CHAPTER 26

545 1 0
                                    

AKO na ang eager beaver.

"Three day leave?" sabi ni Chlarese, ang immediate superior ko. Ine-eschedule ko na sa mga huling araw bago ang araw ng kasal ni Sylvestre. I have to be present on those busy days. At sinabi ko na rin na baka may mga pagkakataong ma-late ako.

Kailangan kong i-treat ang aking immediate superior sa lunch para makuha ito. Matapos ang mga chika at pambobola, iyon, sinabi ko na ang pakay ko.

"Di'ba nakiusap ka sa akin kunin ang posisyon na ito, at bilang kapalit, ipagpapaliban ko ang paglo-law?" tanong ko kay Chlarese.

"Yes," sagot niya.

"Well," sabi ko. "Ito na ang kapalit. "Medyo maglo-lowkey lang naman ako. Pero hindi ko pababayaan ang trabaho ko, promise. I will delegate well."

"Well," sabi ni Chlarese. "Hindi naman ako nag-aalalang mapapabayaan ang trabaho mo. Kilala kita kumilos. It's just that, yang education mong pinagpalit sa posisyon mo is just a single use card. Hindi mo na maibabalik sa akin yan."

"Worh it ito," sabi ko. "Ako ang mamamatay kapag hindi ako nakapag-leave. My life has just returned and I will die if I won't grab this opportunity to take it back."

"Okay," sabi ni Chlarese.

"Thanks," sabi ko. "You're the man."

"Dati yun," sabi ni Chlarese. "I am now the woman!"

Tawanan kaming dalawa.

"Pero I suggest matulog ka muna," sabi ni Chlarese. "Ang eyebags mo, parang may libro na."

Dedma na sa tulog, Laban na ito. Wala nang bawian.


TUXEDO. Isa sa pinakamahalagang bahaging gagampanan ng bestman ay ang pagsasaayos ng isusuot ng groom sa araw ng kasal. Isusuot. Doon na ako magsisimula. Kailangang magkasuotan muna kami ni Sylvestre. After that, makakapag-report na ako kay Camina. Mapipigilan ko ang kasal nila. Malulungkot si Sylvestre. Ako ang tatabi sa kanya, at iyon, maaalala niya kung bakit siya naging bakla para sa akin.

"Eh nasaan ako sa plano mo?" tanong ni Aljur habang naglalakad kami paunta sa atelier ng designer na kinuha ni Camina para sa kasal niya.

Napatingin na lang ako kay Aljur. Talaga ba?

"Joke lang," bawi ni Aljur. "Huwag mong intindihin ang nararamdaman ko. Ayos lang ako. Intindihin mo yang si Camina. Ilang araw na lang, kasal na. Magagawa ba ng designer ang tuxedo mo?"

"Kaya nga pinamadali na niya ang pagunta ko rito."

"Ang close mo na kay Camina ha. Ingat ka dyan. Tandaan mo, aasawahin niya ang plano mong agawin."

"At sasawahin ko siya," sabi ko. "And with all her permission, you must remember that."

"Sa kanya mo iyan ipaalala."

Magsasalita pa ako nang biglang magtahulan ang mga aso. The designer owned several dogs. Iba-iba ang breed. Nakita iyon ni Aljur at pinuntahan. Pinanood ko lang syang mag-enjoy sa mga aso. Mahilig nga pala sa aso ang lalaking ito.

"Una na ako," sabi ko.

"Sige lang," sabi ni Aljur.

Mukhang 1950s pa itinayo ang bahay ng designer at kita pa ang bakas ng kasaysayan sa mga natitira nitong mga muwebles. Isang gwapong binatilyo ang sumalubong sa akin at sinabing tatawagin lang niya ang amo. Naupo ako habang tinawag ng kasambahay ang gagawa ng aking tuxedo.

"Hi," bati ng lalaki pagdating niya. Hindi katangkaran ang lalaki, pero matikas ang pangangatawan. "I'm Ciem. Sorry if I kept you waiting. Coffee?"

Napatayo ako habang siya ay naglakad papalapit. Nakasunod ang gwapong lalaking kasamabahay na tumawag sa kanya.

"No, thank you," sabi ko.

"Is it okay kung dito na lang kita susukatan?"

"No worries," sabi ko.

Habang ginagawa niya ang trabaho, pumasok naman si Aljur kasama ang isang aso. Pagkababa ng aso ay lumapit ito kay Ciem bago nagtatakbo sa loob ng bahay.

"Oh, dinala mo si Chacha, my little chowchow."

"Ang cute niya," sabi ni Aljur. "Pinakawalan muna nung lalaki yung mga aso, at itong isa, sumunod sa akin."

"Hayaan mo sila, baka gusting makipaglaro ng kapatid ko. ikaw din ba? Papasukat?" tanong ni Ciem. "Ang ga-gwapo naman ng mga kaibigan ng mapapangasawa ni Camina."

Napangiti na lang kami ni Aljur habang sinusukat ni Ciem ng haba ng pantalon ko. Hindi ko na pinansin ang pagtama ng likod ng kamay niya sa pundilyo ko.

Ngumiti siya sa akin. Ngumiti lang din ako.

"Don't worry," sabi ni Ciem. "Professional ako."

"Okay lang," sabi ko. "Sanay na akong may humahawak niyan."

Tumingin ako kay Aljur at ngumiti.

"Ay jowaers," sabi ni Ciem na napatingin kay Aljur. "Sorry. Di ko napigilan. Parang anlaki eh."

"Sige lang," sabi ni Aljur. "Malaki talaga 'yan."

"Ay mapagbigay na jowa," reaksyon ni Ciem. "Pero true, professional ako. Chika ko lang yan."

At sinabi niya sa kasambahay niya ang mga numerong nakuha niya. Hindi lang pala ito kasambahay, assistant na rin pala niya.

Matapos ako sukatan ay naglabas ng tatlong kape ang assistant ni Ciem at sumama sa kwentuhan.

"Upo ka, JanJustine," sabi ni Ciem.

"JanJustine talaga?" sabi ni Aljur.

"Hayaan mo na," sabi ni Ciem. "Sigurado ka bang hindi ikaw ang susukatan? Sabi ni Camina, may darating pa raw other than Drew Castillo."

Doon pagkabanggit niya, may kumatok sa pinto, sumilip at pumasok. Si Sylvestre.

"Oh it's the groom?!" gulat ni Ciem.

Nagulat din ako. Darating pala siya, sana nagsuot ako ng kahit anong makakapagpaalala ng init na mayroon kami noon.

"Sana pala, nag-gown ka," sabi ni Aljur. "Yung pula. Yung may kasamang malaking sombrero."

"Hi," bati ni Sylvestre na tumuloy na rin sa pagpasok sa bahay. "Camina said you'll be having some changes in the design of my coat?"

Parang hindi alam ni Ciem ang sinasabi ni Sylvestre. Kitang-kita ang kanyang pag-iisip bago siya sumagot.

"Oh yes," sabi ni Ciem. "But I will clarify the details with Camina. For a while, dear."

Si Ciem naman ang naglakad patungo sa pinto at nag-dial. Nakipag-usap.

"Pupunta lang ako sa mga aso," paalam naman ni Aljur. Natuwa naman ako kay Aljur at binigyan niya kami ng space ni Sylvestre. Sumasabay siya sa plano ko.

Naiwan kami ni Sylvestre sa salas. Naupo siya. Sumunod ako. Nasa magkabilang sofa kami naupo. Pinapanood ko siyang tumIngin sa mga bagay sa salas na hindi tatama sa mga mata ko. Hanggang sa mabaybay na niya ang buong silid, at tanging presensya ko na lang ang pwede niyang tingnan. Hindi na siya umiwas. Napatingin siya sa mga mata ko. Ngumiti ako. Ngumiti rin siya. Natunaw ako sa totoo lang. May pagpintig sa malaking ugat ko. Hindi ko iyon inaasahan. May epekto pa rin sa akin ang mga ngiti niya. Dahil na rin siguro sa paggalaw ni Ciem sa pundilyo ko.

"Thank you for being my best man," sabi niya. "Do you have any idea why Camina asked me to be here?"

"Actually, I don't," sagot ko. "I am here to have my Tuxedo. Gagawin pa nga lang yata. Aabot naman daw sa rehearsals."

"Good," sabi ni Sylvestre. Tapos ay tumahimik.

Pinanood naming lumabas si Ciem at ang pagtawag niya kay JanJustine gamit ang kanyang kamay. Patuloy ang pagsasalita ni Ciem ng mga tunog na hindi ko naiintindihan. Tapos ay bumalik si JanJustine.

"Sir, mag-uusap pa raw sila ng design, pero pakikuha na lang daw ang sukat ni Sir Martin," sabi ni JanJustine.

Napatayo kaming dalawa ni Sylvestre.

"Ako talaga ang susukat?" gulat ko.

Sylvestre's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon