AN: Maiikli lang po ito guys. Tiyaga :)
Wynah's POV
Maaga akong pumasok ngayon even though mamaya pa naman ang first class ko. Kailangan ko kasing makausap ngayon si Tyrone. Marami akong gustong sabihin sa kanya. Marami rin akong gustong itanong. Tsaka higit sa lahat, miss na miss ko na siya. Tatlong araw ko na siyang di nakikita. Di talaga ako sanay ng wala siya sa paningin ko.
Nang makapasok na ko sa University agad kong nakitang naglalakad pasalubong sakin si Andrew kasama ang girlfriend niyang si Mariya.
"Hoy Andrew! Nakita mo ba si Tyr-- I mean si Kuya Tyrone?" tanong ko rito.
"Hindi eh. Di ko pa siya nakikita simula kanina." sagot naman niya. Napayuko na lang ako. Nasan kaya yun? Di kaya siya papasok? Iniiwasan nanaman ba niya ulit ako?
"Ay ako nakita ko siya!" napaangat bigla yung tingin ko kay Mariya.
"Nasan siya?"
"Kasama niya si Sophia. Papunta sila banda sa may gym. Ewan ko kung saan exactly. Basta banda dun. Hanapin mo na lang dun."
"Ah ganun ba? Salamat Mariya! Ang ganda mo today you know? Hahaha! Sige see you later guys!"sabi ko habang nagwawave ng hands sakanila.
"Tse! Haha see ya!" sagot naman ni Mariya.
Dali dali akong tumakbo papunta banda sa gym. Hay. As usual magkasama nanaman sila. Di naman ako bitter actually. Pero anu naman ang aasahan mo sa tulad kong broken hearted diba? Tsaka afterall bestfriend ko pa rin naman si Sophia. Kaya alam ko may part sakin na happy para sa kanila. Even though deep inside of me IM DYING.
Hinanap hanap ko sila sa kung saan saan dito sa paligid ng gym. Kaso di ko naman sila makita. Nakaalis na kaya sila? Wait. Baka naman nasan loob ng gym? Shunga. Haha. DI ko man lang naisip yun? Gosh. :))Pumasok na ko sa loob ng gym. Teka walang tao? Wala bang practice basketball team ngayon? Tch. Palibhasa confident na na laging mananalo. Well, as a matter of fact. Magagaling na nga talaga sila. Pero kahit na diba? Hmp.
Naglakad lakad pa ko konti papasok sa loob. At sa wakas ..
nakita ko na rin .. SILA.
They're kissing at the center of the court.
WOW. What a scene. Yeah. Wow talaga. Ang saya po. Sobra. Nakakatuwa. Sobrang saya.
A-ang s-saya.
Nagulat ako ng biglang may tumakip ng mga mata ko.
"Don't look." sabi niya. Kilala ko ang boses na yun. Si Gino.
"Hayaan mo lang ako." sabi ko habang tinatanggal yung mga kamay niya sa mata ko. Pasmado kaya siya? Ramdam ko kasing basang basa na yung mukha ko banda sa mata na tinatakpan niya.
"Di ako pasmado. Wag ka kasing umiyak para di basang basa yang kamay ko," sabi niya. Mind-reader ba toh? Pero tama siya. Ito nanaman ako, umiiyak.
Di ko na tinangkang tanggalin pa yung kamay niya sa pagkakatakip sa mata ko. Hinayaan ko na lang. Siguro nga mas okay na wag ko na munang makita ang mga masasakit na katotohanan, pansamantala.
"Gino, tanga ba ko?" tanong ko sa kanya.
"Normal lang yan. Kaya wag kang mag-alala."
"So tanga nga ko?"
"Ewan ko. Malay natin?"
"Gino. May chance pa kaya ako kay Tyrone? May possibillity ba na maging kami? Na mahalin niya rin ako?"
"Siguro? Kasi ang alam ko, nothing is impossible." humarap ako sa kanya. Tinignan ko siya sa mata. Nakangiti lang siya at ayan nanaman ang mga concern niyang mata.
"Gino, give me comfort hug please?" sabi ko rito. I need someone to lean on. Sobrang vain ako ngayon.
"Sure. Gusto mo super hug pa eh!" sabi niya. Natawa naman ako bigla. Walanjo toh. Super hug talaga?
"Hahahaha! Gino! S-super hug? Hahahaha! Nakakatuwa ka talaga alam mo ba yun?" bigla namang nagpout si Gino. Lalo tuloy ang natawa kasi ang cute niya. >3<
"Okay enough na. Oo na its so gay. Lalo na kung ako pa nagsabi. Wag ka nang tumawa. Nahihiya na po ako." sabi ni Gino. Sabay pout ulit. >3<
Kinurot ko yung magkabilang pisngi niya. Ang cute niya kasi talaga.
"I found it cute dont worry. Haha! Sige na bigyan mo na ko ng SUPER HUUUUG!" sabi ko rito sabay yakap. He hugged me back.
Ewan ko I feel secured habang yakap yakap namin ang isa't isa.
Sana siya na lang ulit.
"Ang sweet niyo naman best! Hahaha! Sayang di ko kayo napicturan." nagulat ako sa nagsalita kaya napatingin ako bigla sa kanila. Si Sophia.Kasama si Tyrone.