Chapter 32
Tyrone’s POV
“Urgh! Sht! The hell!” pagsisigaw ko mag-isa dito sa bar. Kahit naman magsisigaw ako dito ayos lang kasi nakakabingi rin naman ang tugtog dito kaya walang masyadong makakahalata.
Damn! Naguguluhan na ko. I mean, di ko na alam kung ano na ang gagawin ko! Mahal ko siya eh. Mahal ko si Wynah. For pete’s sake! God knows how much I love her!
Pero sobrang ipit na ko sa sitwasyong meron ako. Karma ko na nga siguro to. Ang gamitin ko si Sophia para gawing panakip butas. I have reason for that! Akala ko, wala na talagang pag-asa eh. Akala ko, habang buhay na talaga siyang mawawala sakin. And I thought matututunan ko rin namang mahalin si Sophia. Pero tama nga sila, maraming namamatay sa maling akala.
Di man ako literally namamatay or what, but this suffocating feeling inside me kills me like hell.
Ang hirap sa pakiramdam ang ganito. Di ko na alam ang gagawin ko.
Di naman kasi ganun kadaling iwan na lang basta basta si Sophia. She also meant a lot on me. Para ko na rin siyang naging matalik na kaibigan. You know what I want to point out?
Mabigat sa dibdib ang manakit ng taong alam mong di naman dapat na masaktan.
Today is the 2nd day nang one week na binibigay sakin ni Wynah. I know, she sound so childish para bigyan ako ng quota para sa araw, pero you know, I’m trying to understand her, kasi alam ko, nasasaktan ko rin siya.
But the hell, nasasaktan rin naman ako. Nasasakal. Naiipit sa dalawang taong di ko maatim saktan.
Bat di mo sabihin?
Bakit ko sasabihin? Para sumbatan siya na di lang siya ang nasasaktan? Edi kung sinabi ko yun, pipiliin niyang umalis na lang at iwan ako. Mas di ko matatanggap at makakaya yun!
URGH! Tinamaan na nga yata ako. :/
“Oy pre. Andito ka pala. What brought you here?” napatingin ako sa nag-salita na nasa gilid ko. Si Gino.
“Wala. Gusto ko lang uminom.” Sabi ko rito sabay tuon ulit ng atensyon ko sa alak na iniinum ko.
Umupo sa stool katabi ko’t umorder ng iinumin niya.
“Hmm. Mukang may problema ah. Daming nainom eh.” Sabi niya. I just sighed.
“Medyo? Nah. Ipit lang.” sabi ko. Tumango tango naman siya sa sinabi ko na para bang naiintindihan niya ko.
“Kung ipit ka sa dalawang option, piliin mo yung mas matimbang. Kasi kahit anong gawin mo, may masasaktan at masasaktan parin. Alam naman ng lahat yun eh. Kaya kung mamimili ka, piliin mo kung saan ka talaga mas sasaya. Para kahit papano, worth it at di sayang yung sakit na masasacrifice nung isa.” Nakangiting sabi niya sakin.
Lalo namang nagpalito sa utak ko yung mga sinabi niya pero may parang impact na tumama sakin.
DMN. Mas mahalaga sakin si WYNAH! Pero .. pero, natatakot akong saktan si Sophia.
ANG GAGO MO KASI TYRONE!
Nagring yung phone ni Gino. Well, di ko actually narinig magring kasi ang ingay nga dito sa bar, pero nakita ko kasing umiilaw yung screen ng phone niya pagkuha niya sa bulsa.
Nakita kong nakangiti siya habang may binabasa.
“What’s with those smile. Kita mong may katabi kang nagluluksa ngingiti ngiti ka naman diyan. Lumayo ka nga.” Taboy ko rito.
Natawa naman siya. “Nagtext lang kasi yung kapatid ko.” Sabi niya.
I raised my eyebrow. “Yung kinuwento mo dati na parang galit sayo?” tanong ko. He nodded.
“Ah. Natuwa ka kasi nagtext? Don’t tell me inlove ka rin sa kapatid mo?” sabi ko sa kanya.
Nagulat naman ako ng binatukan ako bigla “Gago. Kadugo ko yun. I’m not fond of incest dude.” Sabi niya. Tsk. Namura pa tuloy ako. -_-
“Natuwa lang ako kasi after 3 years? Ngayon lang siya nagtext ulit sakin.” Sabi niya.
“Ohh. Mukang nakakaoverwhelmed nga talaga.” Sabi ko sabay lagok ulit ng alak.
“Nainlove ka na ba?” tanong ko bigla dito. Natawa naman siya.
“Gay. Ang gay ng topic natin pero, yea. Nainlove na ko.” Sabi ko.
Napalingon naman ako sa kanya. “Oh? Kanino? How?” tanong ko. Well, yes I’m interested somehow.
“Basta. Inlove ako sa kanya. Ang tanga ko nga e. Pinakawalan ko pa. Yan tuloy, nasasaktan siya.” Sabi niya.
Naguluhan naman ako sa sinabi niya.
“I gotta go. Actually kanina pa ko nandito, gulat lang ako ng makita ditong umiinom mag-isa. Sige pre una na ko. Goodluck.” Sabi niya.
“Wait.” Pigil ko sa kanya.
Napalingon naman siya sakin. “Sino yung tinutukoy mo?” tanong ko.
Ngumiti muna siya bago sumagot.
“Si Wynah. Pero wag kang mag-alala. Di ko naman kayo guguluhin e. Alam kong walang wala tong nararamdaman ko kumpara sa nararamdaman mo para sa kanya. Pero pre, once na makita ko ulit na umiiyak si Wynah. Wala na kong pake kung anong lamang mo sakin. Kasi kayang kaya ko yang higitan. Mahal ko siya pre. Ayoko ko siyang nasasaktan.” Sabi niya bago tuluyang umalis ng bar.
Those words leave me here dumfounded.
“TANGINANG BUHAY TO!”
