na lang kayo!
BINABASA MO ANG
HS1: When Fate Plays
Teen FictionHIGHSCHOOL SERIES 1 [C O M P L E T E D] Fiona is cheerful and optimistic girl. She lived in her sister and father. Her father decided to move place for a better access of their little business. And on that place, he met Harry, the man who loved Ka...