"BAKLA, namatay na ba si Itay?" tanong ni Juliana Dyslexia Del Aura Iglesia. Pero pag normal na araw,tinatawag kong Kuya Dexter. Nasa tent niya kami, tapos na ang pageant at sa table nila ay may tatlong korona. Hindi pa tinatanggal ni Kuya ang 1st runner up sash niya na nakapatong sa one piece swimsuit.
Tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko kahit hindi maganda ang biro ni Kuya. Hindi naman ako umaatungal, pero tuwing maaalala ko ang pagkakasabi ni Sylvestre na matagal na kaming tapos, hindi ko mapigilang hindi mapahikbi.
Umiling lang ako. I don't wanna explain. Gusto ko lang umiyak at may makasama.
"Punyeta Drew?" sabi ni Kuya. "Kapag iyan lalaki lang, tatamaan ka sa akin. Ang laki-laki ng katawan mo, umiiyak ka. Nasasaktan pa ba yang katigasan mo?"
"Bakla, muscles lang ang matigas diyan pero ang puso..." hindi na natuloy ng isa pang baklang naka-two piece din, ang sasabihin niya.
"Bakla, wag kang epal, kapatid ko ito, alam kong matigas pa sa abs niya ang puso niya," sabi ni Kuya.
"Pahawak nga," at lumapit ang isa pang baklang naka two-piece sa akin at hinawakan ang abs ko, tapos ay nag-antanda.
"Mga bakla, please," sabi ni Kuya. "Kapatid ko ito. Parang ako na rin ang kumantot sa inyo, gusto nyo ba?"
"Bakla, para ka namang hindi sanay," sabi ng baklang nagtatanggal ng false eyelashes. "Pag wala naman tayong pera, eh tayo-tayo na lang din naman talaga."
"May point ka," sabi ni Kuya. "Pero wala tayong mapapala dito. Dun tayo sa labas ng tent."
Lumabas kami. Tumayo. Malamig ang gabi. Madilim. Hindi na nakisama ang buwan. Natatakpan pa ng ulap ang mga bituin. Patay na rin ang ilaw ng naganap na pista. Tanging ang liwanag sa nilabasan naming tent ang liwanag namin ni Kuya.
"So Drew, tangina," sabi ni Kuya. "Naghiwalay ba kayo ni Aljur? Sabi ko na nga ba eh, iiyakan mo yung lalaking iyon. Anong ginawa mo?"
Nawala ang iyak ko. Bakit naman parang mas kampi pa si Kuya kay Aljur.
"Kuya naman..."
Pero hindi na ako nakatuloy.
"Drew, respeto sa pagkakaipit ko oh," untag ni Kuya at tinuro ang flat na flat niyang harapan. "Ipit na ipit oh, walang bukol. Babaeng-babae. Tapos kuya?"
"Ate, hindi si Aljur. Okay kami."
"Eh sino nagpapaiyak sa iyo?" tanong ni Kuya. "Tanginan naman, tinu-two time mo ba si Aljur? Akala ko mahal mo siya? Nireset mo nga yang parang tangang three month rule mo para sa kanya. Aber, sino namang lalaki yang nagpapanguyngoy sa iyo?"
Lalo akong napaiyak. Hindi lang basta lalaki si Sylvestre. Siya ang nagbukas sa akin sa mundong ito. Pero pagpasok ko wala na siya. Walang sasalubong sakit kundi ang sakit ng pag-iisa. Tapos pagbalik niya. Sasabihin lang niya sa akin na tapos na ang lahat. Natapos nung papunta na ako sa kanya.
"Kalimutan mo na ang lalaking iyan," payo ni Kuya. Focus on Aljur. At kalimutan mo na ang three month-three month na iyan. Hayaan mo na si Sylvestre mo ang magtuloy nun."
"Yun na nga," sabi ko. "Tapos na ang Three month rule ni Sylvestre. Ikakasal na siya?"
"Ay kaya ka umiiyak?" sabi ni Kuya at kumanta. "Ikakasal na siya, iiwan ka na niyang nag-iisa."
"Hindi naman sa ikakasal siya..."
"O siya. Si Sylvestre yan. First love mo yan. Iyak ka lang, pero tama na rin. Hindi naman dahil first love siya eh siya na ang last."
Niyakap ako ni Kuya. Yumakap din ako.
"Pero kuya, si Sylvestre iyon."
Tumuloy-tuloy ang iyak ko. Para akong batang nagsusumbong sa Nanay.

BINABASA MO ANG
Sylvestre's Wedding
RomansaA story of second chances. One for him to ask. One for him to give. SEX COMPLICATES FRIENDSHIP. ESPECIALLY BETWEEN BOYS. SYLVESTRE AND DREW LOST WHAT THEY HAD WHEN SYLVESTRE FELL IN LOVE AFTER ALL THEIR SHARED TEENAGE SEXUAL RAGE. DREW DIDN'T IT SE...