Chapter 30 - Trust

1.9K 43 3
                                    

An: hey! Long time no Update. Kakatapos lang po kasi ng aming prelims. Weeeee. May nagbabasa pa ba?

Anyway, I dedicate this to her kasi super akong natouch sa comment niya sa last chapter akala ko kasi wala ng nagbabasa e. Meron pa pala. Waaaah. Sana patuloy niyo paring basahin at suportahan tong MAMK. Comment your reviews here in the chapter. Please? 

 

 

Wynah’s POV

“Mag-ingat ka sa pag-uwi okay? Text me right away pag nakauwi ka na.” sabi ni Tyrone sakin habang palabas na ko ng condo niya. Gustuhin niya mang ihatid ako, di ko na rin pinayagan. Baka makahalata si Sophia and I somewhat felt guilty.

Kasi kahit anong anggulo man tignan, we’re cheating.

“Aye aye captain.” I said to him he smiled at me. He move closer until it reach an inch. I felt his lips touch mine as I closed my eyes.

“Don’t worry pinapalitan ko na yung bed sheet ko.” Nakangising sabi niya. Hinampas ko naman siya ng mahina. “Loko loko.” Sabi ko.

Niyakap niya ko mula sa likod at pinatong ang baba niya sa balikat ko.

“I love you Wynah.” He said. My heart enlightened. Super. I smiled at him. “I love you Tyrone.”

Umalis na ko after that scene. Baka kasi maabutan ako ni Sophia. Kaso nung paalis na ko sa building nung condo ni Tyrone. Nakasalubong ko siya.

“Oh Wynah, ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sakin. Nakaramdam ako ng kaba. Oo kinakabahan ako. Kasi meron naman talaga akong kasalanang ginagawa.

Niloloko ko ang bestfriend ko.

“A-ah dinalaw ko lang si Ty- si Kuya Tyrone. Sila Mommy kasi nag-aalala nung nalamang may sakit sia kaya pinagdala nila ko ng fruits kay Kuya.” I lied. Do I have a choice?

“Ahhh. Sige puntahan ko na si Tyrone. Ingat ka ah.” Sabi niya. I smiled at her and nodded.

Mabigat ang dibdib kong naglalakad lakad at naghahanap ng masasakyan ng taxi.

Hindi sa madumi ang isip ko’t wala akong tiwala kay Tyrone pero, di niyo naman kasi ako masisisi na mag-isip ng kung ano to think na silang dalawa lang ang nandun sa condo.

Iniling iling ko ang ulo ko. “Walang mangyayari Wynah. Wala. Wag kang mag-isip ng kung ano.” Sabi ko sa sarili ko.

Nagulat ako ng biglang may tumigil na sasakyan sa gilid ko. Binaba nito yung bintana’t tumambad sakin ang muka ni Gino. “Uy Wynah, san punta mo?” tanong niya sakin.

“Ewan ko. Uuwi sana kaso ayoko pang umuwi eh.” Sagot ko. “Uhm. Tara I’ll give you a ride.” Sabi niya. Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Sa passenger’s seat niya ko pinaupo kasi ayaw niya daw magmukang driver.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko rito.

“Sa masayang lugar.” Sabi niya. “Saang masayang lugar?” tanong ko ulit. “Sa happy land.” Sagot naman niya. Binatukan ko nga. Loko loko eh. “Ouch! Bakit mo naman ako binatukan?” tanong niya habang hinihimas himas yung batik niyang hinampas ko. Haha.

Me And My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon