CHAPTER NINE

15 3 0
                                    

"Bakit mo ba ako blinock?"

Habang nagsusulat ako ng love letter, chos, ng assignement, panay ang kulit niya saken kung bakit ko daw siya blinock chuchu.

"Hoy!"

"Shuta!" Napasapo ako ng noo ko nang agawin niya saken ang bolpen ko na nagdulot ng isang guhit. "Epal amputa" saad ko. Kinuha ko sa kanya ang bolpen ko. Buti na lang hindi malalim.

"Hoy!" Ang ingay niya naman.

"Mamaya ka na pwede? Isasampal ko sayo toh papel na to" pagbabanta ko sa kanya. Sarap sapakin amputa.

"Sagutin mo muna ako!" Pangungulit niya pa.

"Ba't ba ang big deal nun sayo? Parang tanga. Mamaya ka na. Naggagawa pa ako ng assignment. Pag ako walang napasa, ipapakain ko sayo lahat toh" sambit ko.

Mabuti na lang rin at hindi na siya nangulit pa kaya nakapagfocus na ako sa paggawa ng assignment ko. Ang haba kasi kaya hindi kinaya ng powers ko kagabi. Konti na lang rin siya, though.

"Goodmorning, sis!" Bati ni Hershey pagkapasok. Kasunod niya si Tiffany na noon ay nagsusuklay lang. Nakipagtanguan ako sa kanya.

"Hala ang sipag. Bet!" Tumawa pa si Tiffany nang lampasan niya ako. Nilabas niya rin yung notebook niya at gumawa na rin siguro ng assignment. Si Hershey naman, nakipag-chikahan na, probably done with hers. Kainggit.

Nang matapos, tinago ko na ito. Ang aga pa para sa pang-umaga naming klase. Inagahan ko talaga ang pasok ko para dito na ako gumawa sa school ng assignment since naiwan ko yung totoong notebook ko dito.

"Ay palaka!" Nagulat ako nang hablutin ni Harry ang cellphone ko. Nagbabasa na lang ako. SPG part pa naman yun. Napangalumbaba na lang ako, tinitingnan ang reaksyon niya. Nangunot agad ang noo niya, nagaya ko tuloy.

"A-Ano toh?" Nakakunot ang noo na tanong niya.

"Porn site ng babae" walang pakealam na sagot ko. He made a disgusted look then give me back my phone. Tinawanan ko lang ang reaksyon niya.

"Nagbabasa ka ng erotic books? Pwede ba yun?" Takang tanong niya. "R-18 ang nakalagay. Ikaw ha! Hindi ka sumusunod sa warning" nanlalaki ang mata niya. Sobrang OA ng reaksyon.

"Tanga. May nakalagay na read at your risk naman. It's up to readers. Hindi ko naman pwedeng i-skip yung part na yun kasi may importanteng convo" saad ko at nagquit na. Panira!

"Anyways, bakit mo ako blinock? Ang kapal ng mukha mo! Ako na nga nagfirst move, ikaw pa namblock!" Singhal niya.

"Tanga! Sabi mo pwede na kita i-block! Edi blinock kita!" Apila ko. "Mabait ata toh" pagmamayabang ko pa.

"I-unblock mo ko!" He's so grumpy! Gosh! Napamasahe ako sa noo ko at binuksan ang FB account ko atsaka binigay sa kanya yung phone ko.

"Edi i-unblock mo" tamad na sabi ko at nangalumbaba na naman. Wala naman siyang makikita dyan. Bukod sa mga ka-chat ko na friends, mga haliparot lang na mahal na agad ako.

"Ayan, okay na" nakangiting binalik niya saken yung phone kaya kinuha ko yun. Ang tagal niya rin dun ha. Umalis na siya at prenteng umupo sa upuan.

Natawa ako dahil nagdownload pa siya ng picture niya. Ginawa niya pang lockscreen photo yung isa at wallpaper naman yung isa. Hindi ko alam kung anong pagkakaiba bukod sa anggulo. Ang gulo.

Hindi na ako nag-abalang palitan yung lockscreem photo at wallpaper since wala naman akong pake. Ni-risk niya lang sarili niya.

Gawa kaya ako ng dummy account tas pangalan at pic niya gagamitin ko para manglandi? Tas igho-ghost ko para sikat ako sa internet!

I shook my head because of that dumb idea.

Ilang oras lang at dumating na rin ang teacher na magtuturo sa amin. Naguguluhan rin ako sa school na toh eh. Hindi kasi stable ang schedule nila. Kunwari, ngayong 7:30 to 8:30, Science kami, sa susunod na araw ibang sub na. Hindi ko pa rin nakukuha ang cycle niya.

"Ses, ang tahimik mo ata now. Maxpein ka?" Napairap ako ng maramdaman ang sarcasm dun.

"Ayos lang ako. May... May konting problema lang pero mas malaki ka pa rin" sagot ko.

Iniisip ko pa rin kasi si Harry. Bakit bigla na lang siyang tumawag? Nakainom ba yun? Sabi nila, drunken person is honest person daw eh. Chos. Ako lang nagsabi nun. Magkaiba pala ang honest at tanga.

Why would he want me back? Change of hearts? Eh siya nga ang unang nakipag-break. Kung kelan naeenjoy ko na buhay ko rito? No way! Punta siya here.

"Ano sayo, ses?" Tanong ni Hershey. Napakamot ako ng ulo kasi naka-order na rin naman siya ng para saken pero tinanong niya pa kung anong akin.

"Burger at tubig" sagot ko kahit nakakuha na siya.

"Shut up, ses. Ang arte mo sa food" See?! Nagtanong siya kung anong aken tas sasabihan niya akong maarte.

Bandang huli, hotdog lang at apple juice ang binili niya. Mas makakamura nga dun. Marunong pala magtipid ang hayop na toh? Akala ko kasi spoiled bitch siya.

Nakatulala lang ako habang kinakain yung hotdog. Hindi ko nga alam kung anong iniisip ko eh. Pwede pala yun noh? Mapapaisip ka kung anong iniisip mo.

"Bhie, kung kakain ka ng hotdog, wag ka namang tumitig kay Harry. You look like a thirsty bitch" bulong ni Tiffany na nakapagpabalik saken sa katinuan.

Namula agad ako sa hiya nang makitang nakakunot ang noo ni Harry saken habang ako naman ay sumusubo ng hotdog. It was nothing sensual! Pero hindi naman kami magkapareho ng way of thinking. Kasalanan ko bang nakasubo pa yung hotdog saken habang yung utak ko ay puno ng iisipin?

Pinagsawalang bahala ko na lang yun. Nagpatuloy ako sa pagkain ko at mas dinalian ko na lang. Habang kumakain ako, may nagtext. Naglingunan naman ang dalawa sa cellphone ko.

"Kumain ka na ba? Galing kay Harry," basa ni Tiffany, siya kasi ang katabi ko. "Ex mo?" Tanong niya. Tumango na lang ako. Kinuha ko ang phone ko at nagtype ng 'oo'.

"Sis, bakit si Harry ang lockscreen photo mo?" Takang tanong ni Hershey.

"Crush ko bhe" natatawang sagot ko. Nagtawanan naman kami. Goals kami eh. Di na ako magtataka kung makikita ko sila sa isang mental health facility.

"Pwede ka ba bukas, Fiona?" Napatingin ako kay Harry na lumapit saken. Hawak ang straps ng bag niya at handa ng umalis.

Bukas? Napaisip naman ako. I mean, Saturday naman bukas so baka? Tumango naman ako na siya namang ikinaliwanag ng mukha nito.

"Talaga?!" He exaggerated. Napairap naman ako.

"Maka-react toh akala mo plinano na akong kidnapin at nakaplano na rin kung magkano ang ransom eh" saad ko. Tinawanan niya lang ako.

"See you tomm!" Nakangiti pa siyang kumaway.

Napapansin kong may hidden agenda lahat ng pagpapapansin niya. Hindi ko na lang masyadong pinupuna kasi may tiwala naman ako sa kanya. Diba? Why would a guy talk with the transferee in his school? Ano? Mala-wattpad na ba this? Tas kami ang endgame? Lugi!

There is no way for that to happen.

HS1: When Fate PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon