Chapter 11

152 3 0
                                    

Jourdan's POV:

Ok, This is it! Opening na! Kinakabahan ako na naeexcite. Hindi niyo naman ako masisisi, 1st time kong mag-coach at makikita ko ulit ang St. Nicolas.

Nandito kami ngayon sa school at nag-iintayan kami.

"Ok team, Let's go!"

At sumakay na kami sa school bus. Hindi katulad ko, Chill lang yung team. Well, alam naman kasi nilang walang laban ako lang naman tong mukang tangang kinakabahan.

"Ayos ka lang?" tanong ni Mia sakin tumango na lang ako.

"Hayaan mo, malay mo di kayo magtagpo. Malaki ang Araneta madaming tao." sabi ni Hazel.

"Waahhh!!" sigaw namin tatlo dahil bigla na lang huminto yung bus.

"Manong, Ano nangyari?" tanong ko sa driver.

"Eh Ma'am mukang nasiraan tayo"

"ANO??!!" sigaw ni Hazel. Yung mga player naman napakamot na sa mga ulo nila.

"Malelate na tayo"  sabi ni Mia.

"Halika na! Magbubus tayo." sabi ko at bumaba na ko at sumunod na sila sakin.

Mabuti na lang may bus agad at wala masyadong tao. Umupo sa dalawahan si Mia tsaka si Hazel kaya naupo ako sa likod nila at katabi ko na si Kobe.

"Ready ka na? First time mo to sa UAAP." tanong ko sa kanya.

"First time ko sa UAAP pero di ko first time magbasketball. Ikaw? Ready ka bang makita na sila?"

"Hindi din naman namin first time magkita." nginitian naman niya ko at ginulo ang buhok ko. I find it weird!

Nang huminto ang bus sa SM ang daming nagsakayan at puro babae ang sumampa. As always nagpakagentleman si Kram at nagpaupo ganun din yung iba pero hindi si Kobe at yung ibang player.

Medyo iritado talaga ko sa mga lalaking ayaw magpa-upo sa bus.

"Magpa-upo kayo!" sigaw ko sa kanila napatingin naman sakin yung ibang pasahero at yung mga player ko agad-agad na tumayo maliban kay Kobe.

"Di mo ba ko narinig? Magpaka-gentleman ka naman!" iritado kong sabi at siya rin nairita.

"Pare-parehas lang tayong nagbabayad kaya may karapatan akong umupo"

"Bahala ka nga! Kung ayaw mo edi wag." at tumayo ako. "Miss oh" at pinaupo ko yung babae.

"Ano ba ginagawa mo?" inis niyang sabi.

"Di ba obvious?" masungit kong sabi.

Nakatingin lang samin lahat ng pasahero. Muka kaming tanga.

"Argghh! Irita ka talaga! Umupo ka na nga!" Di ako natiis ni Kobe at pinaupo na niya ko.

"Ayyyieee!!" sigawan ng team. Pero di namin sila pinansin.

"Tsk. Dami pang arte tatayo din pala!"

"Dami mo pang dakdak nakaupo ka na nga!" iritado niyang sabi sakin

"Salamat" sarcastic kong sabi.

"Kinikilig ako sa inyo pero tama na yan pinagtitinginan na kayo" sabi ni Mia.

"Eh kung di sana kayo nag-ayyiee edi sana di kami pinagtitinginan ngayon" masungit kong sabi.

----------

Nakapila na lahat ng team alphabetically dahil magsisimula na ang introducing ng bawat team buti na lang nasa dulo ang St. Nicolas dahil sila ang defending champ.

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon