CHAPTER 45

423 2 0
                                    

"MAY dignidad-dignidad ka pang nalalaman," sabi ni Kuya. "Sana umalis ka na lang. Magus-survive naman sila kahit wala ka. Hindi na ikaw ang bride. Hindi mo naagaw ang groom."

"Para lang naman hindi ako magmukhang bitter," sabi ko.

"Pero bitter ka nga?"

"Tinatanong pa ba yun?"

Tinuloy na lang namin ang pag-inom namin ng kape ni Kuya habang nasa terrace ng bahay namin ni Tatay. Nailabas na siya sa ospital at sa bahay na nagpapahinga. Wala naman masyadong damages na nangyari. Makaka-function pa siya nang mabuti.

Ilang araw ko rin kinimkim ang nangyari. At ngayon lang ako nakapagdesisyon na makaka-function na rin ako. Mabuti at nagbakasyon muna si Kuya kasama namin ni Tatay sa bahay. Si Nanay naman, dumeretso na kay Steve.

Mabuting tao naman pala si Nanay. Kinuha na niya ang parte niya sa mga naipundar nila ni Tatay para hatiin sa amin ni Kuya. Siniguro lang niya na kung maubos man ng kapabayaan si Tatay, may matitira para sa aming magkapatid.

Pero dahil sa nangyari, mukhang magsisimula na rin si Tatay na ayusin ang kanyang sarili. Sabi niya, bibilin niya ang House for sale sa kabilang barangay at tatayuan niya ng isa pang branch ng bakery namin. Sabi ni Nanay sa akin, tutulong daw siya pero sa akin na niya idadaan. Baka raw kasi umasa pa si Tatay na magkakabalikan pa sila. Agree naman ako kay Nanay.

"Keri na lahat sa pamilya natin," sabi ni Kuya. "Pwede ko na ulit gawing shabby chic ang kwarto ko, para may mauwian naman ako dito paminsan-minsan."

"Oo," sabi ko. "Hindi na naman magagalit si Tatay. Hindi ka na niya hahabulin ng sintron."

Nagtawanan kami ni Kuya.

"Kung makatawa ka parang ang saya mo na talaga," sabi ni Kuya. "Okay na ba kayo ng mga lalaki mo?"

"Kung maka-mga ka naman," sabi ko. "Parang ang kati-kati ko naman."

"Kati lang ba talaga sina Sylvestre at Drew sa'yo?"

"Alam mo naman ang sagot diyan. Kung kati lang silang dalawa, siguro hindi ako nasaktan."

"Ay, hurt si Bakla!"

Nagtawanan kaming dalawa ni Kuya.

"Pero saang part ka pinaka-nasaktan?"

"Inteview na lang?"

"Bakla, nagkakape lang tayo. Walang bonggang ganap. Magpasabog ka na lang ng information."

"Pinakamasakit of course yung nakita kong kinakantot ni Aljur si Sylvestre."

"Naman," sabi ni Kuya. "Imagine, ang mga lalaki ko, nagkakantutan na hindi ako kasama. Napa-left out naman ng feeling nun."

"Pero kanino ka mas nasaktan? Yung may kinakantot si Aljur, o yung may kumakantot kay Sylvestre? Or yung basic na hindi ka kasali?"

"Magkakaiba pa ba iyon?" tanong ko. "Hindi ba pwedeng in general na lang, masakit?"

"Himayin natin yang emotion mo," sabi ni Kuya. "Mahalaga ito para maka-move on ka. Dapat alam mo yung source ng sakit. Para alam mo kung ano ang aayusin or kakalimutan, or papalitan, or what have you."

"Actually, hindi yung hindi ako kasali," sagot ko. "Ang totoo, never ko naimagine ang threesome kaming tatlo. Pero mas nasaktan ako na nakapagsex si Sylvestre sa lalaki, tapos hindi pa sa akin. Sana ako na lang. Ako naman kasi talaga dapat iyon."

"Pero na-gets mo naman?"

"Gets ko na," sabi ko. "Kahit na-flatter ako na pwede ko palang maagaw si Sylvestre kay Camina. Sobrang sakit na hindi ko nagawa kasi ayaw palang magpaagaw ni Sylvestre."

Sylvestre's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon