Chapter 34

108 0 0
                                    

Jourdan's P.O.V:

Game 2 na!!! Isang panalo na lang champion na! Ang saya ko lang ngayon. Wala ng hatred sa buhay ko kaya parang lahat positive vibes na lang.

"Ang ganda ng aura mo ah!" Sabi ni Mia.

"Ganyan talaga kapag back to each others arm ang dramahan." Kumento naman ni Hazel. Sinabi ko agad sa kanila pagtapos namin mag-usap ni Ashwin.

"Sinong nagkabalikan?" Nagulat naman kami ng may bigla na lang nagsalita sa likod namin.

"Grabe ka Kobe uso din paramdaman kapag dumadating" sabi ni Hazel.

"Ano ko multo para magparamdam?" Masungit na sabi ni Kobe. Susugurin sana ni Hazel si Kobe kaso hinatak na siya sa leeg ni Raven.

"Huwag ka ng pumatol sa bata." Sabi ni Raven.

"Bas---" bago pa ulit magsalita si Hazel ay tinakpan na ni Raven yung bunganga niya.

"Sino nga nagkabalikan?" Tanong sakin ni Kobe.

"Nagiging chismoso ka na Kobe! Nahahawa ka na kay Hazel. Hayaan mo na yun. Good Luck satin"  hindi ko pa sinasabi kay Kobe yung pagbabati namin ni Ashwin. Ayokong mawala yung focus niya sa game. I need his full force here.

-------

Nasa audience ngayon si Tito tsaka si Tita. Di ko nga alam kung sino sinusuportahan ni Tito eh. Nanunuod din si Caizer kaya kala mo yung energy ni Hazel pang first five. Andyan din si Anna na girlfriend ni Thom at yung mga pamilya nila.

Bago magsimula yung game iaannounce muna yung Mythical 5 at yung Season's MVP.

"This year's Best Shooting Guard goes to...." May drumroll pa ang effect.

"From the Syntax University, Raven Chua!" Nagulat naman si Raven at inapiran namin siya. Natalo niya yung Kuya niya. Kaya bago niya tanggapin yung trophy may pa-hug pa si Gian sa kanya.

"Chua pa rin ang nag-uwi ng award ah" comment nung host.

"Let's proceed to the Best Point Guard this season."
Ayan na naman yung drumroll.

"Again, from Syntax University, Thomas Frey." Deserve yan ni Thom. Halos araw-araw yan sa dance revo at grabe talaga inimprove niya kaya siya na ngayon ang Best Point Guard. Pag dating dun nag-apir sila ni Raven.

"The next award is the Best Center and it is from..." Lam na this. Drumroll.

"Neil Del Prado of St. Nicolas Academy."

"For me, You're still the best" sabi ni Mia kay Kram. Ok yung ngiti ni Kram nalagpasan pa yung ngiti nung nanalo. Kung may Best Boyfriend award panalo na si Kram! Walang duda!

"Let's go to our Best Small Forward. It is none other than..."

"Ashwin Mendez!" Ewan ko pero mahina kong nasabayan yung pagtawag ng host sa pangalan niya. Si Ashwin lang naman talaga eh.

"Wow ah! Tie tayo. 2 sa Syntax, 2 sa St. Nicolas." Wala talagang macomment yung host -.-

"And the last award that will complete our Mythical 5. The Best Power Forward is...." *Drumroll*

"It's you" bulong ko kay Kobe. Kung gano ko kasigurado kay Ashwin ganun din ako sa kanya.

"Kobe Perez!" Tinapik ko siya sa likos.

"Told Yah!" Ngumiti siya sakin bago niya kunin yung award.

"And now! The Season's MVP. Averaging 28.6 pts per game. The Most Valuable Player is..." This time hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa. *Ang mahiwagang drumroll*.

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon