GAGO sila, niloloko nila ako. At hindi ko alam kung bakit napakasakit nito. Hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang dumudurog sa puso ko. Mga gago kayo.
Pinihit ko ang doorknob. Pero hindi ko ito tuluyang nabuksan.
Tumunog ang elevator. Bumukas.
"Anong nangyari, kumusta papa mo?" alalang-alalang sabi ni Aljur na nagmamadaling yumakap sa akin.
Gulat na gulat naman ako. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang sarili ko. Humigpit ang yakap ko kay Aljur. Sobrang higpit. Parang nasagot ang tanong. Si Aljur ang mas makakadurog ng puso ko.
"Anong nangyari, huy?" sabi ni Aljur.
Umiling lang ako habang buibitaw.
"Kumusta Papa mo?"
"Okay lang," sabi ko na naghahabol pa ng hininga. "Okay lang si Papa. Nagkausap na kami."
"Eh anong drama yan?"
"Andaming sinabi ni Papa," pagdadahilan ko. Hindi ko naman maaming natakot ako at nasaktan na baka sa paghihiwalay namin eh kay Sylvestre siya mapunta.
"Tapos?"
"Basta," sabi ko. "Alam naman pala niya na ganito ako. Na jowa kita. Pero tanggap niya ako."
Hindi ko napigilang mapaiyak sa pagsisinungaling ko, dahil totoo rin iyon. Bigla kong na-appreciate si Papa. Tangina. Ano bang araw ngayon? Araw ba ng mga puso at kung ano-anong emosyon ang sumasalaksak sa puso ko.
Nagpahinga muna kami sa may pasilyo, humawak sa bakal na nakaharang sa glass wall ng ospital na malapit sa elevator. Hindi na kami doon umalis. Nagpalipas muna ng pakiramdam habang nakatingin sa langit na sa gabing ito, parang mas maraming bituin. Hanggang sa tumunog ang relo ni Aljur. Alas dose na.
Humawak ang kamay ni Aljur sa kamay ko. Humawak din ako at piniga ang kanyang kamay. Alas dose na. Ito na ang araw ng kasal nina Sylvestre at Camina. Pero higit pa doon, tapos na kami. Tapos na kami ni Aljur. Wala akong nagawa kundi ipatong ang ulo ko sa kanyang balikat. Tahimik lang kami. Walang usap-usap. Tiningnan na lang ang mga bituin. Naghintay siguro ng bulalakaw para makahiling. Kahit hindi ko alam kung ano ang specific kong hihingin. Ang alam ko lang, true love.
Hanggang sa bumukas ang pinto sa tabi ng elevator.
Isang lalaking nurse ang nag-aayos pa ng pants ang lumabas. Noong una ay ayaw tumingin, pero nang makita ang magkahawak naming kamay ni Aljur, napangiti na rin.
Ngumiti rin kami ni Aljur at tumalikod. May isang tao pa sa loob. Nagkatinginan kami ni Aljur at nagkangitian.
Ilang sandali pa, lumabas na rin ang isa pang lalaki. Naka-College uniform. Nagmamadali. Hiyang-hiya.
"Ang mga bata, talaga ngayon, mapupusok," sabi ko.
"Bata pa rin naman tayo," sabi ni Aljur na napangiti. "Magpakapusok din tayo."
Napangiti ako.
"Goodbye sex," tuloy ni Aljur.
Tumango ako na agad sinalubong ni Aljur ng halik. Hindi ako nagpadaig, nilabanan ko ang init ng kanyang mga labi. At hindi nagbitaw ang aming mga bibig habang gumagalaw kami patungo sa maliit na silid.
Binuksan ko ang pinto at agad kaming pumasok. Maliit ang lugar at maiinit pa mula sa pagtatalik ng nauna sa amin. May mga patungan ng gamit at mga mop at walis.
Ni-lock ni Aljur ang pinto, pinindot ang switch ng ilaw para lumiwanag tapos ay isinandal ako sa pinto. Matagal siyang tumingin sa aking mga mata bago kumagat sa kanyang labi. May gigil na nagpipigil. Tapos ay hinawakan niya ang baba ng aking damit at itinaas, inilabas sa aking ulo, sa aking mga braso.
BINABASA MO ANG
Sylvestre's Wedding
RomanceA story of second chances. One for him to ask. One for him to give. SEX COMPLICATES FRIENDSHIP. ESPECIALLY BETWEEN BOYS. SYLVESTRE AND DREW LOST WHAT THEY HAD WHEN SYLVESTRE FELL IN LOVE AFTER ALL THEIR SHARED TEENAGE SEXUAL RAGE. DREW DIDN'T IT SE...