Chapter 23 - "Lullaby ♫♪"

1.8K 32 0
                                        

Ywynah's POV

10 oclock na rin pala ng gabi andito pa rin ako sa playground ng village namin. Ang sakit sakit na ng ulo ko kakaiyak. Ang lamig lamig pa. Feeling ko kinikilabutan ako sa kada haplos ng hangin sa mga balat ko. Nung medyo nahimasmasan na ko ng konti, napagdesisyunan ko nang umuwi. Sigurado naman wala pa sina Mommy at Daddy dun because of work kaya di nila makikita itong pamamaga ng mga mata ko.

Nang makarating na ko sa bahay dirediretso agad akong pumunta sa kwarto ko. Wala nanaman akong gana kumain. Ewan ko ba. Kung gaano ako naging katakaw before nung Senior Waltz nila Tyrone ganun naman ako katamad lumamon. Baliw lang eh noh?

Sheems. Ang sakit nanaman ng ulo ko. Kulang kasi sa tulog eh. Tapos sabayan mo pa tong sakit ko sa puso. Grabe lang! Ang drama drama ng buhay ko. Kainis. Haha. Miss ko na tuloy bigla mag-shopping kaso tinatamad naman ako maglakad. Tsaka wala na kong makakajoin force sa pagmamall, iwas na si Tyrone sakin eh. Hay. Great just great.

Nashower muna ako saglit then nagbihis. Nahiga na ko sa kama habang nagmumuni muni. Hoping madali akong makatulog this time.

Nakatingin lang ako sa taas. Iniisip kung ano ba ang dapat kong gawin. Kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Kung paano ko siya kakausapin ngayong iwas na iwas siya saakin.

Mahal na mahal ko na talaga siya. Bakit kasi ngayon ko lang naramdaman at narealize ito eh. Or should I say. Bakit ngayon ko pa naramdaman toh? Kung kelan sobrang napakakomplikado ng lahat.

Then again, another tears fell from my eyes. I really miss him. Lalo na sa mga panahong ito na hirap akong matulog. 

Like what happen before another flash back comes from my mind. 

Flashback

"Wynah. Di ka nanaman ba makatulog?" tanong sakin ni Kuya Tyrone. Nakita niya kasing nandito nanaman ako sa terrace nagpapahangin. Alam niya kasing di ako makatulog once na nakita niya kong nakatambay lang sa garden or sa terrace.

"Oo eh. Ewan ko ba. Nocturnal na ata ako. Haha, sige Kuya Tyone matulog ka na. Wag mo na kong alalahanin. I'll just wait for Mommy and Daddy. Go sleep." sabi ko dito. I know nag-aalala nanaman siya saakin. Ang bait niya noh? Hihi. :))

"No. You should not stay here outside. Masyado nang late. Halika samahan kita hanggang sa makatulog ka." sabi niya. Kitams? He's so kind.

"Kuya naman eh. Baka mamaya pa ko makatulog. I dont want to bother you. Sleep ka na kuya Tyrone. Ang kulit kulit mo naman eh."

"Nako. Di pwede. Halika ka na. Ang lamig lamig sa labas mahamugan ka pa."

"Kuya di na ko baby kaloka ka ha!" natatawa tawang sabi ko. Minsan ang OA na rin nitong si Kuya Tyrone. Pero kahit kahit ganyan yan love ko yan. Wahihi.

"Ah basta halika ka. Matulog ka na." walang tigil na pangungulit niya hanggang sa hinila hila na naman niya yung wrist ko. O-kay? Mas choice pa ba akez? 

"Hay. Oo na Kuya. Unli ka unli? Haha. Timpla mo muna ako milk pretty please?" sabi ko sa kanya while using my oh so famous puppy eyes. Nyehehehe. 

"Already done kaya umakyat ka na't matulog. " sabi niya. Ayt. Ang bilis haha. Napapout na lang tuloy ako ng wala sa oras. 

Umakyat na kami sa kwarto ko't nahiga na ko after kong inumin yung tinimpla niyang gatas. Woow . Ang galing talaga magtimpla ni Kuya ng milk! The best! WUAHAHAHA!

Umupo siya sa may tabi ko't sumandala sa may headboard. Sumandal naman ako sa may chest niya. Ang comportable kasi pag nakasandal ako kay Kuya Tyrone.

Me And My KuyaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon