CAMINA Fricia Sol. Ito ang account niya. 24. Ang aga naman niya ikakasal. Maganda sa mga pictures. Kahit mga pictures na nakatag, maganda. Kahit wacky na, maganda pa rin.
In a relationship with Peter Pan?
Sino si Nitram Stallone? At logo ng bastketball team ang profile picture. Sobrang private naman ng mapapangasawa nito.
"Napaka-mature naman nitong mapapangasawa ni Camina?" sabi ko. "Ayaw magpakilala."
Patuloy lang si Aljur sa paghuhugas ng pinggan. Pagkatapos mag-dinner, dumeretso na ako sa living area ng condo ko. Binuksan ang laptop at nagsimulang mag-research tungkol sa ikakasal. Mga ilang pangungusap na rin ang nasabi ko. Si Aljur, wala pa ring imik. Kahit noong kumakain, sinubukan kong magsimula ng mga usapan, puro tango at iling lang ang sagot.
"Alis na ako," sabi ni Aljur. Pinunasan niya ang kamay. Tinanggal ang apron at lumapit sa akin kung saan nakalagay ang t-shirt niya.
Tumayo ako habang sinusuot niya ang tshirt. Niyakap ko siya. Ayoko pa siyang umalis.
"Para saan 'to?" tanong ni Aljur. "Hindi pa ba nasasaid ang libog mo sa araw na ito?"
Gusto ko talagang may katabi matulog. Ayokong mag-isa ngayong gabi. Kahit alam kong hindi kami okay. Mas gusto ko nang si Aljur ang katabi ko. Ayoko nang maghanap ng iba.
"Dito ka na matulog," sabi ko tapos ay hinalikan ko ang kanyang batok.
Iniwas niya ang ang batok niya sa aking mga halik.
"Drew, tama na muna," sabi ni Aljur. "Unti-untiin na nating hiwalayan ang isa't-isa. Naka dalawang buwan na naman tayo. Nag-reset pa tayo, hindi naman nagwo-work. Iwan mo na ako, kung ayaw mong iwan kita."
"Wag namang ganun. May pamalit ka na ba?"
"Wala. Ikaw lang naman eh."
"Bakit ka aalis kung wala ka namang pupuntahan."
"Mas masasaktan kasi tayo kung magtatagal pa tayo, eh para naman sa wala."
"Parehas naman tayong masasaktan."
"Masasaktan ka? Bakit? Mahal mo ba ako?" Humarap sa akin si Aljur at tumingin. Gusto niya ng sagot pero hindi ako nakapagsalita.
"Kung mahal mo ako, sana napatawad mo talaga ako?" sumbat ni Aljur. "Wala nang gantihan."
"Akala ko ba, okay na tayo dun kay Mr. Averilla?" sabi ko.
"Akala ko rin," sabi ni Aljur. "Pero nung nakita ko siya kanina, masakit pa rin pala.
"Wala namang nangyari," ulit ko.
"Pero umabot pa kayo sa puntong nakaluhod na siya sa harap mo," sabi ni Aljur. Kung ayaw mo, nakalabas ka na dapat ng banyo."
Tumahimik kami.
"Ganun ba ako kadumi, kaya hindi ako sapat?" tuloy ni Aljur. "Iyon ba ang iniisip mo, kaya hindi ka makahindi agad sa iba? Ano, magiging tie na tayo? Makakaganti ka na sa nagawa ko?"
Bumitaw na ako. Anong isasagot ko doon? Tumalikod ako at humarap na lang sa glass wall ng condo, tanaw ang mga ilaw ng lansangan sa gabi.
"Sorry," sabi ko. "I'm making you feel that way. Hindi ko iyon intensyon. Pero oo, that crossed my mind. Pero di'ba ang mahalaga, pinalampas ko nung dumaan. Ginawa ko pa rin yung hindi makakasakit sa'yo. Hindi man agad-agad..."
"Ganoon ka ba katagal mag-isip, naibaba ang zipper mo? Nasusubo na ang titi mo?"
"Sorry," sabi ko. "Pero kung hindi kita makukumbinsi ngayon, sige, just go."
"Thanks," sabi ni Aljur. Tumayo siya at nagsuot ng T-shirt. Naglakad siya papalayo.
Hinayaan ko siya. Nanatili akong nakatingin sa salamin, pinagmamasadan sa reflection ang paghakbang niyang hindi bumabagal. Pero mas bumilis doon ang tibok ng puso ko. Hindi na ako nag-isip. Bigla akong napasigaw.
"Sorry," sabi kong napayuko. "And please don't go. Huwag ka naman umalis."
Hindi pa rin tumigil sa paglalakad si Aljur.
"Yang mga ganyan mo, Drew, eh," sabi ni niyang patuloy na naglalakad. "Pag hindi ako umalis, hindi na ako makakaalis. Mamahalin na kita."
Nakarating siya sa pintuan at humawak na sa doorknob
"E di mahalin mo ako."
Huminto si Aljur at humarap sa akin.
"Eh ikaw," sabi ni Aljur.
"Tinuturuan mo pa nga ako, di'ba?" sabi ko. "Suko ka na ba?"
"At pag natuto ka?" sabi niya. "Wala na bang three month rule?"
Ngumiti lang ako.
"Fuck you," sabi ni Aljur na nakangiti na rin. "Fuck you and your three month rule!"
"Can you just stay and fuck me instead?" sabi ko. Napahinto ko na siya. Hindi na niya tinuloy buksan ang pinto. Pwede ko nang daanin sa biro ang away na ito.
HINDI naman kasi talaga namin napag-usapan ang nangyari. Two weeks na akong single nang ipakilala sa akin ng tao ko sa opisina ang isa sa mga naka-date niya. Hindi naman daw sila nag-sex so hindi magmumukhang free taste ng talong ang opisina namin. Si Aljur ang ipinakilala niya.
Isang linggo, sampung sex, okay naman kami, nag-decide kaming maging exclusive, maging kami. Ngayon, isang buwan na lang bago ang taning, nandito kami sa kama ko, katatapos lang ulit ng isang round pagkagising na pagkagising.
"Nag-over react ako, tapos na dapat ang issue ko kay Mr. Averilla, pero umarte pa rin ako," sabi ni Aljur. "Sorry."
"Sorry din," sabi ko. "Promise, hindi na ako magbabalik ng issue."
"Hindi ko na rin aalalahanin ang three month rule mo," sabi ni Aljur na nakahiga sa dibdib ko. "Alam ko naman kasi ang pinasok ko noon. Binalaan na naman ako. Kaya nga nakipagsex ako sa ex ko, diba? Pero last na 'yon. Seseryosohin na lang kita bago tayo matapos. Malay mo, hindi matapos."
"Wala akong maipapangako," sabi ko.
"Wala naman akong inaasahang babalik sa'kin, magbibigay lang naman ako. May matatanggap at matatanggap naman ako for sure. Kahit hindi sapat, ayos na rin."
"Sorry, Aljur."
"Wala ka namang kasalanan. Ang tindi ng hang up mo sa nagturo sa iyo ng rule na 'yan. Kung sapat ako para maka-move on ka doon sa Sylvestre na iyun, e di good. Malay mo, kaya kong maging mas malaki diyan sa buhay mo para hindi mo na mapansing may nawawala."
Hindi na naman ako nakapagsalita.Nanatili akong nakakulong sa palaisipang iniiwan ni Aljur sa akin.
"Bakit?" Hindi ko kinayang hindi magtanong.
"Bakit, bakit?"
"Why are you still holding on to us?"
"Ikaw? Why are you still holding on?"
Because you wash the dishes. Gusto kong isagot. Pero sa tingin ko hindi iyun makakatulong.
"Because you're a good fuck," naisagot ko instead.
"I know," sagot ni Aljur. "Sex pa rin pala ako para sa 'yo. Hindi yata ako magaling na teacher. Mapagsasawaan mo rin ako, tulad ng iba. Pero at least totoo ka. Salamat sa compliment, by the way."
The fuck. I should have said the dishes excuse. Because that's the truth. Nagagawa mo Aljur ang mga ayokong gawin. Nahaharap mo ang mga pilit kong iniiwasan. Among other reasons na hindi ko pa rin mabigyan ng salita. Tulad ng nandyan ka. At ayokong mag-isa. At alam mo iyon pareho.
Pero tumalikod si Aljur sa pagkakahiga sa akin. Nagpaka-cinematic pa siya at bahagyang lumingon sa akin.
"I'm a good fuck. Our sex is actually good," sabi niya. "Fuck you again tomorrow."
Sa lamig nang mga salita niya. Nanlamig ang buong paligid. Naiwan akong nag-iisa.
![](https://img.wattpad.com/cover/268940938-288-k386472.jpg)
BINABASA MO ANG
Sylvestre's Wedding
RomanceA story of second chances. One for him to ask. One for him to give. SEX COMPLICATES FRIENDSHIP. ESPECIALLY BETWEEN BOYS. SYLVESTRE AND DREW LOST WHAT THEY HAD WHEN SYLVESTRE FELL IN LOVE AFTER ALL THEIR SHARED TEENAGE SEXUAL RAGE. DREW DIDN'T IT SE...