AN: It's been a long time since my last Update. Actually I was supposed to delete this Story Me and My Kuya kasi feeling ko walang nagbabasa pero dahil sa isang taong nagsasabing wag ko itong burahin at she learned a lot of lessons daw, I felt very overwhelmed. Kaya I dedicate this chapter to her. I hope magustuhan niyo ah. :)
(PLUG: Read my other story, REVENGE OF MISS CASANNOVA THE HEARTBREAKER, UNEXPECTED LOVE STORIES, and my new story, WHAT'S THE SECRET INSIDE THE KINGS PROFILE. Hahaha)
Tyrone's POV
"Hon, ang sweet nila Gino and Wynah noh? Hahahaha! As far as I know, diba crush niya yun? Kyaaaah kakilig" sabi ni Sophia habang ngiting ngiting inaalala yung yakap scene kanina nila Gino.
URGH.
"Di na daw niya gusto yun." sabi ko sa kanya. Maang na napatingin sa akin si Sophia.
"Huwaaaaaaah. Bakit naman? Awdeeeee. Sayang naman ang cute cute nilang tignan. Bagay na bagay sila. Tsaka I know Gino wouldnt hurt her once na maging sila. Tignan mo naman, hindi pa sila ng lagay na yun pero they can hug each other perfectly na. Para bang hinihigop ng isa't isa yung love and strenght for themselves. Something like that. Hahahaha anu bey. Ah basta. Pwedeng pwede sila. I hope magkatuluyan sila. Hihihihihi." sabi ulit niya. Every words na sinasabi niya na pinapahiwatig na bagay talaga sa isa't isa sina Gino at Wynah, parang kutsilyong paulit - ulit na sumasaksak saakin.
We can also hug each other and we can also fulfill the strenght and love needed by each other. Bagay rin naman kami diba? Pero ang kulang lang, di kami pwedeng pwede tulad nila ni Gino.
"Hon?" untag saakin ni Sophia. Napatingin naman ako sa kanya. Hay. Masyado nang napapalalim lagi ang iniisip ko.Alam niyo yung feeling na mababaliw ka? Yung ang sarap ihampas ng sarili mo sa pader? Yung gustong gusto mong sabunutan ng sobra yung buhok mo? Yung ganung feeling kapag may namimiss kang tao? Yung feeling na naluluha ka na lang bigla. Ganun yung nararamdaman ko ngayon. Mga panahong di ko na nakakasama si Wynah. Ngayong pinilit akong lumalayo sa kanya, at pinagtatabuyan siya.
Masakit saakin yun. Sobra. Lalo na sa bawat pag-iyak niya ako ang dahilan, sa bawat pag-iyak at pagdurusa niya, ibang tao ang nagiging sandalan niya.
"Hon? Uy." lumapit saakin si Sophia. "Are you okay? You look pale." sabi pa niya't hinipo yung noo ko.
"Hala nilalagnat ka. Dalhin kita sa clinic dali!" natatarantang sabi niya.
Bakit ba di ko na lang tanggapin sa sarili kong, di na talaga pwede kaya dapat itigil ko na rin tong nararamdaman ko, ang pagmamahal ko para sa kanya. Bakit di ko magawang utusan ang sarili kong puso na tumigil na sa pagtibok sa kanya, at maghanap na lang ng iba. Tulad ni Sophia.
"No it's okay. Uuwi na lang siguro ako." sabi ko sa kanya. Medyo sumasakit na rin kasi ang ulo ko.
Pagod lang siguro. Pagod lang.
"Ah sige, tara samahan na kita sainyo. Ihahatid na kita." sabi pa niya ulit. I just smile at her.