CHAPTER 24

577 6 0
                                    


HINDI nagtagal ang yakap na iyon.

Nagbitiw kami ng yakap.

"O ako naman ang ipakilala mo," sabi ni Garlitos.

"Oh, this one is a gay guy," sabi ni Sylvestre. "Wait, I am assuming. Are you still gay?"

"Baklang-bakla, hanggang wakas, mula simula," sabi ni Garlitos.

"So anyone, I think he is available," sabi ni Sylvestre at nagtawanan ang lahat. "He gives great blowjobs."

Lalong lumakas ang tawanan nang kinuha ni Garlitos ang mic at tinangkang isubo nang buung-buo.

"So that's your gay squad?" tukoy ng isa niyang kaibigan sa amin, yung chinitong maganda ang arms.

"Woah, so you're the straight squad," hirit ni Aljur. Medyo ayaw ni Aljur sa labelling at triggered siya sa mga ganitong usapan.

Napangiti ang chinito. Napangiti rin si Aljur. Pero ang ngitiang iyon ay mukhang pagsisimulan ng away.

"Cool lang guys, mamaya na yang init ninyo pag lasing na tayo," sabi ni Sylvestre. "I missed these guys. Ngayon na lang ulit kami nagkita-kita."

"Available din ako, kung sino gustong magpa-convert," sabi ni Prince. "I'm good in this religion. Makakarating ka sa langit for sure."

Napansin kong hindi natanggal ang tingin ng chinito kay Aljur. Kinabahan ako, sana hindi homophobe ito at saktan siya.

Kaya naman inihiwalay ko na ang grupo namin sa grupo nila. Tuloy ang kwentuhan ng buong grupo. Ako, hindi ko nagustuhan ang nangyayari. Hindi ito ang plano ko. Hindi ito normal. Dapat matatawa sila sa kabaklaan ni Drew, hindi sila matutuwa. Bumalik ako sa veranda. Sumunod si Aljur.

"Ubos na yang beer mo," sabi ni Aljur at nag-abot ng bago.

"The fuck is wrong with that guy?" sabi ko.

"The fuck is wrong with you?" sabi ni Aljur. "Obviously, moved on na siya. You're just a laugh for him."

"Lasing ka na, engilish na eh," sabi ko. "But no, he has not and he cannot move on from me."

"Hindi ka ba mauubusan ng plano?"

"Aljur, ano ito?" itinaas ko ang lata ng beer.

"Beer," sagot niya.

"Alak. At pag may alak, may balak!"

NAUNANG nagpaalam ang mga schoolmates namin. Nabawasan na rin ang mga bisita ni Sylvestre na hindi niya kilala. Apat na lang silang natira. Kami naman ni Aljur, nagkaroon ng sariling mundo sa veranda. Niyaya nila kami pero mas gusto namin ang moment namin. Hinihintay namin silang maubos. Kailangang masolo ko si Sylvestre. Kailangan niyang magpaliwanag sa mga nangyari.

"Mukhang walang planong umuwi ang mga iyan," sabi ni Aljur.

"Tagalog na ulit," sabi ko.

"Wala ng amats," sabi ni Aljur.

"CR lang ako," paalam ko.

Napadaan ako sa inuman nina Sylvestre sa may sofa. Bagsak na ang dalawa. Si Sylvestre naman, kaya pa, nakangiti pa sa akin nang magtama ang mga mata namin.

Pagkatapos nang matagal na pag-ihi. Andami rin kasi talaga. Naghugas ako ng kamay at naghilamos. Ampula-pula ko na rin. Tapos ay lumabas ako, pabalik sa veranda.

Tulog na ang tatlo sa sofa. Wala si Sylvestre. Tapos nakarinig ako nang pagbagsak.

Nakita ko si Sylvestre sa sahig sa veranda. Nagmadali akong tumakbo at itinayo siya.

Sylvestre's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon