Ywynah's POV
Yaaaaawn. Ang sakit ng ulo ko bat ganun? Kaya ayokong umiiyak bago matulog kasi sobrang sakit ng ulo yung lagi kong nararamdaman ko pagkagising. Mas malala pa sa hangover.
I checked the clock beside my bed. Gosh. Its already 1 PM. Masyado ko naman atang naenjoy ang pagtulog ko.
Wait.. My bed? Teka parang di naman ganito itsura ng kwarto ko?
OMOOOOO! I forgot dito nga pala ako nagstay sa unit ni Gino.
Hala? So it means, natulog kami sa iisang kwarto? And, you know, im a chick kind of girl, lalaki siya, baka naman diba anu?
Tinignan ko yung katawan ko kung may suot suot pa kong damit, good thing meron pa. I somewhat felt relieved.
"Don't worry, i didnt do anything wrong." halos mapatalon ako sa gulat ng marinig kong may magsalita. Nakita ko si Gino papasok ng kwarto na may dala dalang mini table na may pagkain.
"Good morning by the way. Breakfast in bed senyora. Oh. Let's rephrase everything. Good afternoon by the way. Lunch in bed senyora." sabi pa niya na nangaasar. Sorry na. Ang sarap matulog ehh. Pero nakakatawa lang yung itsura niya kasi naka-apron pa siya. Muka siyang napakagwapong house husband,pero shempre hindi ako ang housewife niya ah.
Kay Tyrone lang naman ang puso ko. :)
Hay.
"What's with you?" i said while smelling the food he served.
Uhmmmm. Ang bango. Nakakacrave lang lalo.
"Nothing. Masama ba? It will be rude kung di ko ipaghahanda ng breakfast ang bisita ko." he smiled.
Tanong ko lang, pansin niyo ba laging nakangiti tong lalaking toh? Di ba nangangalay yung panga niya kakangiti?
Kinain ko na yung hinanda niyang food and SWEAAAAAAAAAR! Ang sarap!
"Ang saraaaaaaaap! Ikaw ba talaga nagluto nito? O baka naman inorder mo lang yan?" tanong ko rito habang kinakain parin yung pagkain.
"HAHA! Oo naman. Anu tingin mo sakin, kitchen-hater? Shempre, panget naman sa isang lalaki kung di siya marunong magluto. Panu na lang kung mag-asawa na ko diba? Edi swerte niya, pagsisilbihan ko siya ng buong buo." sabi nito. Natawa na lang ako. Panu ba naman kasi, yung itsura niya parang babaeng nagdedaydream. Pero ang cuteeee. Kaya no doubr bat ako nagkagusto dito DATI. haha.
"Tss. Ewan ko sayo. Oo nga pa bat di mo ko ginising ng maaga. Nakakahiya naman tuloy sayo." sabi ko rito.
"Anu ka ba okay lang yun. Tsaka okay na ring di ka muna nagising. Pumunta rito kanina kuya mo." nagulat ako sa sinabi niya kaya bigla na lang ako napatingin sa kanya't naghihintay ng sunod niya pang sasabihin.
"A-anung g-ginawa niya dito?"
"Pinuntahan ka. Nag-aalala na kasi daw sila sayo kasi di nila alam kung saan ka hahagilapin. Buti na lang naisip kong itext si Tyrone at sinabing andito ka. Pinapasundo nga kita kaso di ka naman niya inuwi, kasi nga tulog ka pa." pagpapaliwanag nito.
"Bat mo sinabing nandito ako?!" singhal ko sa kanya.
Nakakainis naman kasi eh! Kaya nga i need time and space muna for awhile para makapagisip isip. Tapos sasabihin din niya kung nasaan ako. Akala ko pa naman nauunawaan ako nito!
"Kailangan kong gawin yun Wynah." he said and smile again.
"Pero bakit mo nga ginawa yun?! Nakakainis ka naman eh. Akala ko naiintindihan mo ko! Akala ko maasahan kita! Pero bakit mo sinabi kay Tyrone na nandito ako!" pagsisisigaw ko.