WYNAH'S POV
Im so excited kasi bukas na ang pinakahihintay kong Senior Waltz nila kuya. Even though I'm not belong sa party ATLEAST INVITED AKO. Bleh :P
Well, honestly kaya lang naman ako atat na atat bukas kasi naman i want to wear my oh so pretty pink and black na ballgown. WAAAAAH. And to think si Kuya ang aking magiging first dance ko. Oh so perfect! HAHA :)
Teka nga? First dance ko nga ba? Ah ewan.
Hay, kaya ayoko ng naeexcited eh, napapanay ang paglapang ko sa mga sweet stuffs lalo na ang mga chocolates. Kamusta naman ang diet ko noh? Baka mamaya di na magkasya sakin yung gown ko. T.T
PERO I CAN'T HELP IT.
I think almost 3 hours na kong lumalamon NON STOP PROMISE. Sabayan mo ba naman ng panonood ng Paano na Kaya nila Kim Chui at Gerald Anderson! Waaaaaaaah! im so iyak iyak lalo na sa part na
'LAHAT NG TAONG NAGMAMAHAL NAGPAPAKAT*NGA! PERO T*NGA NA KUNG T*NGA PERO MAHAL KITA! MAHAL KITA G*G* KA!'
OMO! Its was so breath-taking pero natawa ako kunte sa may last sentence.
Habang nanunuod ako. Bigla bigla akong nakaramdam ng sakit ng tiyan. Kaya napatigil ako sa pagkain ng chocolate. Maya maya'y napatakbo ako sa CR. Waaaah.
Halos nakakailang balik na ko sa CR. Nage-LBM ata ako. Pero promise ang sakit talaga ng tiyan ko! Maiyak iyak na talaga ako sa sobrang sakit. Pumasok sina Kuya at yung katulong namin. Narinig ata nila ang pagiyak ko.
Alalang alala ang itsura nun ni Kuya kaya dali dali niya kong binuhat at dinala sa ospital. Chineck ng doctor yung lagay ko. Okay naman daw pero kailangan ko munang magstay for 2 days kasi makakaramdam pa daw ako ng ilang stomachache dala na rin daw kasi nung nasobrahan ako sa pagkain ng mga chocolate.
ANU BA KASI PUMASOK NA ISIP KO AT NAISIPAN KONG MAGTAKAW! Panu na yung waltz!? Panu na si Kuya Tyrone?! PANO NA YUNG GOWN KO?! Wah! Ang engot engot mo naman kasi Wynah ehh! Nakakainis!
Buong magdamag akong nagmukmok at nagiiiyak sa room ko. Naiinis talaga ako sa sarili ko. Nakakainis talaga. Kahit nang magkinabukasan na, wala parin talaga akong ganang tumayo o kumain man lang. Di na rin ako nabisita ni Kuya Tyrone kasi for sure nagreready na rin yung para sa Senior Waltz nila. At sa tuwing maiisip ko na di ako makakasama dun, LALO LANG AKONG NADEDEPRESSED!
"Anu ka ba naman Anak. Kumain ka na, sabi ni Manang di ka pa rin daw kumakain. Di ka gagaling niyan. Kumain ka na. Pupunta kami diyan ni Daddy mo after ng work namin, kaya dapat kumain ka na. Okay?" sabi ni Momy habang kausap ko siya sa phone. Pero swear WALA AKONG GANA!
"AYOKO. Bye." pagkasagot ko binaba ko na yung phone. Nabuburyo na ko dito sa kwartong toh! Ayoko pa ng mga pagkain ng ospital. Masyadong nakakasuka ang lasa! Itsura palang mawawalan ka na ng ganang kainin pa!
Binuksan ko yung TV pero wala dun ang atensyon ko. Nagmumukmok parin ako dahil di ko nasuot ang pretty ballgown ko! Pero nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Kuya. Ang gwapo! Lalo na sa suot suot niyang Tuxedo! OMO! Halos mapanganga ako sa sobrang pagkamazed!
Pero kahit na naiinis pa rin ako. Kay after ko siyang tignan, humiga ulit ako't nagtalukbong ng kumot.
"Hey Wynah. Wag ka nang magmukmok diyan."
"......"
"Hey. Look, di mo man lang ba ako kakausapin?"
" Leave me alone Kuya! Go straight to the Venue! Not here! You make me feel dissappointed more!"
"Oh c'mon. Tignan mo nga kung anung oras na sa tingin mo aabutan ko pa start nun?" I looked at the time on my phone. Its already 9 PM. 8 ang start ng event.
"Why are you here Kuya?! Are you stupid?! One hour late ka na! Pumunta ka na dun!" pagsisisigaw ko sa kanya! To think na ako pa yung sobrang nagpapanic for him, samntalang siya paeasy easy lang?! Spell the word WEIRDO!
" I dont want to enjoy myself if my partner is here crying like a baby. Tsaka tutal wala naman akong partner edi susundan ko na lang ang partner ko. My waltz would be here where my beloved partner stay. Come with me." sabi nito. Aaminin ko medyo kinilig ako sa sinabi niya. HOHO, pero di naman talaga ako ang original partner niya right? im a second Choice remember? An that idea pierce my heart.
Pero teka, saan daw kami pupunta?
"Where are we going?" tanong ko sa kanya. He just smiled and held his hand on mine.
"Teka nakapajama pa ko ng ospital! San ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang hila hila niya ko pasakay sa motor niya.
"Just come with me okay?" sabi niya while smiling. Okay fine.
Dinala niya ko sa isang building not that high siguro 4 floors lang. Pumunta kami sa pinarooftop nito. At tumingin kami sa mga buildings. Ang ganda lang sa mata dahil sa dami ng iba't ibang kulay na naroon. Parang feeling mo, ikaw ang pinakamalaki sa lahat.
And suddenly, a flashback comes in my mind
Dito nangyari yung first dance namin ni Kuya 7 years ako. Dinala niya ko dito ng patakas kasi bored na bored ako sa party na pinuntahan namin. Inangkas ako ni Kuya sa bike niya at dinala dito. Grabe sobrang ganda talaga! First time ko rin kasi nun na umalis na walang kasamang driver or yaya. DIto rin ako inalok ni Kuya nun na sumayaw. Even though di siya gaanong marunong that time nadadala ko naman siya.
And to think na mauulit ulit ang time na yun. Its was so, SWEET.
"Can I have this dance again my princess?" sabi ni Kuya when he offer his hand on me while smiling. I also smiled and accept it.
Kinuha niya yung phone niya at may pinatugtog. Yung favorite namin ni Kuya na kanta sa Can I Have This Dance ng High School Musical. Pinagpractisan talaga namin toh ni Kuya after namin mapanuod yun. Kahit na sobrang mahirap nagawa naman namin.
"Still remember the steps?" he asked.
"Yup. Ako pa." sagot ko.
Then we start dancing the waltz. Gusto kong maiyak nun sa sobrang sayang nararamdaman ko. Tyrone never fails to amuse and make me feel so special. Nagpapasalamat talaga ako kasi siya ang naging Kuya ko. Kuyang nagpapasaya sa akin. At Kuyang nagmamahal, nagaalaga at nagmamalasakit sakin ng sobra sobra.
But.
" Kuya, I think I LIKE YOU."
![](https://img.wattpad.com/cover/1049392-288-k554105.jpg)