[ Wynah' POV ]
Kasalukuyan ako ngayong nasa garden kasama ang aking Prince Charming. Niyaya ko siyang samahan akong maglakad lakad dito. Well, honestly di naman talaga ako nagyaya ng walang dahilan. I just want to be with him ALWAYS :))
These past few days, lagi na kaming magkasama at magkakwentuhan. Magka-vibes na magka-vibes na kami. Kaya nga ang saya saya ko eh. Hmm. Pareho sila ni Kuyang senior student na. Sus wala naman sakin yun! One year lang naman ang agwat hindi ba? Anu bang masama dun? Teka nga, bakit ko ba iniissue yun sa sarili ko? DUH?! Yung iba nga 5 above pa yung agwat sa isa't isa noh! Haha anu ba yan nabubuang nanaman ako! Lakas na ata ng tama sakin nitong lalaking toh eh!
" Uhm, Wynah, tignan mo tong garden natin, alagang alaga ng mga school gardener. " sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya. OHMIGAD! Ang cute niya pala talaga oh oh! Haha di mo akalaing isang lalaki makakaappreciate ng bongga sa mga halaman. Akala ko si Kuya Tyrone lang ..
" Oo nga ih, Haha i really love this place kasi ang daming flowers sa paligid. " sabi ko naman. Ngumiti naman siya sakin. Hay, sa tingin niyo? Love at first sight ba talaga yung naramdaman ko noong una ko siyang makita? At talaga bang love na tong nararamdaman ko para sa kanya noon.
So dapat umamin na pala ako diba??? Malay mo torpe pala toh? May lihim naman palang nararamdaman para sakin??
Ok game tara AMINAN NA! :))
" Ahh, Wynah/Gino " sabay naming sabi.
" Ha? Sige ikaw na. " sabay nanamang sabi namin.
" Ladies first diba? " sabi niya.
" Ah, oo nga. S-sige ako n-na. " huminga ako ng malalim then nagsalita
" A-anu, Gino, I l-like y-you. " sabi ko. Tumingin lang siya sakin ng seryoso at himinga din siya ng malalim.
" Wynah, about nga dun ang gusto kong sabihin.. Ang totoo kasi niyan, sorry pero.. I dont feel the same way. Im sorry talaga, di ko gustong umasa ka pero w-wala talaga eh. Sorry Wynah sorry. "
Napatameme na lang ako. At naiiyak.
" O-okay lang. Sorry. Sorry rin kung naabala kita. S-s-sige m-m-mauna na k-k-o. " pagkasabi ko nun dali dali na kong umalis. Tulad nga ng inaasahan ko, nagunahan na ang mga luha sa mata ko.
ASSUMING ako.
And because of that, ang sakit ng nararamdaman ko ngayon.
I need my Kuya right now.
Kuya Tyrone, nasan ka na ba? Kailangan kita ngayon. Ang sakit sakit sakit sakit. T________T
Parang tinutusok tusok ang puso ko.
" Wynah! Anung nangyari sayo?! Bakit ka umiiyak?!"
