SABAY na kaming nag-lunch at bago maghapon, nagbabad pa kami sa dagat. Hanggang sa dumating na ang pagsisid ng nagbabagang araw sa hindi nagpapaawat na karagatan. Naupo kami ni Aljur sa raft sa gitna ng dagat.
Habang papalubog ang araw, naramdaman kong tumingin si Aljur sa akin. Nanatili akong nakatingin sa sunset. Kinakabahan ako. Ayoko ng mga ganitong tingin.
Nakakatatlong linggo na kami ni Aljur sa aking three month rule, pero ang three month rule na yon ay nagreset. Dalawang buwan na kami, ganito rin ang mga tingin niya nang aminin niyang nakipagkita siya sa ex niya. Nagsex sila.
Galit na galit ako.
"Anong kinagagalit mo, eh iiwan mo na rin naman ako in a month?" balik sa akin ni Aljur. "Masyado lang masakit kung aalis ka, at ako walang mapupuntahan."
"Kaya inunahan mo na ako?" sigaw ko. "Ako ang nang-iiwan. Hindi ako ang iniiwan!"
Hindi na nagsalita si Aljur. Nanatili siyang nakatayo sa harap ko. May tumulong luha sa mga mata niya.
Nawala ang galit ko. Napalitan ng takot.
Ngunit si Aljur, hindi nawala ang lungkot sa kanyang mga mata. Lungkot na may kasamang sakit na dulot ko. Marahan siyang tumalikod. Humakbang.
"Huwag kang umalis," sigaw ko.
Lumingon si Aljur bago tuluyang naglakad papunta sa pinto.
"Please," bahagyang humina ang boses ko, at lalo pang humina. "Huwag mo akong iwan."
At bumuhos ang luha kong hindi ko alam kung saan galing.
Tumigil lang si Aljur nang ang pag-iyak ko ay nagkaroon na ng ingay. Nilingon niya akong nakatayo, na parang batang unang araw sa eskwela na iniwan ng nanay.
"Hoy, Drew," sabi ni Aljur na tumakbo sa akin, humawak ang dalawang kamay sa mga balikat ko. "Okay ka lang?"
"Huwag mo kong iwan, please," sabi kong kasabay ng mga hikbi.
Yumakap sa akin si Aljur. "Parang tanga kasi ito eh. Anlakas mo manakit, pero pag ikaw naman pala ang sinaktan!"
"Huwag mo kong iwan," sabi ko. "Hindi pa ako handa."
"Inaka," sabi ni Aljur at inupo na niya ako sa sofa, tabi kami, hawak niya ang kamay ko. "Ihahanda pa pala kita."
"Basta huwag mo muna akong iwan," sabi kong may paghigpit sa kamay niya.
"Ingat ka, baka mahalin mo ako talaga," sabi ni Aljur.
"Asa ka," sabi ko. "Hindi ako marunong nun."
Natawa si Aljur.
"Tuturuan kitang magmahal, pramis," sabi niya.
At mula noong araw na iyon. exclusive na kami sa isa't-isa. Wala na akong pinapatos kahit gaano kagwapo ang nagdi-DM sa akin. Kaya lang, ako naman ang guilty ngayon. Kagabi lang, bago ko siya patungan e ibang bibig ang aking sinubuan. Sana maitago ko ang secret na ito. In two months and a week, tapos na naman kami. Alam ko iyun, alam niya iyun. Pero may hirit siya kasunod nang nakakakaba niyang tingin.
"Magtatatlong buwan na tayo, technically, kung walang reset, ano?" sabi ni Aljur. "One week na lang, hiwalay na tayo."
"Nagbibilang ka pala," sabi ko.
"Ikaw ba hindi? Ikaw pa."
"Three weeks na tayo," sabi ko.
"May chance kayang lumampas tayo ng three months?" tanong ni Aljur.
Binawi ko ang aking kamay. Paano ko sasabihin ang kay Mr. Averilla? O unahan ko na siya na magpaalam.
"Okay," sabi ni Aljur. Kinuha na rin niya ng kamay niya at tumingin sa papalubog na araw. Tapos ay nagdive siya. Bumalik sa shore. Sumunod na rin ako. Parang hindi ko pa kayang magpaalam.
Nauna si Aljur sa shore. Hawak na niya ang telepono ko. Parang may kabababa lang na kausap. Hindi naman ako kinakabahan. Three weeks na akong nanre-reject ng mga may gusto sa akin.
Hinagis sa akin ni ALjur ang telepono.
"Mr. Averilla raw," sabay talikod pagkakuha ko ng phone.
Kinabahan ako. Bakit alam ni Mr. Averilla ang number ko?
"Wala namang sagutan ng tawag nang may tawag," dapat ako ang mas galit para mawala ang galit niya. "Nakakabastos."
"Oo Drew," sabi ni Aljur. "Nakakabastos."
Pinatay ko na lang ang tawag na hindi na alintana kung ano ang sasabihin ni Mr. Averilla.
"Sorry," sabi ko. Ako ang nagmakaawang huwag siyang umalis, tapos heto ako, kupal na parang naghahanap na ng ipapalit sa kanya.
"Tangina lang kasi," sabi ni Aljur. "Wag mo raw sasabihin sa mapapangasawa niya ang nangyari?"
Hindi ako nakapagsalita.
"Sana lang, naghugas ka muna bago may nangyari sa atin kagabi, para naman hindi masyadong nakakadiri," sabi ni Aljur at lumayo na papunta sa suite namin.
"Linis mo rin, eh 'no?" bulong ko.
"Eh di sige, " sabi ni Aljur. Minsan talaga, may pagka bionic ear ang lalaking ito eh. Tapos tuloy pa siya sa salita.. "Kasalanan ko pala ang panloloko mo sa akin."
Hindi na ako nilingon ni ALjur at tumuloy na siya sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Sylvestre's Wedding
RomanceA story of second chances. One for him to ask. One for him to give. SEX COMPLICATES FRIENDSHIP. ESPECIALLY BETWEEN BOYS. SYLVESTRE AND DREW LOST WHAT THEY HAD WHEN SYLVESTRE FELL IN LOVE AFTER ALL THEIR SHARED TEENAGE SEXUAL RAGE. DREW DIDN'T IT SE...