DISENTE kaming dumating ni Aljur sa event. Ito ang first time namin kaya nagpaka-safe kami. Polo shirt, denim jeans. Doc Martens sakin. Chucks sa kanya. May ibang mga lalaki nang nauna. Siguro, nasa walo na ang mga nasa loob.
May mga beer na silang hawak na mukhang nanggaling sa cooler sa may kusina. May mga chips din doon na nagkalat. Kumapara sa mga bridal showers na maayos ang lugar, mukhang frathouse na hindi inayos nang isang taon ang lugar na ito. Iba na ang amoy.
"Ano yung amoy na yun?" tanong ko.
"Testosterone," sagot ni Aljur.
"Hey," sabi ng isang lalaki. "Grab a beer. Martin will be here soon."
Hindi pa pwede, wala pa akong pamilyar na mukhang nakikita. Kumuha na lang ako ng beer at chips. Iyun din ang ginawa ni Aljur.
"Pogi nung chinito," sabi ni Aljur. "Ganda ng arms."
"Scouting ka na rin ah," sabi ko.
"Oo naman. One week na lang eh."
"Dun ka na lang sa isa, ayun oh," tinuro ko ang isang mukhang tisoy.
"Pinamigay na lang talaga niya ako, oh," sabi ni Aljur.
"Nauna ka kayang maghanap," sabi ko.
"Tine-test lang kasi kita."
"Huwag ako ang i-test mo. Mamaya, si Sylvestre ang ilalagay natin sa hot seat."
Habang nasa isang sulok kami at gine-grade-an ang mga lalalaki, hinihiwalay ang mga buo sa durog na paminta at hinuhulaan kung sino ang pwede naming iuwi, dumating ang hinihintay ko.
"Castillo!" matinis na boses na bati ni Garlitos.
Agad kong nilakihan ng mata ang bagong dating.
"Joke lang mga pare," sabi ni Garlitos sa mababa nitong boses, may tatlo pang lalaki sa likod niya. "Nandito na ba si Sylvestre."
"Martin na siya ngayon," sabi ko. "Call him Martin, kundi, hindi niya kayo lilingunin."
"Hang up ka pa rin dude, ah," sabi ni Prince, isa pa sa mga co-officier namin nung highschool.
"Hindi mo naman sinabi na i-invite mo ang first boyfriend mo," bulong ni Aljur.
Tumango si Prince kay Aljur. Ngumiti naman si Aljur.
"Ikaw ba ang latest three month nito," tukoy sa akin ni Prince habang nakatingin pa rin kay Aljur.
"Yup," sabi ni Aljur. "Mag-expire na sa kasal ng ikakasal. Pero wag ka, ako ang pinakespesyal, may reset kami."
"Ako naman," sabi ni Garlitos. "Pa-three months din. Hindi na kita natikman ulit, kung kailan mas hot ka na."
"Reserve the memories later," sabi ko kay Garlitos.
Kumuha na rin ng inumiin ang mga bagong dating at nagkwentuhan.
Ilang sandal pa, dumating na rin ang bida ng gabi.
"Woah, what's this all about?!" anlaki ng ngiti ni Sylvestre. Tangina, namiss ko ang ngiting iyon. kahit hindi na para sa akin, masaya akong kaya pa niyang ngumiti ng ganoon katotoo. Tumalikod ako at para kumuha ng isa pang beer.
"Aljur?" narinig ko si Sylvestre, hindi ko nilingon pero naramdaman kong lalapit siya sa jowa ko. "Nandito ka?"
Hindi tunog galit. Akala ko, maiinis siya kapag nakita kami. Hindi pa rin ako lumingon.
"Wait? Garlitos? Joselito?"
"Ako nga!" sabi ni Garlitos.
"Plese don't embarrass me, ha," sabi ni Sylvestre na walang pananakot. Mukhang nagbibiro.
BINABASA MO ANG
Sylvestre's Wedding
RomanceA story of second chances. One for him to ask. One for him to give. SEX COMPLICATES FRIENDSHIP. ESPECIALLY BETWEEN BOYS. SYLVESTRE AND DREW LOST WHAT THEY HAD WHEN SYLVESTRE FELL IN LOVE AFTER ALL THEIR SHARED TEENAGE SEXUAL RAGE. DREW DIDN'T IT SE...