TULAD nang dati, sabay kaming naglakad patungo sa sakayan ng jeep. Sa likod ng paaralan ang daan namin. Dadaan pa kaming isang subdivision bago makarating sa highway. Hindi na namin isinuot ang polo. T-shirt na lang na untuck, atsaka black pants. Madilim na rin, dahil tumambay pa kami sa Headquarters bago umuwi. Kami na lang ang mga estudyanteng naglalakad mula sa paaralan.
"Pagod ka ba?" tanong ni Sylvestre sa akin.
"Medyo," sagot ko. "Pero masarap naman. Sarap ng tulog natin mamaya."
"Sana nga magkatabi tayo," sabi ni Sylvestre.
"E di sa bahay ka na matulog."
"Hahanapin ako ni Tita. Next time sige, magpapaalam ako. Mamaya, sa panaginip na lang tayo mag-round two."
Nagtawanan kami.
Hanggang sa makarinig kami ng tahol ng aso. Napakapit sa akin si Sylvestre at sinubukan akong hilahin patakbo.
"Aso," sabi ni Sylvestre na parang magiging ibang hayop ito kapag sinigaw niya ang ngalan nito.
"Huwag kang tatakbo," pigil ko kay Sylvestre.
Sinunod ako ni Sylvestre pero dama ko sa higpit ng kapit niya ang takot niya. Lalo pa't marahang lumalapit sa amin ang aso.
Marahan akong yumuko at humawak sa lupa.
Tumigil sa pagtahol ang aso at tumakbo papalayo.
"Anong magic ang ginawa mo?" tanong ni Sylvestre.
"Basta," sagot ko. "Kailan ka pa natakot sa aso?"
"Hindi naman ako takot sa aso."
"Eh ano yung muntik ka nang tumakbo?"
"Takot ako sa galit na aso. May kaibahan yun."
Natawa naman ako. Wala naman iyung kaibahan. Tuloy kami sa paglalakad. Medyo tahimik kami. Na-offend yata siya na nalaman kong may kinatatakutan siya. Bata pa naman kasi kami. Ikinahihiya pa namin ang may makakita ng totoo naming pagkatao.
Si Sylvestre na ang naunang nagsalita.
"Salamat Castillo," sabi niya. "Kung ako lang, baka nilapa na ako nun."
"Wala iyon. Basta ikaw."
"Talaga? Basta ako?"
"Oo," sabi ko at naramdaman kong tumatama ang likodng kamay niya sa kamay ko. itinama ko rin ang kamay ko sa kamay niya.
"Holding hands ko yan," sabi ni Sylvestre.
"Hoy, tumigil ka," nanlaki ang mga mata ko.
Nakarating kami sa sakayan. Magkaiba ng jeep ang sasakyan namin. Mauna ang mauuna. Pero ilang jeep na ang dumadaan na maaari niyang sakyan, nanatili pa rin si Sylvestre sa tabi ko. Parang hindi pa tapos para sa kanya ang eksenang naganap kanina kasama ang aso. Ako na ang nagtangkang umalam sa nais niyang sabihin.
"Bakit di ka pa sumakay dun?" pansin ko.
"Mamaya na. Ikaw na muna."
Ngumiti lang ako. Wala munang nagsalita habang nag-aabang kami ng sasakyan. Parang hindi kinaya ni Sylvestre ang katahimikan. Nararamdaman kong may nais siyang pag-usapan.
"Okay ka lang?" pansin ko ulit.
"Oo naman," sagot niya.
Tapos tahimik ulit.
"Ano lang kasi," sabi ni Sylvestre. "Ah, bukas na l ang. Ayan na ang sasakyan mo."
Saktong dumaan ang jeep papunta sa amin.
Umiling ako. Ngumiti. Tumitig kay Sylvestre. Pinalampas ko ang jeep, hindi ang pagkakatong ito.
"Ano sasabihin mo?" sita ko.
"Wala," sagot ni Sylvestre. Napaisip siya nanag kaunti. Huminga nang malalim. Ngumiti. May hindi ito masabi. "Ano lang. Yung libro mo. Yung Order of the Phoenix. Nawala eh. Pinahiram ni Tita sa kaibigan niya. Nahihiya naman ako hanapin."
"Yun lang ba?"
Napaisip si Sylvestre.
"Oo, yun na muna," sabi niya at tumawa. "Hindi ko pa kaya yung isa."
"Sige," sabi ko. "Sayang. Hindi ko pa iyun nababasa. Kwento mo na lang sa akin."
"Sige, pag tapos mo na ang Book 4."
Ilang jeep na rin para kay Sylvestre ang pinalampas namin. Hanggang sa isa na muling pwede kong sakyan ang huminto. Pinara ko na at sumakay ako.
Pagkasakay ko, nakita ko siyang inilabas ang telepono. Nasundan nang pagtunog ng telepono ko. May message siya sa akin. Ingat ka.
BINABASA MO ANG
Sylvestre's Wedding
RomanceA story of second chances. One for him to ask. One for him to give. SEX COMPLICATES FRIENDSHIP. ESPECIALLY BETWEEN BOYS. SYLVESTRE AND DREW LOST WHAT THEY HAD WHEN SYLVESTRE FELL IN LOVE AFTER ALL THEIR SHARED TEENAGE SEXUAL RAGE. DREW DIDN'T IT SE...