Chapter 38 Part 1

90 0 0
                                    

Jourdan's P.O.V:

Almost one week na ring umiiwas sakin si Kobe. Bukod sa nangyari samin sobrang busy na din namin dahil haharap kami ulit sa Finals, Final Exam!

Pero bago pa kami magpaka-stress sa exam, Victory Party na namin mamayang gabi!!

"So, guys! Mamaya sa bahay ah!" Sabi ni Hazel. Sabay-sabay kasi kaming pupunta mamaya at sa bahay ni Hazel kami mag-aayos. Madami kasi yang mga pampapaganda. Stylist kasi ang ate niya.

"Oo na! Ang excited mo ah!" Sabi ni Mia.

"Syempre naman. First time ko aattend na si Caizer ang date!"

"Di ba si Caizer din ang host mamaya? Magiging busy yun. Maiiwan ka mag-isa." Sabi ko sa kanya. Gusto ko siyang banasin eh.

"Hayaan mo para may kasama naman si Kobe." Inirapan ko naman siya.

"Whatever." Sabi ko. Subukan lang lumandi ni Kobe sa iba mamaya. Naku, tatanggalin ko siya sa team. De joke.

----------------

Hazel's P.O.V:

Naka-dress kaming tatlo ngayon. Di ko na ieexplain kung anong klaseng dress ang suot namin basta ang alam ko lang. DYOSA kami ngayon at kahit di kami pabebe girls, walang makapipigil samin.

Hindi kami nagpasundo sa mga kanya kanya naming boyfriend para surprise! Lol. Naawa kasi ako kay Jourdan walang susundo sa kanya. De joke. Pagnalaman pa niya to mabatukan pa ko.

Anyways, grand entrance lang naman ang peg namin yung tipong lahat ng mata sa inyo nakatingin at hinahangin pa yung buhok niyo tapos lalapit sakin si Caizer at lahat ng mga lalaki manghihinayang! Well, that's my expectation kasi ang reality kami pa ang naghanap sa mga date namin at walang hangin kasi naka-aircon ang venue! Pagkakita namin sa team agad tinakbo ni Kram si Mia.

"Woaah! Huwag ka ng mag-aayos ng ganyan ulit ah!" Sabi ni Kram kay Mia. Sumimangot naman si Mia.

"Bakit naman? Pangit ba?" Pabebe din tong si Mia eh noh? Sarap batukan.

"Hindi. Ayoko lang may ibang tumitingin sayo." Dahil naiinggit na ko sa convo nila hinanap ko na si Caizer.

Nilinga-linga ko muna yung paligid hanggang sa matagpo ko yung mga mata niyang nakatitig sakin. Seryoso lang na nakatingin sakin si Raven. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang awkward kaya!

"Hey Babe, you look amazing." Nagulat na lang ako ng may humawak sa bewang ko. Tsk. Binabawi ko na ang gusto kong grand entrance kanina. Nginitian ko lang tuloy si Caizer at sumulyap pa ko muli kay Raven kausap na niya ngayon si Jourdan at mukang nagbibiruan sila. Hindi ako nagseselos ah! Hindi talaga! Promise! Hindi ako nagseselos.

------------

Nagsimula na yung party. Maraming mga basketball player ang imbitado. Yung first five ng SNA andito pati na rin si Romeo at yung iba pa. Nasa party din yung malanding si Trixie na halos lahat na ata ng bisitang lalaki nilapitan. Banas talaga ko sa kanya.

Anyways, dahil malakas talaga ang trip ng mga emcee. Nagpa-parlor games pa sila. Ang laro yung newspaper dance. Edi ba by partner yun? Nagsilabasan tuloy ang mga mag-jowa. Andyan sila Kram-Mia, Thom-Anna, Jourdan-Ashwin at may 2 pang couples naghahanap pa sila ng 1 pang couple. Gusto ko kaso si Caizer bawal sumali ang daya!!

"Gusto mo bang sumali?"

"Ay! Putakte!" Nagulat na lang ako sa biglang nagsalita. Nagaya na ni Kobe yung kabute moves ko ah!

"Bakit papartneran mo ba ko?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Ano ka swineswerte?" Inirapan ko siya at tinulak niya ko muntikan na kong matumba buti na lang nasandal ako sa nasa likod ko. Napatingin ako kung sino siya si Raven pala.

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon