Chapter 3

228 2 0
                                    

Jourdan's P.O.V:

Hindi ko alam kung pano ko nakarating dito sa court na dating pinagprapraktisan namin ni Ashwin. Nakaupo ako sa may bench sa gilid at umiiyak.

May sumagi sa paanan ko tinignan ko kung ano, bola ng basketball at may nakalahad na kamay na may panyo. Tinignan ko kung sino.

"A-Ashwin" nagkatitigan lang kami. Nagulat ako pero mas lalong lumalim yung sakit na nararamdaman ko.

"I hate you! You f*ck*ng Selfish! Dahil sayo nasasaktan ako ngayon, Dahil sayo kinakalimutan ko na yung halos naging buhay ko na"

sigaw ko sa kanya at pinagpapalo ko siya.

"I'm sorry" pinigilan niya ung palo ko at niyakap niya ko lalong lumakas yung iyak ko bigla na lang nawala yung lakas kong paluin siya.

"I don't know how to ease the pain you're feeling right now but please don't forget what makes you happy. Huwag mong kalimutan ang basketball dahil lang sakin." at lalo niya pang hinigpitan ang yakap niya sakin.

"Actually, we're finding you to offer your tito's place I know you will refuse but please, If others offered you accept it. Please."

"I'll accept your offer if you answer my question with a yes but please be honest" tinanggal na niya ang pagkakayakap niya sakin at hinarap ako na may pagtataka sa muka.

"Minahal mo ba ko?" alam kong ito ang pinakatangang tanong pero tanga ko eh. Nagulat si Ashwin sa tanong ko at nung nakabawi na siya sa pagkabigla yumuko siya.

"I'm sorry." nararamdaman ko na naman na may mainit na naman sa mga mata ko.

"Eennggkk.. Wrong Answer." sinubukan ko magpatawa at ngumiti.

"Pano ba yan? Hindi yes ang sagot mo. Good Luck" ngumiti ako sa kanya na may luha sa mga mata.

"J-Jourdan" nanginginig na din yung boses niya. Hahawakan pa sana niya ko kaso iniwasan ko na.

"Ok lang ako, No. I know I'll be okay" nginitian ko ulit siya at tumalikod na ko at umiiyak pa rin.

-------------

"Hoy Miss! Lasing ka na, Tama na yan." Pigil sakin nung lalaking di ko naman kilala.

"He! Tigilan mo ko, Wala kang utang na loob! G*g* ka!! Ikaw na ang pinakamasamang lakaki sa buong mundo" at pinagpapalo ko siya.

"Oi miss, Ano ba pinagsasabi mo. Hindi nga kita kilala!" Inis na sabi nung lalaki.

"Leshe ka! L-la--..." hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nawalan ako ng malay.

"Oi Miss! miss. Ahh.. Naku naman oh".

-------------

Aray! ang sakit ng ulo ko leche naman oh! Kinapa ko yung cellphone ko sa may table na katabi ng kama ko. Teka, bakit wala na yung table ko. Napadilat ako bigla. Wait. Hindi ko to kwarto ahh! Oh shit! Iba na ang damit ko.

"WAAAAHHHHH!!!" nagpapanic na ko. Sino ang nagrape sakin?!

"Ano ba! Ang aga-aga ang ingay!" Napatingin ako sa lapag at nakita ko ang isang lalaking walang suot pantaas at bwisit na bwisit sa buhay.

"Walangya ka! Anong ginawa mo sakin. Hoy!" at pinagpapalo ko siya ng unan.

"Ano ba? Wala akong ginagawa sayo! Kagabi ka pa, palo ng palo ah!" pinapalo ko pa rin siya at siya naman sumasangga.

"Leshe! Sinungaling ka!" at lalo ko pang nilakasan ang palo

"Tsk. Baliw ka nga!" irita niyang sabi.

"Anong nangyayari dito?" tumingin ako sa nagsalita.

"Kram?" takang tanong ko at may sumulpot pa sa likod niya.

"Mia?" at tinignan niya ko na natatawa pa.

Napafacepalm na lang ako.

"Inuwi ka kagabi ng kapatid ko si Kobe, lasing na lasing ka tas tinawagan ko si Mia para asikasuhin ka" paliwanag ni Kram.

"Tsk. Baliw kasi eh.." bulong ni Kobe.

"Dito ka natulog?" tanong ko kay Mia.

"Hindi ahh. Kakadating ko lang bago ka nagsisigaw dyan" sarcastic niyang sabi.

"Sorry" nahihiya ko pang sabi. Sino bang hindi mahihiya di ba?

Tumingin ako kay Kobe.

"Thanks" pero di niya ko pinansin at humiga na siya sa kama.

"Dinalhan na kita ng damit para diretso school na tayo." sabi ni Mia

"Ahmm.. San pede maligo?" tanong ko kay Kram.

"Please, Huwag na sa CR ko." sabi ni Kobe.

"Cge, dun ka na lang maligo sa kwarto ko."

Rich Kid sila ahh! Condo pala to. Hindi kasi halata ang laki kasi ng kwarto ni Kobe pati ni Kram.

I'm so fresh na! Buti na lang walang uniform ang Syntax! Love it.

Paglabas ko sa Kwarto ni Kram, Nakita ko sila Mia na nagtatawanan. Aba! Quotang-quota na to ah.

"Andyan ka na pala. Lika kain na tayo" aya sakin ni Kram at tumayo siya para tawagin si Kobe.

Umupo ako sa harap ni Mia baka sabihin niyang inagaw ko pa yung pwesto ni Kram.

"Hoy babae! Siguro tuwang tuwa kang nalasing ako noh!"

"Hindi ahh! Gusto ko nga sanang matulog dito kaso magagalit si Madir! " at bumusangot pa siya pero nagbago bigla ang expression niya.

"Bakit ka nga pala naglasing ha! Hindi porket nasa legal age ka na eh magiinom ka na lang basta basta at hindi lang yun ahh! Uminom ka hanggang sa hindi mo na kaya! Ano ka ba naman JM!" para siyang nanay kung magsermon -.-

"Nay! Hindi ko na po uulitin" sarcastic na sabi ko binatukan naman niya ko.

"Oh tama na yan! Kumain na tayo" sabi ni Kram.

"Opo, Tay" mapangasar kong sabi. Napakunot naman ang noo ni Kram at Sinisipa naman ako ni Mia.

"Tsk. Kumain na nga tayo" iritang sabi ni Kobe.

Umupo si Kram sa tabi ni Mia si Kobe naman katabi ko. Awkward!!

"Kamusta training niyo?" tanong ni Mia.

"Medyo mahirap wala pa kasi kaming coach hanggang ngayon. Buti na lang magaling na leader si Raven at kahit papaano ay may ginagawa naman kami"

Napaisip ulit ako sa offer ni Raven na magcoach pati na rin yung mga sinabi ni Ashwin sakin kagabi.

It is once in a lifetime chance. Pinangarap ko naman talaga na magcoach ng sarili kong team yung hindi lang ako nagtatago sa shadow ni Tito. It will be nicer pa nga kung makakalaban ko siya.

"Hoy JM! tulala ka dyan" sinipa ako ni Mia at umiling lang ako.

Sabay sabay na rin kaming pumasok sa school. Si Kobe banas pa rin sakin at si Mia tuwang tuwa naman.

"Oy, Ganda ng mood natin ahh!" pansin ni Raven kay Mia

"Kumota kay Kram ehh!" banas na sabi ni Hazel.

"Tsk. Bat di mo sinabi? Edi sana ginulo ko kayo" at tumawa siya.

Ako naman ay naguguluhan kung kakausapin ko ba si Raven o hindi!

Ok. This is it!

"Raven, Pede ba tayong magusap?" bigla siya naging seryoso pati sila Hazel sumeryoso din.

"Sige." tumayo siya pati na rin ako at lumabas kami ng room at nagpunta sa medyo private na lugar.

"Ano yun?" tanong niya sakin.

"I accept your offer. Magcocoach ako sa Syntax ngayong season"

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon