ILANG taon ang hinintay ko para maulit ang pangyayaring ito, ang muling magpatong ang aming mga katawan at ang mga mata namin, sa isa't-isa lang nakatingin. Dumoble ang naramdaman kong init, ang una dahil sa alak na nananalaytay na sa aking mga ugat. Ang sumunod ay ang miss na miss ko ng hininga nang lalaking nasa aking ibabaw.
Nandito na, wala na akong kailangang hintayin pa. Ako na ang lumapit sa naghihintay niyang mga labi. At kahit napakalapit ng mukha namin sa isa't-isa, napakabagal ng galaw ng buong paligid. Kitang-kita ko ang mga munting pagbabago sa kanyang mga mata, na mula sa galit, naging pagtataka, at paghanga, pag-alala sa aming dalawa. Parang muli niya akong nakilala. At naalala niya kung ano ako sa buhay niya. Walang pagtutol sa kanyang mga mata, kaya't lumapit akong lalo.
Gahibla na lang ng buhok ang pagitan namin nang may bumagsak na lata mula sa mesa. Natabig. At kung sino ang may gawa, agad naming nilingon.
Nyeta. Panira ng moment.
Nakatayo na parang pusang nakakita ng sasakyang sasagasa sa kanya, si Camina, hindi kumikilos, nanlalaki ang mga mata. Napakagat siya nang labi.
Si Sylvestre, sa gulat, biglang tumayo.
"Lasing lang," sabi niya.
"Oo," sabi ko habang unti-unting tumayo at inayos ang sarili. "Wala kaming ginagawang masama."
"I know," sabi ni Camina. "Nakasalubong ko lang si Aljur."
"We we're just talking about the past," sabi ni Sylvestre. Damang-dama ko ang pagpapaliwanag niya. It was easy to tell na nagdadahilan na siya, nagpapalusot. "And then the alcohol kicked in. Iyon, natumba."
"Of course you do. Best friends naman kayo," sabi ni Camina. "You have a lot of catching up to do."
Hindi ko naman yata kailangang magpanggap na walang ganap sa amin ni Sylvestre. Pwede ko nang sabihin ang sparks na kung hindi dumating si Camina, ay naging pasabog na. Mali ang timing ng babaeng ito. Kung hindi siya nanggulo, e di sana, nakuha na naming dalawa ang gusto namin, makasex ko si Syvestre at matigil na niya ang plano niyang kasal.
"Oo, marami kaming dapat balikan," sabi ko.
"Good," sabi ni Camina. "Dapat magsama pa kayo nang mas matagal."
Ang supportive ni Camina. Siguro nga, dapat, planuhin na namin ito. Mukhang hindi naman papalag si Camina kung hilingin kong tikman ko ang mapapangasawa niya.
"No need," sabi ni Sylvestre. "Okay na kami."
Nanlisik ang tingin sa akin ni Sylvestre. Alam yata niya ang game ko.
"Actually, kailangan," sabi ni Camina. Lumakad si Camina papalapit sa amin. Kinuha niya ang kamay ko at iniakbay sa mapapangasawa niya. Tapos ay pumunta siya sa kabilang side ni Sylvestre at inilapat ang mukha sa dibdib nito. "Kailangan ninyong maging super close ulit, dear."
Wala talagang alam ang babaeng ito sa akin. Kapag naging super close kami nang mapapangsawa niya, e kakailanganin na niya ng agila. Aahasin ko talaga ang lalaking para sa akin.
"My Marty, nagback-out ang kapatid mo," sabi ni Camina. "Wala kang bestman."
"What?" malakas na sabi ni Sylvestre.
Nagulat si Camina at napaatras. Lumakad si Sylvestre papunta sa telepono niya. Nagdial. Naghintay. Tapos ng hello ay hindi ko na naiintindihan ang mga sumunod niyang salita.
"His family wont be attending our wedding," sabi ni Camina.
"Kahit si Tita?" tanong ko.
"I talked to her. She said she is still fixing her sched. Pero his step dad at brother, sure na hindi na."
![](https://img.wattpad.com/cover/268940938-288-k386472.jpg)
BINABASA MO ANG
Sylvestre's Wedding
RomanceA story of second chances. One for him to ask. One for him to give. SEX COMPLICATES FRIENDSHIP. ESPECIALLY BETWEEN BOYS. SYLVESTRE AND DREW LOST WHAT THEY HAD WHEN SYLVESTRE FELL IN LOVE AFTER ALL THEIR SHARED TEENAGE SEXUAL RAGE. DREW DIDN'T IT SE...