CHAPTER 34

496 3 0
                                    

"DOES Camina..." hindi ko natapos ang tanong ko dahil humigpit na naman ang kamay ni Aljur.

Tumingin ako kay Aljur. Huminga siya nang malalim at hinayaan ako.

"Does Camina know that Sylves... I mean Martin is gay?" tanong ko.

"I don't know," sabi ni Jerold.

"And I don't care," sabi ni Jervis.

"They are happy and we don't wanna take that away from them," sabi ni Jerold.

"But you can," sabi ni Jervis.

"And why would he do that?" tanong ni Aljur.

"Because we love, all of us, love Martin and he will be miserable being married with a guy," sabi ni Jerold. "We can have everything money can buy, but the two's happiness is the best gift we can give."

"And again, why would he," tinuro ako ni Aljur. "Do that?"

"Because we cant," sabi ni Jervis.

"And he can," turo ni Jerold sa akin.


MULI akong natahimik hindi dahil naiinis ako kay Aljur, kundi dahil napaisip ako sa sinabi ng kambal. Si Aljur na ang nag-volunteer magmaneho dahil nawala na ang focus ko. Hinayaan niya akong mag-isip. Nakapag-usap na kasi kami ni Sylvestre. Pero ano ito? Muntik na niyang hawakan ang titi ko sa rooftop. tapos ngayon, itong kambal, sinasabing mahal pa ako ng bestfriend ko. At ang bestfriend ko, kailangan kong iligtas sa eternal damnation ng pagkakakasal sa babae.

Nakarating ako sa bahay. At matapos ang isang halik, nagbilin si Aljur.

"Maganda na ang nangyari sa rooftop," sabi ni Aljur. "Malaya na siya. Malaya ka na. Libog lang yun. At kung mahal mo si Sylvestre, hahayaan mo siyang maging masaya sa buhay niya. Hintayin mo na lang siyang maging malungkot, maranasan kung nagkamali nga siya, atsaka mo siya balikan. Na kung totoo ngang mahal ka niya, siya ang babalik sa'yo."

"Wow, you just summarized everything," sabi ko.

"Tangina ang traffic na dinaanan natin sa EDSA at hindi mo ako kinausap," sabi ni Aljur. "Ako na ang kumausap sa sarili."

"You really are crazy," sabi ko. "Siguro boses ko pa ang naririnig mo sa utak mo while discussing everything."

"Oo, baliw ako" sabi niya. "Baliw na baliw sa'yo."

Humalik ulit siya at pinanood kong sumakay ng elevator.

Two versus one. Si Aljur laban sa kambal. Sino ang susundin ko? Gusto kong pumanig sa kambal dahil dalawa sila, pero strangers naman ang dalawang iyun. Kaya one half lang ang boto nila. At dahil dalawa, isa. So one versus one. Kailangan ko ng boto na lalamang.

Nag-dial ako ng telepono.

"Bakla, ano?" sagot ni Kuya. "Naka-beauty rest ako, may audition ako sa Ms Q and A."

"Kuya..." sabi ko na hindi ko na natapos dahil binabaan na ako.

Nag-dial ulit ako.

"Putangina, kasasabi ko lang na nakabeauty rest, tatawaging mong kuya," sagot ni Kuya Dexter.

"Sorry Ate," at sinabi ko sa kanya ang problema ko.

"Kahit ano pang sabihin ko, o ni Aljur o ni Sylvestre mo, isa lang dapat mong sundin," sabi ni Kuya Dexter.

"Ang sarili ko?" tanong ko.

"Hindi lang ang sarili mo," sabi niya. "Ang nasa puso mo."

"Okay," sabi ko.

"At syempre, susundin mo ang kagagahan mo," sabi ni Kuya. "Kasi naman kung naniniwala ka kay Aljur e sinunod mo na siya."

"I know," sabi ko.

"O siya," sabi ni kuya pero humabol pa siya. "Oyoyoy! Si Tatay ba nakausap mo na?"

"Uy concern siya kay Tatay," sabi ko.

"Gaga!"


GAGA na kung gaga.

Pero itinaas ko na ang glass of champagne. Ngumiti at sinimulang basahin ang sinulat ko sa index card.

"I guess I am lucky that Martin's stepbrother is not here with us. That gave me a chance to be here, take the shoes of his best man. But if this happened a few years ago, when he was more comfortable with people calling him Sylvestre rather than Martin, I wouldn't just be here as his bestman, I would have been his best bro. I used to be the brother he never had. We were more than bestfriends. But not enough to be lovers, of course. I wasn't gay then. Then. Until he came out and told me that he loved me. Camina I'm sorry that I'm saying all of these right now. But I think this is the best thing I can do not just for us but especially for you. Nothing may have have happened between us in the recent days, but before meeting you, we were each other's best fuck. Forgive my selfishness, but this will save us a lot of tears and heartaches in the future. Martin is gay, and he loves me. And I love you too, Sylvestre."  

Sylvestre's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon