CHAPTER 38

448 1 0
                                        

"JUST drive," sabi ni Sylvestre.

Hindi na ako tumutol. Ang gulo ng isip ko. Itinapak ko na ang aking paa, pinihit ang susi at pinaandar ang kotse. Bakit ba hindi ko sinagot ang telepono. Ilang miscalls na ang nandoon. Mga text messages. Kay Kuya, kay Mama, kay Aljur. Bakit ba hindi ako nakikinig?

Umandar ang kotse na kasabay nang paninikip ng dibdib ko. Namumugto ang mga mata kong hindi matuluyan sa pagluha. Ambigat-bigat ng pakiramdam ko. Napapabigat sa pagtapak ko sa kotse. Bumilis ang aming takbo. Wala akong pakialam, kailangang makabalik ako ng maynila. Kailangang maabutan ko si Papa.

Mas bibilisan ko pa sana ang takbo ng kotse pero sa bago pa ako makakambyo ay hinawakan ni Sylvestre ang kamay ko.

"The worst has happened kay Tatay," sabi ni Sylvestre. "I wouldn't get any worse."

Bumagal ang takbo ng kotse hanggang sa magdesisyon akong ihinto ang sasakyan. Sumandal ako at napabuntong hininga. Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang sampu. Tapos, inilabas ko ang telepono. Nag-dial.

"Kumusta si Papa?"

"Nasa emergency room pa si Papa, naghihintay na lang kami ng room na paglilipatan," sabi ni Kuya. "Stable na pero kailangan pang obserbahan."

"Papunta na ako."

"Alam ko. Pero chill ka na. May aabutan ka pa naman na buhay. Baka mauna ka pa kay Paps."

Ibinaba ko ang telepono at tinangka kong ilagay na ulit sa neutral ang kambyo. Muling humawak ang kamay ni Sylvestre. Sa pagkakataong ito, tingingnan ko siya. Nakita ko ang concern niya sa titig niya sa akin. Binitawan ko ang kambyo at binaligtad ang aking kamay upang salubungin ang sa kanya. Nagsalitan ang aming mga daliri at humigpit ang hawak sa isa't-isa.

Tuluyan kong iniharap ang katawan ko kay Sylvestre na kanya ring ginaya at sinalubong ang paglapit ko. Niyakap niya ako. Hinaplos ang aking likod. Lumalim ang hinga ko. Napapikit. I just realized how kind Martin was to me. Iniwan niya ang kanyang mapapangasawa. Papunta siya sa Maynila ngayon, babagtasin ang trapik ng Batangas hanggang EDSA. Balikan iyon. Dahil bukas, sa pagputok ng araw, kailangang maghanda na siya para makaabot sa perpektong kasal na pinapangarap ni Camina. Sylvestre is putting his wedding in jeopardy for me. And all I felt was guilt.

"I'm sorry," sabi ko.

Hindi nagsalita si Sylvestre. Humigpit lang lalo ang kanyang pagkakayakap. Lalong lumala ang pagsisisi ko sa katawan. Napakabuti ng best friend ko.

"I'm sorry, I tried to destroy your wedding," sabi ko.

"It's okay," sabi ni Sylvestre. "Papa ko na rin ang Papa mo."

Mas tinodo ko na ang sorry ko.

"Hindi lang dahil sa nasa ospital si Papa at kasama kita," tuloy ko. "Sinasadya ko talagang masira kayo ni Camina. Sinubukankong akitin ka para maging akin ka..."

"I know, and it's okay," sagot muli ni Sylvestre.

"No you don't understand," tuloy ko na. Hindi na ako nagpapigil. Nasa streak of forgiving na rin naman si Sylvestre. Ilalabas ko na lahat ng kasamaan ko. Dahil sa palagay ko, karma ito. Si Papa ang nagbabayad ngayon sa pagiging makasarili ko. "Sylvestre, I wrote a speech. I was to tell Camina, her family and all your guest that we used to fool around, that you loved me..."

"It's okay and I still love you..." pero napigil ko siya.

"No you don't understand, sisirain ko talaga kayo kani... What?" sinabi niya ba na he still love me?

"I wouldn't be here if don't love you anymore," sabi ni Sylvestre.

Hindi ako nakapagsalita. Mahal pa niya ako. Gusto kong ngumiti pero mga salita lang ang mga iyon. Hindi ko naramdaman. Walang kinang ang mga mata niya tulad ng sa mga pelikula, na matapos mag-confess ng bida ng kanyang nararamdaman ay mauuwi na sa halikan na iikutan ng camera para sabihin na tapos na ang pinanonood ninyo ito na ang happy ending. May forever, pero hanggang dito na lang muna ang palabas. Wala iyon. Paano niya nasasabing mahal niya ako na walang kahalong emosyon?

"Drew, Papa mo is in the hospital," sabi ni Sylvestre. "I don't think this is the right time to talk about relationships. I am here because I love and I support you for whatever you have done and tried to do."

"Tried to do?" sabi ko.

"Yeah I know," sabi ni Sylvestre. "Aljur couldn't stop you. So he called me and told me your plan..."

"Yet you didn't stop me?"

"Drew, I told you this isn't the time to talk about us, I know you can chill as we are on our way to Manila, but hey, let's focus on your Papa first."

"But your wedding..." pagtataka ko.

"It wasn't as perfect as you think," sabi ni Sylvestre. "Kung hindi iyon matutuloy, hindi iyon matutuloy. And your speech will have nothing to do with it."

He ended it in a note na ayaw na niyang pag-usapan pa ang mga detalye.

"Now don't be too hard on yourself. We are going back to Manila to see that Papa is getting better."


TAHIMIK sa loob ng kwarto ni Papa. In fairness kay Mama, naghintay talaga siya ng mamahaling kwarto para ex niya, Sa mataas na floor, walang kasama. Dapat lang. Alam kong wala ako sa lugar mambintang pero dahil may karapatan naman ako sa sarili kong consciousness, kung wala ang presence ni Mama ngayong araw na ito, malamang, wala rin naman si Papa sa ospital ngayon. At the end of the day, nanay ko pa rin siya. Yakap ang isinalubong niya sa akin. Yakap na mahigpit. Yumakap rin ako kay Kuya.

"Sylvestre?" gulat ni Mama nang makita ang lalaki sa likod ko.

"Ma," sabi ni Sylvestre. "Kumusta po?"

"Ang laki mo na," sabi ni Mama.

"Talaga momchie?" sabi ni Kuya. "May mas ki-cliché pa ba sa'yo?"

"Tantanan mo ako bakla," sabi ni Mama.

"Hindi ako bakla, babae ako," sabi ni Kuya.

"And the cliché battle starts," sabi ko.

"Gaga," sabi ni Kuya. "Hindi talaga ako bakla, ikaw ang bakla. Ako, babae ako. Pero huwag na natin dito ituloy ang diskusyon. Dahil mas bet ko itong bagong Sylvestre. Ikakasal ka na raw? So ano? Ano nang nagawa nitong sisterette ko sa pagdemolish ng paevent ng fiancé mo?"

"Ate, andami mong sinasabi," pigil ko.

Ngumiti lang si Sylvestre at nagsimula ng bagong usapin para takpan ang awkwardness na bumalot sa paligid. "Nandito po si Aljur, right?"

Suddenly, ako naman ang na-awkward. Bakit naman sa dinami-rami nang maiisip niyang itanong, eh naghanap pa siya ng taong hinihiling kong hindi muna makita.

"Bumili ng foodams," sabi ni Kuya. "Gutom Jones na kami kanina pa. Sa iyo dapat kami papabili, kaya lang 48 years ka pa bago makarating. Kaya nagkatniss evergreen na lang ang jowa mo at nagvolunteer para maging tribute. Pabalik na yun maya-maya. May dalang litson."

"Baboy?"

"Ay may time pumunch line?" sabi ni Kuya.

"Drew..." mahinang boses ang nagpatahimik sa aming lahat. Nagising na si Papa.

"Maiwan ka na muna dito," sabi ni Mama. "Gusto kang makausap ng Papa mo."

"Pero..." sabi ko na napigilan ni Kuya.

"Nakausap na namin siya kanina bago siya makatulog," sabi ni Kuya. "Ikaw na lang ang hinihintay niya."

"Bakit ako na lang ang hinihintay," bumilis ang tibok ng puso ko. Akala ko ba ayos naman.

Sylvestre's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon