Chapter 25

140 1 0
                                    

Hazel's POV:

Practice namin ngayong ng play. Medyo naaawa na nga ako kay Raven eh. Mukang pagod na pagod. Kakatapos lang kasi niya mag-training sa basketball tas mukang pinahirapan pa ni Jourdan to kagabi. May extra training pa kasi sila nun kasama si Kobe.

"Uy, Raven! Ayos ka lang? Gusto mo maya-maya ka na magpractice." Nagc-care pa din naman ako dito kahit papaano.

"Kasalanan mo to eh" nakasimangot niyang sabi. Nag-pout naman ako.

"Sorry!" Sabi ko na lang.

"Late na para sa sorry mo" pansin ko tag-sungit ngayon si Raven.

"Ok guys! Start na tayo."

"Oy, Joke lang yun" bulong niya sakin bago kami tumayo. Ewan ko pero napangiti ako nun ah!

Ang play namin hindi lang sa part 1 ng High School Musical. Pinagsama-sama namin ang 1,2&3 para exciting.

Sinimulan namin ang practice ng pinakanta ng pilit sina Troy at Gabriella ng Start of something new hanggang sa Can I Have This Dance.

Hindi ko na ikwekwento kung pano iikot ang play namin baka abutin pa hanggang next update. Lol.

"Take my hand, take a breath pull me close and take one step"

"Keep your eyes locked on mine and let the mu--"

"CUT!!" Sigaw ni Jamie. Kasama siya ni Caizer bilang director.

"Ano ba Raven! Bigyan mo naman ng emosyon! Akala mo bato yung tinititigan mo eh. In love ka diyan uy! Gosh! Ilang beses ko bang sasabihin yan?" Pinapagalitan na naman siya. Laging dito kami natitigil.

"Ahmm. Jamie baka pagod lang si Raven, bigyan muna natin siya ng break para makapag-internalize ulit."

"Sige, 5 mins break!" Sigaw ni Jamie.

"Raven!" Tinignan naman niya ko ng dismayado. May naisip akong strategy.

"Ganto na lang. Isipin mo ako yung taong gusto mo ok? Malay mo mag-work." Suggest ko.

"Ok, let's go back guys!" Sabi ni Jamie. Nag-ok sign ako sa kanya.

"Take my hand, take a breath pull me close and take one step"

"Keep your eyes locked on mine" Ginaya ko yung ginawa nung totoong Gabriella sa movie. Tinaas ko yung mukha ni Raven para magkatitigan kami. Sh*t! Iba na yung tingin ni Raven para na nga siyang in love sakin.

"And let the music be your a guide." Bakit di ko mahandle yung titig niya. Gosh! Ano ba Hazel! Di ba nga yung strategy!

"Now won't you promise me that you never forget" Nagdu-duet na kami kahit lip sync lang siya.

"To keep dancing wherever we go next" Maniwala man kayo o sa hindi ang galing namin sumayaw.

"It's like catching lightning a chances of finding someone like you" Nagagawa naman namin ng tama yung sayaw kahit hindi naaalis yung mata namin sa isa't isa.

"It's one in a million a chances of feeling the way we do" Shete, sais, cinco naman oh! Bakit parang nakukuryente yung katawan ko!

"And with every step together we just keep on getting better" Gosh! Don't tell me, may sparks kami ni Raven!

"So, Can I Have This Dance, Can I have this dance"

Pumalakpak si Jamie ng malakas dun na naputol yung titigan namin ni Raven. And to think na may mga scene kaming sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon