Chapter 12 - "Should I Move On?"

2.9K 50 1
                                    

AN: Sorry ngayon lang ako nakapagupdate, at ito lang ang nakayanan ko. Super busy ho talaga sa project eh. Sana maunawaan niyo. :(

Happy reading everyone :))




[ Tyrone’s POV ]

Andito ako ngayon sa may main bridge ng campus namin. Gustong gusto kong tumambay dito kasi, nakikita ko lahat ng estudyanteng naglalakad dito sa campus.

Tsaka dito ako nakakapagisip ng malalim.

Di ko alam kung bakit nadedepressed ako ng ganito.  Simula nung malaman ko na may iba nang gusto si Wynah. Feeling ko, gusto kong mainis at magselos. Dahil lang ba yun sa nakasanayan  ko lang na ako ang laging kasama ni Wynah?

At nung time na hinalikan ako ni Wynah..

Nagulat ako inaamin ko. Sobra pa!

Pero alam niyo ba ang narealize ko nun?

Bumalik sa isip at puso ko ang First Love ko.

And at the same time,

Si Wynah yun.

 

 

Oo, ever since then, minahal ko na noon pa man si Wynah.  Siya kasi ang unang nagparanas sakin na hindi ako nagiisa noon.

Siya lang yung hindi sumukong damayan at alalayan ako sa lungkot na naramdaman ko. Sa pangungulila.

At nung time na naging Kuya niya ko, sobrang saya ko nun.

Si Wynah na ang naging ikot ng mundo ko.

Nangako ako noon na ako na ang magiging tagapagtanggol niya, taong susuporta lagi sa kanya, na laging nandyan sa tabi niya at laging nag-aalaga’t nagmamahal sa kanya.

Nahulog talaga ang loob ko sa kanya. Pero pinilit kong kalimutan ang nararamdaman kong yun.

Kapatid ko na siya diba?

At alam kong hindi matatatanggap ng parents ni Wynah kung sakaling ma-inlove ako sa anak nila.

Ayokong lumabas na walang utang na loob. Sobrang naging mabait sakin ang pamilya nila. Lalo na siya kaya ayokong magalit at masaktan ko ang damdamin nila.

At ngayong mukang masaya na si Wynah sa taong mahal niya, kailangan ko na rin sigurong dumistansya.

Mag-move on na rin siguro sa nararamdaman ko. 

Mahalaga sakin si Wynah. SOBRA. Pero kailangan kong panghawakan ang responsibilidad na KUYA NIYA KO.


Sana Wynah, hindi na lang sa ganitong sitwasyon tayo nagkakilala.


Sana hindi sa sitwasyong, magiging Kuya mo ako.



Edi sana, magagawa kong ipaglaban ang nararamdaman ko sayo.



Sayang kasi, hindi pwede. 









Biglang pumasok sa isip ko si Sophia. 

Alam kong may nararamdaman siya sakin.

Mabait naman siya, sweet, caring at talagang down-to-earth na babae. 

Di naman siguro ako masasaktan sa kanya, hindi ba?

Hindi siya nagtake advantage sa pagkakaibigan nila ni Wynah, para sakin kahit alam niyang magkapatid kami.

Maybe, matatawag nating pangrerebound tong ginagawa ko.

Pero, mukang di naman siyang mahirap mahalin diba?

Magagawa ko rin naman matutong mahalin din siya.

Para na rin sa magiging kaligayahan ko. 

Kaligayahan na sana, si Wynah ang kasama ko. 









Teka, si Wynah yun ah? 

Bakit, tumatakbo siyang umiiyak?

Me And My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon