Chapter 28 - When he said that

2.3K 45 4
                                    

AN: Medyo malapit lapit na ata tong matapos. Di ko nga alam kung may nagbabasa pa ba nito eh. Huehue. Sana patuloy niyo paring suportahan ang Me and My Kuya please? :'(

Enjoy reading. :)

Wynah's picture @ the side :)

Wynah’s POV

Hila-hila ulit ako ni Tyrone palabas doon sa maliit na gubat na yun. Ewan ko pero parang lutang na lutang at wala pa rin ako sa sarili ko sa sinabi niyang yun. Gusto ko nang malaman ang sasabihin niya, I want to know what does he mean to those words he said.

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, at feeling ko ang gaan gaan ng pakiramdam ko. I can’t help but smile.

While we’re heading our way papuntang condo niya, pansin kong nanghihina si Tyrone at papikit pikit habang nagddrive.

Oo nga pala may lagnat siya!


“Tyrone. O-okay ka lang ba? May lagnat ka diba? Kaya mo pa?”
nag-aalalang tanong ko rito.

Ang tanga ko lang para itanong ko pa siya kung okay lang siya, eh alam ko naming nilalagnat na siya to think na talagang lumusob pa siya sa ulan kahit na may sakit pa siya.

Nabanggit sakin ni Tyrone na pumunta siya dun para sana magpalipas ng oras. Kaso nakita niya daw ako kaya sa ibang part na lang siya nagstay.

Oo nung sinabi niya yun, nakaramdam nanaman ako ng sakit kasi feeling ko may contagious disease ako kaya pilit niya kong iniiwasan.

 Pero nung sinabi niyang nag-alala siya kasi daw baka andun pa ko nung umuulan na, pinuntahan niya ko dun sa tulay to think na nakita niya yung sitwasyon ko kanina, he thanked God na hindi pa siya nahuli ng dating at nailigtas ako.

 That’s why my heartfelt enlightened once again. Alam ko di pa rin ako dapat umasa, miski na sinabi niya rin yung mga katagang yun kanina, pero I can’t help it. Alam ko naiintindihan niyo rin ako. Tao lang rin akong nagmamahal, marunong umasa.

“Kaya ko pa naman. Tsaka malapit na rin naman tayo.” Sabi niya. Di na ko umimik kahit gusting gusto ko na siyang patigilin na muna sa pagmamaneho para magpahinga saglit. Alam ko naman di to papapigil eh. Tsaka mas mabuti na rin kung makauwi na sa condo niya para mas makapagpapahinga siya doon ng maayos.

After ilang minutes nakarating na kami sa condo niya. Nang makapagpark na siya, hinang hinang bumaba siya ng kotse kaya agad na rin akong lumabas upang pumunta sa kanya at alalayan siya.

“Tyrone humawak ka na lang sa akin alalayan na kita paakyat.” Sabi ko sa kanya habang pinapaikot ko yung braso niya balikat ko para maalalayan ko siya.

“Okay lang ako Wynah. Kaya ko pa naman eh.” Sabi niya na halata mo na nga sa boses niyang hinang hina siya.

“Wag nang matigas ang ulo. Kulit kulit.” Sabi ko rito. Di na siya nanlaban pa kasi alam niyang di ako papatalo sa kanya.

Me And My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon