CHAPTER 22

535 2 0
                                    

HINDI na ako nag-isip nang isasagot ko, kaya mali agad ang lumabas sa bibig ko.

"Si Slvestre kasi..."

"E di siya na, sa kanya na ang korona," sabi ni Aljur.

"Hindi naman sa ganon," sabi ko.

"Eto yung ego ko o," tapos nagmuwestra ng isang malaking bilog at inarteng tinusok ng matulis na bagay. "Then poof. It became Coco Crunch."

"Ang sabi ko, iba," sabi ko. "Hindi mas magaling. Iba siya. Iba ka."

"Wala akong lamang?" tanong ni Aljur.

Uminom ulit ako ng kape.

"You make me coffee," sagot ko. "And it's the best."

"Pampainit lang talaga ako sa'yo no?"

"Wow, na-connect mo ang kape sa sex? No, I'm just talking about this coffee. I mean, this coffee is so good, you should open a coffee shop someday."

"Pwede," sabi ni Aljur. "Pag nasaktan ako at kailangang makalimot."

Naagatawanan kami.

"At para may puntahan ka, sakaling hiwalay na tayo at kailangan mo ng uuwian," dugtong niya. "Pero kung walang kape, parehas lang ba kami? It's a tie?"

"Wala na, straight na siya, ikakasal ana siya," sabi ko. "Wala ka nang pagkukuparahan ng galing mo."

"Tama, straight na siya," sabi ni Aljur. "Kaya kalimutan mo na siya. Kahit 'yang galit na nararamdaman mo, walang basehan. You can't blame people for being fluid. Parang love lang ang sexuality. Dati sinabi niyang mahal ka niya, naging bakla siya para sa iyo. Tapos nagbago ang daloy ng tadhana, nagmahal siya ng iba. Nagkataon, babae. Kaya straight na ulit siya."

"E di ibabalik ko na lang siya sa bakla," sabi ko.

"Ay akala ko move on na? Yung bata na lang ang pababalikin ko, mukhang gusto mo rin naman yun. Na-disappoint nga, kasi akala niya, ikaw ang makikita niya, hindi ako."

Then something popped.

"Alam ba ni Sylvestre na ako ang makikita niya kaya siya nag-back-out sa meeting namin dito sa place mo?"

"Nung tinawagan ko siya, alam niya ako ang kikitain niya. Tapos nalaman niyang ikaw."

"Baka kaya siya nag-back-out. Kasi ikaw ang gusto niyang makita."

"No, hindi iyan ang pupuntahan ng kwentong ito," sabi ni Aljur. "Hindi ito habulan na mahal mo siya, mahal nya ako at ikaw ang mahal ko."

"Bakla pa siya, kaya ganun na lang siya makatingin sa gym," sabi ko. "Bakla pa siya, kaya niya kinuha ang number mo nung magkita kayo sa bridal shower ng asawa niya. Tangina. Bakla pa siya. Tangina niya."

"Ay galit na naman?"

"Nagte-text ba kayo?" tanong ko kay Aljur.

"Minsan," sabi ni Aljur.

"Pabasa ng usapan," sabi ko.

"Ayoko," sabi ni Aljur.

"Bakit ayaw mo?" sabi ko na nagtaas na ng boses. Napipikon ako sa kaartehan ni Aljur. Bakit ayaw niya magpabasa kung wala naman silang tinatago.

"Bakit? Privacy sana. Hindi naman tayo nagbabasahan ng text message. And would it still matter kung meron, eh hinainan mo nga ako ng karne kanina lang."

"Gusto pa kasi niya ng lalaki," paliwanag ko. "Tinamaan siya sa akin sa gym. Tinamaan siya sa iyo, kaya kinuha niya ang number mo. Gusto ka rin niyang maka-sex."

Tumawa si Aljur. Tawang may panlalait.

"Uy nagseselos siya," sabi ni Aljur.

"Pabasa nga," pilit ko.

"Wala naman akong sinasabi sa kanya."

"Eh anung sinasabi ni ya sa'yo."

Tumawa ulit si Aljur. Parang may na-realize. "Ang sakit naman pala nito. Grabe ka Drew. Ang sakit mo masaktan. Nananakit ka ng iba."

Hindi ko naiintindihan ang sinasabi ni Aljur.

"Akala ko, nagseselos ka kasi gusto ko si Sylvestre mo. Nagagalit ka pala kasi iniisip mo na ako ang gusto ni Sylvestre."

Huminga nang malalim si Aljur. Uminom ng kape.

"Sorry," sabi ko. "Hindi naman sa ganoon."

"Sige na. Okay lang naman kung ganoon. Pinipilit kong maging okay na matatapos na tayo. Pinipilit kong maging masaya na lang. Pero ang sakit-sakit mo."

"Sorry, Aljur."

Tumango si Aljur. "Kaya pa. Sige na. Anong plano mo?"

Tumayo ako at tumabi kay Aljur. Ipinatong ko ang ulo sa balikat niya.

"Sorry."

"Okay na nga," sabi niya. "Hindi ko nga alam kung bakit laging okay lang ako pagdating sa'yo. Parang hindi na I love you ang katumbas ng sorry eh. parang nanandya na."

Inilapit ko ang ulo ko sa mukha niya. Inilapit ang mga labi Hinalikan ko siya na ginantihan naman niya.

"Make me feel good again," sabi ko. "Malinis pa ito."

"Para kay Sylvestre yan eh," sabi ni Aljur.

"Para sa'yo na," sabi ko.

"Iyan lang? baka pwedeng lahat ng bahaging para kay Sylvestre, maging akin na?

"Malay mo makuha mo."

"Tangina mo, huwag mo akong paasahin."

"Tangina ka, ikaw ang huwag umasa," sabi kong may paglalambing. "Pero ngayon, sayong-sayo lang to."

Natahimik si Aljur, napakagat sa labi niya.

"Game?" panunukso ko.

Sumagot si Aljur. "Gusto ko ng audience."

"Tawagan mo yung bata."

"Ito pala ang feeling ng may pamilya?" nagising ako sa monolog ni Aljur habang nakayakap sa akin ang kanyang braso.

"Good morning," nilingon ko siya. Medyo kinabahan ako nang makita siyang nakahiga, at hindi nakahilig sa akin. Sino ito? Kaninong kamay ito? Kaninong laway itong naglalawa sa dibdib ko?

Napansin ni Aljur ang itsura ko at natawa. "Anak natin."

"Gising huy," inalog ko ang bata at ngumiti sa akin ang maamo nitong mga mukha.

"Good morning mga daddy," bati niya.

Lalong natawa si Aljur.

"Bangon na Andrei," sabi ni Aljur. "May pasok ka pa."

Tumayo ang bata at pinulot ang brief niya. Kinuha ko naman ang telepono ko. Alas otso na. pwede pang matulog. Pero binasa ko muna ang mga mensahe. May mga friend invites na naman. May mga messages mula kung kanino. Birthdays. At isang invitation. Stag Party. Nawala ang antok ko sa stag party.

"Jur," sabi ko. "Invited ako sa Stag Party ni Sylvestre."

"Bakit? Pasasayawin ka rin?" sagot ni Aljur na hawak na rin ang telepono.

"Hindi naman siguro," napaisip ako.

"Invited din ako," sabi ni Aljur. "Ano, a-attend ba tayo?"

Dumagdag iyon sa iniisip ko. Tiningnan ko kung sino ang mga nag-confirm. Hindi ko kilala. Huwag na lang.

Tapos nakita ko ang isa sa mga messages. Si Camina. Punta kayo sa stag party ni Sylvestre. nag-backout ang brother niya, kaya ako ang nag-organize. Please invite his other friends.

Mukhang generic text naman ito, pero parang gusto ni Camina na the more the merrier. Alam ko na ang gagawin ko.

Sylvestre's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon