Chapter 22 - "Playground/Kiss No. 2"

2K 42 1
                                    

YWYNAH'S POV

"Anak, may problema ba kayo ng Kuya Tyrone mo?" alalang tanong sakin ni Mommy. Napansin siguro nila ang biglang pananahimik ko sa sinabi nila. 

Dapat ko bang sabihin?

No. Di ko pwedeng sabihin.

"W-wala naman po. Bakit niyo naman naitanong yan?" tanong ko sa kanila. 

"Kasi anak, napapansin namin nitong Mommy mo na iwas kayo sa isa't isa eh. Kaya akala namin may problema kayo. Kung meron man, pwede niyo namang sabihin samin eh. Para matulungan namin kayo kung sakali." sabi ni Daddy. 

Naiiyak ako. Ayan nanaman ang mga pesteng luha na ayaw magpapigil sa pagtulo. 

"Wala kaming problema Daddy. Wag po kayong mag-alala. Kaso nagtatampo ho talaga ako ngayon kay Kuya Tyrone kasi naman di man lang siya nagsabing bubukod na siya saatin." sabi ko naman. Nakakainis. Nakakaasar. Bakit ganito na ang nangyayari saamin. 

"Mommy, Daddy. Labas lang muna ako. Papahangin lang. Uuwi rin ako maya maya lang." paalam ko sa mga ito. Tumango naman sila kasi naiintindihan nila ang sitwasyon ko. 

Nagmadali akong lumabas ng gate. Naglakad lakad habang umiiyak. Di ko na nga lang namalayan na nasa Clubhouse na ko ng vlllage eh. 

Mula sa kinatatayuan ko, agad kong natanaw yung playground.

Then a flashback comes to my mind.

Flashback

8 Years ago. Wynah is still 11 years old this time while Tyrone is stiil 13 years old. )

"Kuyaaaaaa! Tanda mo pa itong place na toh? Dito kita naging Kuya ko diba?" natutuwang sabi ko kay Kuya Tyrone.

"Yup! Tsaka dito ka rin inaway nang mga ka-village natin. Ikaw naman kasi bakit ka umaalis ng mag-isa ka lang. Buti na lang talaga nakita noon." sabi ni Kuya. 

"Eh kasi naman ikaw ayaw mo akong kausapin nun eh! Kaya ayun naghanap ako ng makakalaro ko. Di ko naman akalaing ang ba-Bad nila Tsss!" asar na sabi ko Kay Kuya Tyrone. 

Kasi naman eh. First time ko na nga lang lumabas ng bahay nun na mag-isa inaway pa ko. Akala ko pa naman friendly lahat ng tao dito sa village namin.

Buti na lang andun ang aking Knight in Shining Armor Kuya ♥

"Oh kaya dapat maging good girl ka na. Tanda tanda mo na dapat nagpapakamature ka na." sabi ni Kuya. 

Napasimangot ako. "Anong tanda tanda! 11 pa lang ako noh! Ikaw nga 13 na eh! Ikaw ang matanda hahahahaha! Manong! Manong! Tanda! Tanda!" pang-aasar ko dito. Huh! Kala niya ah hihi. 

"Ahh ganun? Inaaway mo na rin ako? Hmmmm." sabi niya sabay ngiti sakin ng nakakaloko.

Halaaaaa! Masama ito!

Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko sa swing at tumakbo palayo. Di ko makakayang maabutan ng aking Monster Kuya! Kikilitiin niya ko ng bonggang bongga! 

"Heeeey! Stop running! Maabutan din kita lagot ka sakin. Bwuahahahahaha!" sigaw ni Kuya Tyrone sabay evil laugh. Juskoooo.

Nagpaikot ikot lang kami sa playground. Good thing maraming swings, seasaw, slide or kung anu pa man dito para pwede kong ikut ikutan. AYOKONG MAHULI NI KUYAAAAA!

Me And My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon