CHAPTER 39

415 2 0
                                    

"HINDI pa ako mamatay, Drew," sabi ni Papa. "Palabasin mo na sila."

Nang makalabas na ang tatlo, isinara ko ang pinto atsaka ako lumapit kay Papa. Umupo ako sa kama niya. Hinawakan ni Papa ang kamay ko. May basehan talaga ang mga pinapalabas sa pelikula, ganitong-ganito yun. Pero hindi nagsalita si Papa. Tumingin lang siya sa akin.

"Sabi ni Kuya, gagaling naman daw po kayo," sabi ko. Sinubukan kong palakasin ang loob ni Papa kahit napansin kong medyo nabago ang kanyang mukha. "Si Mama rin po, huwag na ninyong intindihin. Huwag na ninyong pabigatin pa niya ang nararamdaman ninyo. Tingnan ninyo ang nangyari sa inyo. Nandito naman ako. Tawagan lang ninyo ako."

"Ulol mo," sabi ni Papa. Sa mura niyang iyon, naisip kong okay na nga siya. "Ilang oras ka raw tinawagan, hindi ka sumasagot."

"Sorry na Papa," sabi ko. "Pero last na iyon. Pag gumaling kayo, hindi ko na kayo iiwan. Isasama ko na kayo sa condo ko. Kahit ibigay na ninyo kay Mama lahat ng meron sa Bakery. Ibenta na ninyo't paghatian na ang pera. Tapos gamitin ninyo magbakasyon, mambabae, magpakasaya. Ubusin ninyo ang pera dahil ako na ang sasagot sa inyo. Kalimutan na ninyo si Mama."

Ngumiti si Papa.

"Hindi ko na yata makakalimutan ang Mama mo," sabi ni Papa. "Hindi siya mapapalitan. Siya ang true love ko. Hindi nga lang siguro ako ang true love niya. Si Steve. Pero siya naman iyon. Minsan kasi, kailangan nating tanggapin na ang true love natin ay hindi para sa atin.

"Ganun kasi ang true love, anak, mapagpalaya. Naging ganid ako. Ikinulong ko ang nanay mo. Inanakan ko. Akala ko kasi, pag nagka-anak siya, hindi na siya aalis. Pero yun nga, true love ang pinakamakapangyarihan sa lahat. At tinumba ng pagmamahal ng nanay mo kay Steve ang lahat ng sinubukan kong iharang sa kanilang dalawa."

Tangina, sapul na sapul ako. Na kahit awkward ang dating ng salitang true love pag galing sa bibig ni Papa, hindi ko napigilang lumuha. Wala nang pamumugto tulad nang kanina. Tuluy-tuloy lang ang pagpatak ng luha ko.

"Pa, tama na," sabi ko. "Huwag na ninyong isipin yan. Baka atakihin na naman kayo. Hindi ko mapapatawad si Mama kapag may nangyari sa inyo."

"Huwag ganun anak. Hindi ko na naman iniisip ito, ikinikuwento ko na nga sa iyo," sabi ni Papa. "Ito lang kasi ang maipamamana ko sa iyo. Mas mayaman ka na sa akin. Kinuha ng ng Nanay mo ang lahat ng naipundar niya at napabayaan ko. Kahit papaano, itong ibinibigay ko sa iyo, walang makakanakaw sa iyo."

Shit, knowledge. Ang yamang hindi nananakaw. Tangina ni Papa.

"Matuto ka na sa akin, Drew," tuloy ni Papa. "At patawarin mo na ang mama mo. Malaki ka na naman. Palayain mo na siya sa mga responsibilidad niya bilang isang Ina. Tumanda ka na. Naibigay na naman niya ang pag-aarugang kailangan mo bilang tao. Nakakatayo ka na sa sarili mong paa."

"Pinalaya na po ba ninyo siya? Pinatawad?"

"Oo, at iyon ang pinakamasayang naramdaman ko sa buhay ko," nagsimulang tumulo ang luha ni Papa "Mas masaya kesa noong tumakbo siya sa akin noon at sinalo ko nang magkasira sila ni Steve. Akala ko doon ako na ang pinakamasaya. Pero mas masaya ito, ang makita siyang totoong masaya, kahit sa piling ng iba."

"Masaya talaga kayo Pa?"

"Sobrang saya, ito, na-stroke."

"Papa naman. Tama na. Baka lumala kayo."

"Seryoso ako at huwag mo na ako pigilan. Ang saya-saya ko ngayon. Kailangan kong masabi sa'yo. Anak kita. At wala naman akong mapagkukuwentuhan nito. Hindi ko naman ito maiiiyak sa mga kumpare ko at baka isipin nilang sa akin mana ang mga anak ko. Mga bakla."

Nagulat ako sa sinabi ni Papa. Alam niya? Nangiti siya dahil mukhang nababasa niya ang mukha ko.

"Huwag naman tayong mag-ululan anak. Sinadya kong maging tanga sa nanay mo, pero hindi ako totoong tanga para maniwalang bestfriend mo lang si Sylvestre at yang si Aljur."

"Eh bakit si Kuya, pinalayas mo?"

"Galit ako noon. Galit na galit. Hindi ko alam kung saan, sa mundo, sa nanay mo, sa sarili ko. Wala akong mapagbuhusan dahil wala naman akong dahilan. Kaya ang konting pagkakamali, doon ko ibinuhos lahat ng sama ng loob ko. Nag-sorry na ako sa kuya mo. Nag-iyakan na kami."

Ang totoo, naninibago ako kay Papa. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kadaldal. Hindi ko alam kung iniisip niyang pwede na siyang mamatay soon kaya inilalabas na niya lahat ng gusto niyang sabihin. O sadyang napakasaya lang niya at hindi niya ma-contain ang lahat ng emotions.

Humigpit ang pagkakahawak ni Papa sa kamay ko.

"Ang pagpapalaya ang isa sa pinakamatapang na desisyong dapat nating gawin," sabi ni Papa.

BUMALIK sina Mama at Kuya sa kwarto. Tapos na ang pang MMK na usapan namin ni Papa. Naliwanagan na ako sa buhay. Inilalatag ni Mama ang pagkain sa side table nang mapansin kong hindi pumasok sa kwarto ang bumili ng pagkain, si Aljur. Medyo may ilang oras ko na siyang hindi nakikita.

"Nauna na Sylvestre mo," sabi ni Mama. "Ikaw, ikakasal na pala yung bestfriend mo, hindi mo man lang kinuwento sa akin,"

"Umalis na?" tanong ko at nagbasta na akong lumabas. "Hindi nagpaalam?"

"Kapatid, alam ni gurl ang priorities niya," sabi ni Kuya. "Magagalit ka pa? iniwan na nga ang kasal masamahan ka lang niya dito? Isue pa ang pagpapaalam? Gising Drew, you are not the sun. Hindi sa iyo umiikot ang mundo."

Hindi ko na talaga inintindi ang sinabi ni Kuya. Paglabas ko ng kwarto, nagpalinga-linga ako. Hindi ko alam kung bakit may kaba ako sa idea na wala si Sylvestre at si Aljur sa paningin ko. nilakad ko ang pasilyo hanggang sa makarating ako sa may pinto malapit sa Elevator. Kwarto ng janitor. Malapit sa CR.

Hindi ko alam kung bakit napako ang mga paa ko doon.

Siguro dahil sa mga sumunod kong narinig. May humahalinghing.

Lumakad ako papalapit sa pinto.

"Ahhh, ang laki mo rin, fuck," sabi ng isang boses. Pero hindi boses ng babae. Lalaki ang nagsasalita. Pero masyadong mahina para makilala ko.

Mas lalong kumabog ang dibdib ko.

Kinakantot ba ni Aljur si Sylvestre? O si Sylvestre ang kumakantot kay Aljur?

Naisip ko si Bernardo Carpio. Parang siya ngayon ang dibdib ko na pinipiga ng dalawang bundok. Naninikip. Bumagal ang malalalim kong paghinga. Napahawak ako sa pinto. At ang isang kamay ko, sa doorknob.

"Shhhh," sabi ng boses sa loob. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagpatigil ng kasamaan nila.

Ilang hinga pa. Tumulo ang luha ko na hindi ko sinasadya. Nagkaroon ng sariling desisyon ang mga mata kong maglabas ng emosyong hindi ko pa alam kung ano ang itatawag. Basta masakit ang dibdib ko. Ang sakit-sakit, na hindi ko magawang igalaw ang seradura.

Kaya ko ito. Pinihit ko ang doorknob.

Sylvestre's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon