Chapter 39

97 2 0
                                    

Jourdan's P.O.V:

Yes!! Tapos na ang huling exam namin. Kakapasa ko lang ng test paper ko at ang laki ng ngiti ko hindi dahil alam ko yung mga sagot kundi nasa labas na yung boyfriend ko at may date kami.
Excited lang. First Date eh.

"Tignan mo to, nagmamadaling umalis." Sabi ni Hazel.

"Pagbigyan first date eh" sabi naman ni Mia. Di ko na sila pinatulan porket wala pa yung mga sundo nila eh.

"Oh siya, mauna na ko sa inyo!" At nilayasan ko na silang dalawa at lumabas na ko.

Nakita ko na agad siya. Nakasandal siya sa pader at nakapamulsa pa, lakas maka-pelikula ng datingan niya eh. Ngumiti siya sakin at ginantihan ko din naman siya ng ngiti at lumapit na siya sakin.

"Kamusta exam mo?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat pa siya bago sumagot.

"Easy lang." Yabang talaga nito!

"Feeling genius ka din eh noh?!" Ngumisi siya sa sinabi ko.

"Bakit Genius naman talaga ko ah! Nakakalimutan mo ata natalo ka sa pustahan natin dati." Ngiting-pusa ang loko.

"Psh. Tsamba mo lang yun eh" sabi ko. Hanggang ngayon hindi pa din niya ginagamit yung wish na prize niya.

"Tsaka nga pala hindi ko pa nagagamit yung prize ko ah!" Aw. Naalala pa! Sayang.

"Sorry expired na yung wish mo! Ang tagal mong gamitin eh." Sabi ko sabay dila sa kanya.

"Ang daya mo talaga pasalamat ka wala na kong mahihiling pa." Sabi niya. Feeling ko banat to eh..

"Bakit?"

"Kasi ikaw lang naman ang hinihiling ko eh." Sabi ko na nga ba eh. Banat yun eh.

------------

Tumambay muna kami ni Kobe dito sa coffee shop malapit sa SU. Pinaguusapan namin kung anong gagawin namin sa bakasyon.

"Mag-beach kaya tayo? Kasama yung buong team! Pwede tayo magteam building tapos mageenjoy pa tayo! Ano sa palagay mo?" Excited kong sabi tapos si Kobe oo na lang ng oo.

"Ano ba? Oo ka lang ng oo." Naiinis kong sabi sa kanya tapos kinurot niya yung ilong ko. Pinalo ko naman yung kamay niya.

"Basta kasi kasama kita. Ok na sakin." Sabi niya sabay kindat. Ako naman tong si pakipot pinigilan ko pa ngumiti kahit kilig na kilig na ko.

"Tigilan mo ko sa mga banat mo ah." Inis inisan kong sabi.

"Bakit totoo naman eh." Sabi niya. Bago pa ko makasagot nagring na yung cellphone ko.

"Sino yan?" Tanong agad ni Kobe.

"Hindi ko alam. Unknown number eh." Tumango lang siya at sinagot ko na yung tawag hindi na ko umalis pa sa harap ni Kobe isipin pa niyang may lalaki ako. Chos. Tinatamad lang ako tumayo.

"Hello?" Nakatingin lang sakin si Kobe mukang curious din sa tumawag.

"Hello Maam, is this Ms. Jourdan Miller?" Boses americano tong kausap ko.

"Ahm. Yes. Why?"

"I am one of the coaching staff of UCLA and I like to inform you that we invited Kobe Perez to join our team for the upcoming NCAA. I need your approval to release Kobe from your team and convinced him. So, what are your thoughts?" Hindi ko madigest yung sinabi niya. Si Kobe pupunta ng America? Tinitigan ko siya mukang alam na niya.

"I can't think right now. I'll call you when I make up my mind." And I ended the call.

"Inoofferan ka maglaro ng UCLA para sa team nila sa NCAA." Kalmado kong sagot sa kanya. Tapos tumango lang siya hindi man lang siya nasurprise.

"Alam mo na?" May bakas na ng inis yung tono ko. Hindi na to biro.

"Tinawagan na nila ko nung nakaraan." Sabi niya. Nabato ko yung ballpen na hawak ko.

"Hindi mo man lang sinabi sakin agad!" Galit kong sabi.

"Para san pa, tinanggihan ko naman na eh." Mahinahon pa din niyang sagot

"Dapat sinabi mo pa rin. Sana kinunsulta mo ko bago ka tumanggi. Kobe, hindi mo lang ako girlfriend! Coach mo din ako." Beast Mode na ko.

"Sige, ngayon kita kukunsultahin. Ano bang gusto mong gawin ko" Napakalma ko bigla sa sinabi niya.

Ayokong umalis siya. Ayokong mawala siya sa tabi ko. Ilang araw pa lang nagiging kami tapos maghihiwalay din kami agad. Ayoko. Ayoko.

Hinawakan niya yung kamay ko at nginitian niya ko.

"Tinanggihan ko kasi sabi mo ayaw mo kong umalis. Pwede pa din naman ako maglaro ng basketball sa team mo, sa team natin. Hindi ko naman pinangarap ang maglaro sa America pero ikaw pinangarap kita." Napangiti naman ako sa sinabi niya at kinurot ko yung ilong niya.

"Ang sweet mo kainis ka!" Sabi ko at tumawa naman siya.

Natapos yung date namin na nagtatawanan pero ang bigat ng dibdib ko. Feeling ko ang selfish ng desisyon.

---------

"Ano ba kasi minumukmok mo pa dyan ha?! Di ba nga hindi na siya aalis." Iritang sabi ni Hazel sakin. Sinabi ko agad sa kanila ni Mia yung nangyari samin ni Kobe kanina.

"Eh kasi naman nag-guilty ako! Chance na niya yun eh." Sabi ko.

"Edi hayaan mo siyang umalis. Si Caizer nga pinayagan kong pumasok ng PBB!" Sabi ni Hazel.

"Saka JM, hindi naman kasi ibig sabihin na kapag pumunta si Kobe sa America eh break na kayo!" Sabi ni Mia.

"True!" Pagsang-ayon ni Hazel kay Mia.

"Pero mahirap daw ang LDR. Yung iba ngang matagal na sa relasyon eh naghihiwalay pa, pano pa kami? eh wala pa nga kaming isang linggo eh" maktol ko.

"Yan! Paranoid ka kasi! Wag mo nga ikumpara yung inyo sa iba." Kung dati ako yung nagagalit ngayon ako na pinapagalitan.

"Saka JM, sa sungit ng boyfriend mo wala ng babaeng makakalapit dun." Sabi ni Mia.

"Jourdan, girlfriend ka niya pero alalahanin mo coach ka din niya sating tatlo ikaw nakakaalam kung anong the best para kay Kobe. Pupunta siya sa US o mananatili siya dito?" So far, ito ang pinakamatinong nasabi ni Hazel. Para siyang si Heneral Luna na pinapapili kung bayan o sarili?

Future ni Kobe o Future namin?

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon