"AYOKO na kasi ng puro chikahan," sabi ko. "Gusto ko, aksyon na."
"Kaya ito, meron kang isangdaang miscol kay Camina," sabi ni Aljur. "Buti at hindi niya sinagot. Nakapag-despedida de soltera na siya. Ikakasal na sila. Final na!"
Tulad ng dati, sinundo ako ni Aljur sa trabaho, at nag-agahan sa hole-in-the-wall restaurant malapit sa trabaho niya. Sa mundo ng call center lang possible na mauna ang lunch sa agahan.
Ganito kami tuwing coding ako. At as usual, may sense na naman ang mga sasabihin niya sa akin. Dadalhin na naman niya ako sa tamang daan.
"Mas mabuti nang sabihin ko ngayon," sabi ko. "Ayokong umeksena sa simbahan at sumigaw ng, 'itigil ang kasal.'"
"Bawal na yun," sabi ni Aljur. "Hindi na naghahanap ang pari ng mga tututol sa kasalan."
"Kaya nga uunahan ko na," at humigop ako ng kape.
"Bakit?" tanong ni Aljur na nakatingin lang sa akin.
"Bakit, bakit?" tanong ko pabalik.
"Bakit mo kailangang pigilin ang kasal?"
"Dahil ako ang mahal ni Sylvestre, hindi si Camina. Ulit-ulit?"
"Para kanino?"
"Para kay Camina. Di'ba humingi siya ng tulong sa akin. Ito na ang sagot. Bakla ang mapapangasawa niya. Hindi siya pwedeng matulad sa asawa ni Percy."
"Kay Camina lang?"
"Para kay Sylvestre. Bestfriend ko pa rin naman siya. Malaking pagsisisi ni Nanay na Iniwan niya yung Steve niya before. Kaya nadamay si Tatay, at kami ni Kuya. Ayokong mangyari kay Sylvestre ang ganung pagkakamali. Bestfriend ko pa rin siya."
"Para sa kanilang dalawa lang?"
"Para na rin sa akin. Yun ba ang gusto mong marinig?"
"Yun ang gusto kong aminin mo sa sarili mo. Na napakamakasarili nang gagawin mo."
Natahimik ako.
Kami ang unang nagmahalan ni Sylvestre. At hindi pa ako tumitigil sa pagmamahal sa kanya. Nagiging pabigla-bigla lang ulit si Sylvestre sa desisyon niya kay Camina.
"Selfish na kung selfish. Pero nare-realize mo rin naman na para rin naman ito sa kanilang dalawa," paliwanag ko. "Hindi matutuloy ang kasal, wala silang problema sa future. Lahat magiging okay."
"Pati ba ako? Magiging okay?" tanong ni Aljur. Siya naman ang humigop ng kape.
Natahimik na naman ako. Mali na naman ang naisagot ko. Barado na naman ako.
"Naisip ko na naman yan," tapos ay kinuha ni Aljur ang telepono niya at nagdial. Pinanood ko lang siya. "Musta? Ayus. Pwede ako mamaya. Six pm? Ayus. Send ko address ko ha."
Ibinaba ni Aljur ang telepono. Ngumiti sa akin.
"Sorry," sabi ko. "I didn't mean to hurt you. Pero kung nasasaktan ka na, pwede na nating tapusin ang tatlong buwan. Less than two weeks na lang naman eh. Enjoy ka na, para may mapuntahan ka rin."
"So pinamimigay mo na ako, para masabi mong naunahan mo ako, at hindi ako naghanap ng iba?"
"Sorry," ulit ko.
Natawa si Aljur.
"Okay lang," sabi niya. "Masokista ako. Mas nararamdaman kong mahal mo ako kapag nagso-sorry ka sa akin."
"Kasalanan 'to ni Sylvestre," sabi ko. "Sasabihin nilang mahal nila ako, tapos mawawala na lang sila. You don't do that to people."
"Sige siya na lang din sisisihin ko," sabi ni Aljur. "Pati sa minsang pagsabi mo rin sa akin na I love you. Don't worry. Hindi ako nagsisisi na sagutin yun ng I love you, too."
Hindi ako nakapagsalita.
Tahimik kaming bumalik sa pagkain.
"You don't have to feel guilty meeting that guy later in your condo," basag ko sa katahimikan.
"Talaga?"
Ngumiti lang ako.
"Alam mo ba na kapag nag-e-english ka, may isang layer na ng pagpapanggap na nagaganap," paliwanag ni Aljur na hindi ko alam kung saan patungo. "Hindi mo iyun ginagawa para magpa-cool. Hindi ka naman inglesero sa totoong buhay. Ginagawa mo yan para pagtakpan ang totoo mong nararamdaman. Hindi mo masabi ang gusto mo talagang sabihin. Hindi mo maipakita ang gusto mo talagang ipakita."
Hindi ako nagsalita.
"May 'you don't have to feel guilty' ka pang nalalaman," sabi ni Aljur. "E yang iko tng mata, mo, alam kong nagseselos ka."
"Naiintindihan ko naman talaga na naghahanap ka na ng iba," sabi ko. "It is unfair na kitang-kita mong hang-up ako kay Sylvestre habang tayo pang dalawa. Sige lang, go fuck somebody else."
"Nagseselos ka lang," panunukso ni Aljur. "Hindi mo matanggap na may iba 'kong ka sex, 'no? Gusto mo, meron ka nang Sylvestre, may Aljur ka pa."
Hindi pa rin ako nagsalita. Tuloy lang kami sa pagkain.
"Ayokong may iba kang kasex, totoo naman yun," sabi ko.
Tumaas ang kilay ni Aljur.
"Pero kahit hindi sex, kahit halik lang, o yakap. O kahit magkasama lang kayong dalawa sa iisang kwarto. O kahit iisang pagkakataon, na mabubura niya ako sa isip mo, ayoko."
"Kasi?"
Bumuntong hininga ako.
"Kasi?" ulit ni Aljur.
"I'm jealous."
"Filipino."
"Nagseselos ako."
"Ingat ka sa mga salitang lumalabas sa bibig mo. Nagkakatotoo yan. Susunod nyan, mahal mo na ako."
"Kine-claim mo na rin ba yan?"
"Ewan ko sa'yo, paasa ka," natawa si Aljur. "Huwag ka nang magselos. Hindi ako ang may ka-meet sa unit ko. Ikaw."
Napatigil ako sa sinusubo ko.
"Si Martin Sylvestre yun," dugtong ni Aljur. Sumenyas siya sa waiter at hiningi ang bill. Tapos ay inubos ang kape.
"Bakit meron kang number niya?" pagtataka ko.
"Naki-table nga siya sa akin, di'ba?" paliwanag ni Aljur. "Eh pogi naman talaga, kaya iyon, nakipagpalit ako ng number."
Hindi ko mapigilang sumama ang loob. Masakit din yun ha.
"Naiintindihan mo naman talaga na naghahanap na ako ng iba, di'ba?" Paraphrase ni Aljur sa sinabi ko kanina. "Andami-dami mo nang nagawang mali sa akin. Walang dalawang linggo, tapos na ang tatlong buwan."
"I hate you," sabi ko.
"Alam ko," sabi ni Aljur. "But you love me more than you hate me. kine-claim ko na yun."
BINABASA MO ANG
Sylvestre's Wedding
RomanceA story of second chances. One for him to ask. One for him to give. SEX COMPLICATES FRIENDSHIP. ESPECIALLY BETWEEN BOYS. SYLVESTRE AND DREW LOST WHAT THEY HAD WHEN SYLVESTRE FELL IN LOVE AFTER ALL THEIR SHARED TEENAGE SEXUAL RAGE. DREW DIDN'T IT SE...