Chapter 18 - "Heartbreak"

1.9K 43 0
                                    

Wynah's POV

"Hindi pwede dahil kuya mo ko Wynah."

Hanggang ngayon di parin magawang mag sync in sa utak ko ang mga katagang yun na aainitawan ni Tyrone. Tama siya dahil kuya ko siya. Pero di ko naman siya kadugo eh. At di ko rin naman aakalaing sa kanya titibok tong puso ko. Di ko hinangad. Di ko pinilit.

At DI KO SINASADYA.

Kusang nanyari.

Kusang dumating.

Kusa kong naramdaman.

At dahil sa pag amin nitong puso, lumayo sîya sakin.

Iniiwasan niya ako. Ni hindi ako nililingon pag tinatawag ko. Kinakausap lang ako kung may importanteng pag uusapan. Like school, bilin ng parents at kung anu pa man.

Di ako sanay.

Tumayo na ko sa swing dito sa garden namin. Tulad nitong past few days hirapa nanamang akong makatulog sa dami ng iniisip. Walang sawa na rin akong umiiyak. Nakakapagtaka kse

di man lang ako maubusan ng luha na maiiyak.

Nung umaakyat na ko ng hagdan para pumasok na sa kwarto, nakasalubong ko si Tyrone.

"Hi Tyrone. Gabi na ah. San ka pupunta?" tanong ko sa kanya. Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad at nilampasan ako.

Walanjo ka Tyrone! Nilalampasan lampasan mo na lang talaga ang beauty ko?! Kainíp ka. Di mo ba alam na miss na kita!

Di mo man lang ako tinanong kung bat gsing pa ko. Bakit di ako makatulog. Ni hindi mo na ring magawang alukin ako ng gatas o kaya naman samahan ako hanggang sa makatulog ako. Tyrone bakit nangyayari sa atin toh?

Di ko nanaman napigilang lumuha. Tumakbo ako sa kwarto't nahiga na. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nakatulog ako.

Ang pag iyak ko gabi gabi ang nakakapagpatulog sa akin.

----------------

Kinabukasan,

Hay, kailangan ko nanamang pumasok. Kahit na hilig ko ang course ko, di ko pa rin magawang pigilan ang katamaran nerves ko. Tsaka nakakawalang gana kasi di na kame sabay pumasok ni Tyrone. Nagsasarili siya ng pasok. Kaya no choice ako kundi magpahatid kay Manong.

Naiintindihan ko naman siya kung bakit niya ko iniiwasan. Kung bakit niya ko nilalayuan.

Kaya dapat lang akong magpakatatag at manatiling matatag.

"Tayo na po Manong." yaya ko sa driver ko. Pinagbuksan na niya ako ng pinto ng sasakyan.

Habang nasa byahe kame papuntang school, bigla akong nakaramdam ng weird na feeling.

Bigla akong nakaramdam ng kaba.

Pero bakit?

Nakarating na kami ng school pero naguguluhan pa rin ako.

"Salamat po Manong." sabi ko kay Manong pagkababa ko.

"Walang anuman. Mag iingat ka hija ha. Sige mauna na ko. Susunduin na lang kita mamaya." tugon nito sabay umalis.

Pumasok na ako ng gate. Habang naglalakad ako sa quadrangle, nakita ko sina Andrew, Nathan at Tyrone na nakaakbay kay Sophia. Nagtatawanan sila.

Biglang parang may tumusok sa dibdib ko. Pero di ko dapat ipahalatang nasasaktan ako.

Lumapit ako sa kanila.

"Hey humans! What's with that chit-chats? Mukang masaya kayo ah? Share niyo naman." masayang sabi ko.

"Haha kasi naman, after billion years sila Tyrone at Sophia na. Hahaha!" sabi ni Nathan.

"Oo nga. Inlove na ang beshpren naten Men!" sabi naman ni Andrew na natatawa tawa at nakipaghigh five pa kay Tyrone.

Nagkatinginan kami ni Tyrone. Seryoso yung tingin niya sa aking pero agad niya ring iniwas.

"T-talaga? Nakanang! Ikaw bhes umaariba ah! Congrats sainyo! Stay strong okay?" sabi ko sa kanila habang pilit na ngumingiti. Tinapik tapik ko rin ang mga balikat nila.

"Sige, mauna na ko. Malalate nako eh. Ayokong masermonan ang beauty ko." paalam ko sa kanila. Naramdaman ko kasing any minute tutulo nanaman ang mga luha ko.

Lumapit ako kay Tyrone at bumulong "I WILL WAIT."

"Sige Wynah, see you later." nakangiting sabi nila saakin.

I smile back. But a fake one. Coz i know deep inside of me, im dying.

Tumakbo lang ako ng tumakbo. Ni hindi ko alam kung saan ako patungo. Ang alam ko lang, sobrang nasasaktan ako. At tulad nga ng inaasahan ko, tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Kaya pala ako nakaramdan ng kaba kanina. Ito pala ang ibig sabihin nun.

This is the MOST PAINFUL Heartbreak that i ever experience in my whole life.

At nararanasan ko ito sa taong datî rati'y minamahal at inaalagaan ako. Sa taong, nangako sa akin na di ako iiwan at hahayaang masaktan.

Pero ano na nangyari ngayon?

Siya ang dahilan kung bakit nagdurusa ang puso ko ngayon.

Maya maya'y naramdaman kong may nabunggo ako sa pagtakbo.

Si Gino.

"Oh Wynah! Anung nangyari? Bakit ka umiiyak?" nagaalalang tanong nito.

Imbis na sagutin siya, yumakap ako sa kanya ng mahigpit.

I badly need someone to lean and cry on. Kasi baka di ko na rin kayanin.

"ANONG GAGAWIN KO? MAHAL KO NA KUYA KO."

Me And My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon