CHAPTER 11

866 8 3
                                    

BUTI na lang at may jacket ako. Hindi naging alangan ang sando sa pinasukan kong Italian Restaurant. Hindi naman sa may pakialam ako sa opinion ng ibang tao. May mga panahon talagang gusto ko na lang mag-blend in at hindi na magpaliwanag o umintindi sa mga tingin ng iba.

Kung gusto ko nang iisipin e aalalahanin ko na lang ang tatay kong hindi ko pa nabibisita, lasing na naman siguro yun, kinakalimutan ang kuya at Nanay ko. Si Nanay, hindi ko alam kung nasaan. Hindi ko rin naman gustong alamin. Si Kuya naman, masaya na, pero paano ka sasaya kung ang kasama mo na lang ay ang pinili mong pamilya? Mas okay na yun kesa sa akin. Hanggang ngayon, nawawala sa kawalan. Hindi ko alam kung sino ang gagabay sa akin.

I'll be late. 15 minutes. Message ni Aljur.

Sinimulan ko na lang isara ang zipper ng pula kong jacket habang idinadagdag pa si Aljur sa iniisip ko. Away. Bati. Away. Bati. Ikot-ikot lang. Nasanay na kami sa ganoon. Patatawarin niya ako. Patatawarin ko siya. At dahil kasalanan ko naman talaga ang nangyari sa beach, turn ko ang humingi ng sorry.

Ako ang nagmaneho sa amin pauwi. Hindi niya ako kinikibo. Hindi rin ako nagsasalita. Hanggang sa hawakan ko na ang hita niya. Hindi pa rin siya tumingin. Pinisil ko. Ayaw pa rin.

"Sorry na," sabi ko. "Kahit tawagan mo siya, sinubo lang niya ang titi ko, hindi naman ako nilabasan."

"Ah pag hindi nilabasan, wala ng kasalanan?"

"Hindi naman sa ganon. Kahit naman labasan ako, wala lang iyon sa akin. Sex lang yun."

"So congratulations, Aljur!" sabi ni Aljur. "At least hindi ako sex lang."

Pigil na pigil akong magbalik ng issue ng nakaraan. Ako ang may kasalanan, hindi iyon maitatama kung magbabalik ako ng isa pang kasalanan.

"I'm sure you know na, that's not what I meant," sabi ko. "Aksidente ang nangyari. Nag-aaway kami."

"Tayo ang nag-aaway ngayon," sabi ni Aljur. "Pero nasa bunganga ko ba ang titi mo? Wala naman di'ba? Ganito ang ang nag-aaway. Kayong dalawa nagpapasarap."

"Is there any point for me to explain myself?" sabi ko.

"Ewan ko sa'yo," sabi ni Aljur. "May point pa ba itong relasyon natin?"

Hindi ako nakasagot.

Mabilis ang takbo namin sa expressway. Andami nang nabago sa paligid. Pero sa aming dalawa, wala. Pero ako pa rin ang may kasalanan. I know I am a jerk, but I am a good jerk.

"When we decided na maging tayo," sabi ko. "Alam ko naman na magko-commit ako sa'yo."

"Mgko-commit for three months," sabi ni Aljur.

"Commitment pa rin. Sa iyo ako uuwi. Ikaw lang ang hahanapin ko. Tatabihan kita tuwing kailangan mo. At kanina, it was you who I was expecting. Nagte-text pa nga tayo, di'ba? Tapos kumatok itong si Mr. Averilla, naghahamon ng suntukan dahil sa akala niya ginalaw ko ang mapapangasawa niya. Natumba ako, e towel lang ang soot ko kanina kasi nga nagend ako ng dick pic sa'yo. Iyon, natanggal. Malay ko bang baklang-bakla itong si Mr. Averilla at dinakma na lang ako bigla."

"Hindi ka pumalag?"

"Kung pumalag ako, e di hindi ka galit. Hindi na ako nagso-sorry."

"Proud ka pa?"

"Hindi. Nagsasabi lang ako ng totoo. If you want, I will give all the details."

"Nagcondom ka ba?"

"Hindi kami uabot doon."

Tapos tahimik ulit kami.

"Eh kung aabot kayo doon?"

"Syempre, magco-condom."

Sylvestre's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon