CHAPTER 30

547 5 0
                                    

NAPAYUKO  ang lalaki at mabilis na lumabas.

Kinabahan ako. Sino ang nakita niya? Nagkatitigan kami ni Aljur habang inaayos ang aming mga sarili.

"Ako na muna," sabi ni Aljur.

"Palabasin mo na muna," bulong ko.

"Hindi lalabas yan, baka sumilip pa."

Hindi na nagpapigil si Aljur at lumabas. Hindi siya huminto tulad ng lalaki kanina. Hindi ko alam ang nangyayari sa labas. Narinig ko na lang na bumukas ang gripo. Naghugas malamang ng kamay si Aljur. Pinto naman ang sumunod na bumukas.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima.

Kinakabahan pa rin ako, pero kailangan ko nang lumabas.

Hindi na rin ako nagdahan-dahan. Normal lang. Nagflush ako. Lumabas ako ng cubicle. Naglakad. Normal lang. Nagukat ako. Walang tao. Tumingin ako sa salamin at nag-ayos ng sarili. Kaunting hinga nang malalim para matanggal ang hingal. Tapos ay lumabas ako.

Dumaan ako sa receptionist at dederetso na dapat sa elevator nang tawagin ako ng babae.

"Sir Drew, tapos na ang meeting ni Sir Martin," sabi ng receptionist.

"Ah talaga, sige puntahan ko na siya sa office niya."

"Sige po, nagyosi lang siya sa taas."

"Saang taas?"

"Sa may helipad po," sabi ng babae na tumingin sa side ng building.

"I think i need a yosi too," sabi ko kahit hindi ako naninigarilyo. "Pwede ba ako doon?"

Tinuro ng babae ang daan.

Emergency exit ang daan papunta sa helipad. Bunuksan ko at inakyat ko. Nakarating ako sa itaas ng building. Sa roofdeck.

Sa edge ng building, nakita ko si Sylvestre. Nakatalikod, at may usok na dumaraan sa kanyang harapan.

"Kailan ka pa nanigarilyo?" tanong ko.

"Oh, you're still here," sabi ni Sylvestre. Bahagya siyang tumalikod. Humithit pa ng isa, tapos ay ibinagsak sa sahig ang upos. Tinapakan.

Naglakad ako papalapit sa kanya.

"Yup, and I just wanna ask the numbers of your groomsmen," sabi ko.

"I left my phone in the office."

Mas tumalikod pa siya na tinatago sa akin ang paninigarilyo niya.

"Tara," sabi ko habang papalapit sa kanya. "Babain na natin."

"But of course, that's not the only thing why you are here."

"Actually, iyun lang."

"You're here para ipilit pa rin ang sarili mo sa akin. You want us to be back where we left off when we were highschool."

Gago ito. Ang yabang. Pero actually, yun naman talaga ang plan.

"Gusto ko rin yun," sabi ni Sylvestre na humarap sa akin. Niyakap ako. Mahigpit. Hindi ako nakagalaw. "Miss na miss kita, Drew. Hindi mo lang alam kung gaano. Sobrang miss na miss kita."

Ito yung part ng panaginip na kinatatakutan ko kasi ang linaw ng lahat, ibig sabihin, malapit na akong magising at matatapos na ang bumubulwak na kaligayahang nararamdaman ko. Pero hindi ako nagising. Hindi ako natutulog. Hindi ito panaginip. Nakayakap talaga sa akin si Sylvestre.

Yumakap din ako sa kanya. Kung anong higpit ng yakap niya ay ibinalik ko.

"Sylvestre," sabi ko. "Sorry kung hindi kita nagawang mahalin nung mahal mo ako."

Sylvestre's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon