Chapter 27 - Eyes Close

1.8K 39 2
                                    

Ywynah’s POV

“WHAT THE HECK WYNAH! WHAT DO YOU THINK YOUR DOING?! BALAK MO BA TALAGANG MAGPAKAMATAY?!” sigaw sakin ni Tyrone matapos niya kong mahila pataas ng tulay. Hinatak niya ko paalis dun sa tulay para makatapak na sa may lupa sa gilid. Natatakot sigurong may mangyari pang muli doon.

“I’m not going to suicide you stupid! I just slipped my feet there!” depensa ko sa sarili ko. Totoo naman diba? Nadulas lang ako. At kahit na sobra akong nasasaktan ngayon, wala akong balak magpakamatay!

“Reasons Wynah. Please, Im begging you wag na wag mo na ulit gagawin yun. Please.” Nagsusumamong sabi niya. I was surprise when i saw tears stream from his eyes.

Ewan ko pero I felt irritated and guilty at a same time. Iritado kasi sinabi ko nang di nga ko nagbabalak magpakamatay at guilty kasi alam kong sobra ko siyang pinagalala. His tears prove it true.

“Eh kung nagbabalak nga kong magpakamatay, ano naman sayo?! Diba ito naman ang gusto mo? Ang lumayo ako sayo para wala ka ng ibang alalahanin?! Kung tutuusin, pabor na nga to sayo eh.” i hissed. I was pathetic I know that.

”Don’t you think your being so harsh to me? Di ako mamamatay tao Wynah. Mahal na mahal kita lalo pa’t nagsilbi ka na ring pamilya sakin, nung mga panahong akala ko wala na kong silbi sa mundo, nung mga panahong iniwan ako nila Mom and Dad, ikaw ang di nagsawang lapitan at unawain ako, ikaw yung walang sawang nagpapaintindi saking di ako nagiisa, That’s why I can’t afford to lose you Wynah. I.. I can't!” Sigaw niya habang tuloy tuloy na tumutulo ang mga luha sa mga mata niya. Sumikip lalo ang dibdib ko. Ang kitid talaga ng utak ko.

Sobra akong nasasaktan ngayong nakikita kong umiiyak siya sa harap ko. Ang sakit na tipong pinipiga nito ang didib ko. Ang puso ko.

“Pero Tyrone, di ko mapigilang masaktan eh. Pero seryoso wala naman talaga akong balak gawin yang iniisip mo. Gusto ko lang magisip isip. Masyado na kong stress out these past few weeks, alam mo naman dibang mahal kita kaya sobra akong nasasaktan kasi hanggang kapatid na lang talaga ang turing mo sakin. Unawain mo rin naman din ako Tyrone, tao rin akong nagmamahal at nasasaktan. Wag kang mag-alala, unti unti ko na rin naman natatanggap na di talaga pwede eh, na hanggang kapatid mo lang talaga, na kayo talaga ng bestfriend ko. Siguro di maalis sakin ang patuloy paring masaktan, pero alam kong darating din ang panahon na makakamove on ako’t mahahanap ko ang lalaking para talaga sakin. Pero sa ngayon, please, hayaan mo muna akong mahalin ka, wag mo kong iwasan, wag mo kong pagtabuyan, at lalong lalo nang wag mo kong iiwan. Nagmamakaawa ako sayo Tyrone, kahit konti lang, mahalin mo rin ako bilang isang babae.” Di ko na napigilan kaya napahagulgol na ko ng iyak. Sobrang bigat na talaga ng nararamdaman ko.

“Nasasaktan din ako sa nagyayari sa atin Wynah. Lalo pa't namimiss ko na ang mga panahong lagi tayong magkasama, nagkukulitan at nagaasaran tayo. Namimiss ko ang pananabunot mo sakin pag lagi kitang pinaghihintay, namimiss kong maglaro ng Tekken kasama ka, namimiss ko yung pagpapacute at pagpapaawa mo para ilibre kita  pag nacut yung allowance mo. Nammiss ko ang pagsimangot mo pag nagtatampo ka. Namimiss din kita Wynah alam mo ba yun?! Nahihirapan din ako sa sitwasyong to lalo na't nakaasanayan kong lagi kang kasama. Minsan binalak ko pang iumpo ang sarili ko sa pader because of frustrations! Bakit kasi, bakit kasi.. ako pa? Wynah, bakit mo nasabing mahal mo ako?”naguguluhang tanong niya saakin. I was stiffed.

I was shocked sa lahat ng sinabi niya at Oo, muli nanamang nagtanim ng pag-asa yung mga sinabi niya sa puso ko. I was stupid I know but who cares?

“Mahal kita kasi…” napatigil ako saglit. Bakit ko nga ba nasabing mahal ko siya?

Hinawakan ko yung dibdib ko where my heart placed. I closed my eyes. I feel it. I feel my heartbeat who always beat fast when he’s  around, and at the same time, I feel how it breaks when he was with someone looking how happy he is when she’s around.

I felt it all.

I open my eyes and look at him “My heart say it all.” I said as I point my finger to my chest, pertaining to my heart.

I smiled as a tear flow again through my eyes, to my cheeks and so on.

I saw him closed his eyes. He places his hand to his chest then heaved a sigh.

He was like that for a minute, 2 minutes.. I dont know. I just wait for  his response.

He open his eyes. He smiled and look at me

“I think, its the time to tell what my hearts says at all.” and with that, another hope gain in my heart.

Me And My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon