Me And My Kuya ( Prologue )

21.2K 172 14
                                    

"Yan din ang inisip ko noon. na baka nga naguguluhan lang ako. na baka aware lang ako kasi di na ko ang iikutan ng mundo ko. Pero sa bawat BAKA na pumapasok sa isip ko, laging may karugtong na SANA. Sana mahal rin ako ni Tyrone. Sana panaginip lang na sila na ng bestfriend kong si Sophia. Sana maging okay at malinaw na lahat. Sana ako ulit ang ikutan ng mundo niya. Sana ako na lang. Sana. Wala. Walang katapusang sana."

-

"That's part of life Wynah. Every smile have its tears. Every laugh have its cry. But every sadness have its own happiness. If you can fight as much as you can, you can achieve you're goal that's worth fighting for. At isa pa, di mo malalamang nagmamahal ka pag di nasasaktan ito--" tinuro niya yung kaliwang dibdib ko "--- yang puso mo."

-

"Maybe not, maybe yes. But, do you know how strong Wynah is? Handa siyang magtiis handa ka niyang hintayin, handa rin siyang umunawa at handa siyang mahalin ka ng walang sawa. Kahit alam niya sa sarili niyang wala kasiguraduhang mamahalin mo rin siya. Idadaan niya sa iyak pero after nun, hayan nanaman siya, nakatingin at nakasuporta sayo mula sa malayo. Lagi ka niyang inaapproach kahit na lagi mo na lang siyang pinagtatabuyan. Kahit mahirap sa kanyang tanggapin dahil bigla bigla na lang babaliktad ang lahat sainyo, kinakaya kaya niya parin. Kahit nasanay siyang lagi kang nandyan sa tabi niya't ngayo'y lumalayo niya, kinakaya niya dahil mahal ka niya. At kapag iniisip niya ang thought na mahal ka niya, napapangiti siya and at the same time maiiyak. Di niya sinadya yun Tyrone, di niya sinadyang mahalin ka. Pero sabi niya di niya pinagsisisihan at wala siyang pakialam kung nararamdaman niya ito sayo. Bakit? Kasi daw, blessing ito para sa kanya kasi kahit mahirap ang sitwasyon niya ngayon, nagagawa niyang tumayo sa sarili niyang paa, nagagawa niyang kontrolin ang emosyon niya kahit sobra na siyang nasasaktan. At nagawa niyang aminin sa sarili niyang nagmamahal siya."

-

"Tyrone. Pumunta ako dito para alagaan at asikasuhin ka dahil nag-aalala ako, hindi ako nagpunta dito para insultuhin at bastusin mo. Oo tama ka, sasabihin ko sanang ang manhid manhid mo. Pero narealize ko, pareho lang tayo. Manhid ka dahil hindi mo magawang maramdaman ang pagmamahal ko sayo. Pero mas manhid ako kasi, kahit ilang beses mo akong saktan, kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan, ito parin ako, sige parin ng sige sayo, Balewala na saakin ang lahat ng sakit. Lahat ng sakit Tyrone. Ganun kasi kita kamahal."

-

“Pinaasa mo nanaman ako. Gago ka.”

-

“Pagod na ko. Pagod na ko sa pagintindi, sa paghihintay, sa pagtitiis sa sitwasyong meron tayo. Tao lang din ako. Marunong masaktan ng sobra. Marunong mapagod, marunong mapuno. Sabi ko dati sa sarili ko, magkaroon man ng ilang libong dahilan para isuko ka, hahanap at hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka kasi mahal kita. But you’re forcing me to give up already. Choose one Tyrone. Leave her? Or I’ll leave. I don’t have so much time to wait. One week. Not done? Then I’ll start to move on. ”

Me And My KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon