Tyrone's POV
"Kuya I think I like you."
God! Anong sinabi niya? He likes me? Pero bakit? Paano?
Kailan pa? Baka naman naguguluhan lang siya. O kaya naman nabigla diba? Pero diba dapat pa kong maging masaya kasi gusto niya rin ako? Pero bakit ganun? Puno ako ngayon ng pagaalangan.
Pero mahal ko siya. Sobra. For pete's sake! God knows kung gaano ko siya kamahal! Gustong gustong magdiwang ng puso ko. Pero, bawal.
Dahil,
alam kong hindi ito tama.
Naguguluhan lang si Wynah. Nabibigla lang siya. Kaya maliban dun, wala na.
Di ito pwede. Di kame pwede.
Masakit mang aminin pero, di pwedeng maging kame.
Binitiwan ko ang pagkakahawak ko sa kamay at bewang niya habang nagsasayaw kami. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla at pagtataka.
"K-kuya Tyrone bakit?" tanong nito. Dumistansya ako sa kanya.
"Anu ulit ang sinabi mo?"
"Sabi ko sa tingin ko gusto na kita." sagot nito.
Nakatingin lang sa mga mata ko si Wynah. Diretsong diretso. Pero may halong kaba.
Napailing na lang ako. Di ko alam kung anung gagawin at sasabihin ko. Sobra akong nabigla sa mga nangyayari.
Oo minsan na kong nag imagine at nangarap na kung sakali kayang pareho kami ng nararamdaman sa isat isa, anu kayang mangyayari samin? Akala ko noon magiging madali lang ito dahil wala naman kaming aalalahanin. Pero sobrang hirap at sobrang nakakalito pala pag andito ka na mismo sa sitwasyong iyon. Marami kang bagay na dapat isa alang ala.
Lalo na ang pagtanaw ng utang na loob sa mga taong kumupkop at tumuring sayo na isang
Tunay na kapamilya. Ayoko rilang pagtaksilan. Di pwedeng maging kami ng anak nila na tinuturing ko dapat na isang kapatid lang. I have to sacrifice, even my own happiness for her own good.
Mahal ko kasi talaga siya.
"Wynah. Mali yang iniisip mo. Naguguluhan ka lang. Nabibigla. Kaya kalimutan mo na yang sa tingin mo ay nararamdaman mo. "
"No Tyrone. Di ako nagugulat o nabibigla. Gusto na talaga kita." she even removed the word KUYA. My hand cupped my face.
"Bakit? paano? Kailan?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.
Naguguluhan na rin ako sa sitwasyon.
"Di ko rin alam. Akala ko noon simple attachments and clnseness lang. Hanggang sa narealise ko na lang na gusto na pala kita. Gusto kita Tyrone!" sabi nito na nangingilid na ang mga luha sa mata nito.
"Sorry Wynah pero hindi pwede."
"At bakit naman hindî pwede?" tanong nito na halatang nagpipigil ayusîn ang paggaralgal ng boses. Pinahid din nito ang mga luhang bumagsak sa pisngi niya.
Sobrang nasasaktan ako ngayong nakikita ko siyang umiiyak lalo nang dahil pa ito sa akin.
I wanted to hug her and brush her hair with my hands para patahanin siya. Pero di ko magawa. Kailangan kong tatagan. Kailangan kong magpakatatag.
Ayokong maging sentro siya sa panlalait ng mapanghusgang tao pag nagkataon. I have to protect her.
"DAHIL KUYA MO KO WYNAH."