Chapter 15

163 2 0
                                    

Jourdan's POV:

Nagsimula na ang 3rd quarter at pumasok na sina Neil, Kurt, Caspian at Gian pero hindi pa rin si Ashwin.

Na kay Kurt ang bola at bantay siya ni Thom at ngumisi siya at mabilis na gumalaw para makalusot kay Thom at pati na rin sa dalawa pang bantay na sumunod at parang isang iglap lang nakapuntos na agad siya.

at tinignan niya pa ulit si Thom parang sinasabi niya na "Best Point Guard here".

Nung kami na ang may hawak ng bola ishushoot sana ni Josiah kaso nablock siya ni Neil at nakuha yun ni Gian at pinasa niya agad kay Kurt pero mabilis naman nakarecover ang team ko at nabantayan agad si Kurt kaso naiwan si Caspian sa 3pt line at nakita naman yun ni Kurt at agad pinasa sa kanya.

"3 Points!" sabi ng announcer.

Nagdrive sa loob si Thom kaso masyadong bantay-sarado ang depensa ng Knights kaya pinasa niya kay Kram na nasa 3pt line at leche kabado na naman si Kram Tinira niya kaso tumama lang sa ring. Nakuha naman ni Raven at shinoot kaso mintis din at nirebound ni Gian at si Kurt na ulit ang nagdala ng bola. Pinasa niya kay Caspian at pinasa naman ni Caspian kay Gian at pinalobo lang ni Gian malapit sa ring at nakuha naman ni Neil at dinunk sinubukan siyang pigilan ni Raven kaso nafoul lang niya si Neil. Nabigyan pa ng extra freethrow si Neil.

Bago pa tuluyang bumaba ang lamang namin tumawag na ko ng timeout at pagtapos nun sinub ko na agad si Kobe kay Carl. Nung pumasok si Kobe nagkapuntos na rin kami sa wakas. Medyo napigilan din namin ang paghabol ng SNA. Sa performance ni Kobe medyo nahirapan sila kapag sinusubukan kasi nila itong idouble team ang ibang mga player ko naman ang nakakapuntos.

Natapos ang 3rd quarter at lamang pa rin kami ng 16. Katulad ng sinabi niya pumasok na si Ashwin sa laban. Bantay niya si Kobe na halatang binabanas lang niya. Agad naman siya naka-3pts pero nabawi naman yun ni Josiah. Medyo distracted din si Kobe kaya hindi siya makapuntos. Halos si Ashwin na rin ang gumawa ng puntos para sa mga knights kaya bago pa ang last 2 minutes warning eh tabla na kami. Kinakabahan na kami pero pinili ko ang kumalma.

Eeenggkkk.. End of Game. Nagsigawan ang mga knights nanalo sila ng 2pts lang ang lamang at galing yun sa 3pts ni Ashwin. Parang natapakan yung pride namin. My first ever game is such a failure. It breaks my heart at nung lumingon ako nakita ko si Kobe na nakayuko lang. Panigurado sinisisi niya yung sarili niya. Nilapitan ko naman siya.

"Ayos lang yan" at ginulo ko yung buhok niya at pinilit naman niyang ngumiti.

"Halika na! Let's thanks the audience" at nagsama sama kami at nagbow sa harap ng mga SU students. Pagkatapos ay naggroup hug kami.

"It's Alright." bulong ko sa kanila.

-------------

Nakapagpalit na kaming lahat. Actually, sila lang pala. Napagusapan namin na magkanya kanya na lang ng uwi dahil yung iba may mga lakad pa.

"JM, hindi muna ko sasabay. Kasi Yung dapat na mag-iinterview para sa newspaper nagkaron ng emergency kaya sakin tuloy napasa" Guys, Spell masipag? M-I-A.

"Sino ang chichikahin mo?" at spell chismosa? H-A-Z-E-L. Tumingin ng alinlangan sakin si Mia.

"Si Ashwin." napa-oww si Hazel pero ako tumango lang.

"Gusto mo intayin na kita" para kaming napa-woaahh!! Is it real? Is it real? Dumadamoves si Kram?!

"Wag na." sabay-sabay kaming napa-facepalm maliban syempre kay Kram. "Bukod kasi kay Ashwin pati si Romeo din kasama at nagpromise din kasi ako sa kanya na itritreat ko siya." napatango na lang si Kram. It hurts! Pero feel kong pagupitan tong si Mia eh ang haba na masyado ng hair.

"Usap tayo minsan ah!" sabi ko sa kanya. Hindi ko na alam kung ano ba umiikot sa utak nito. Naku, wag niyang sabihing inlove siya kay Romeo!

-----------

Mia's POV:

Actually, Hindi talaga kami aalis ni Romeo at wala naman siya dito. Bukod kasi sa interview gusto kong malaman yung past nila ni JM. Para kasing.. Ewan ang hirap iexplain.

"Ashwin" tawag ko sa kanya kakalabas lang nila sa locker room. Lumapit naman ako sa kanya at siya naman ay nagtataka.

"Na-inform ka naman na may interview di ba? Well, ako ang magiinterview sayo" medyo masungit kong sabi.

"Asst. Coach ka din ng SU di ba?" cold niyang sabi sakin.

"Yeah. Sa coffee shop na lang tayo magusap" at tinaasan niya ko ng kilay. Pasalamat to hindi ko katulad si Hazel malamang gulpi to.

"Bakit kailangan pa sa coffee shop pa tayo mag-usap? Saglit lang naman tayo di ba?"

"Well, bukod sa interview may dapat pa tayong pag-usapan" at tinaasan na naman niya ko ng kilay. "It's about Jourdan" dugtong ko.

Pumayag naman siya. Inuna ko muna yung tungkol sa newspaper. Malalandi kasi ang mga babae samin nagkakaubusan lang kapag may gantong Article.

"Ano ang tipo mong babae?"

"Unique." walang kagana-gana niyang sagot.

"Do you have a special someone right now?" nakakairita yung mga tanong na inutos sakin. Puro kalandian!

"Wala."

"So, nakakailang girlfriend ka na? Yung sineryoso mo ahh" medyo sarcastic yung tono ko.

"Tatlo." Mas marami sa inaasahan ko.

"Kasama ba dun si Jourdan?"

"Ilalagay mo din ba yan sa newspaper niyo?" umiling ako at nagkibit balikat na lang siya. Anong meaning nun? Oo o Hindi?

"So, How it feels to be the MVP?" tanong ko sa kanya.

"Great." medyo naiinis na ko dito sa lalaking to ah puro one word lang ang sinasagot sakin.

"Anong naramdaman mo nung nakita mo si Jourdan nasa Syntax?" kung kanina puro one word ngayon speechless na siya. Mukang pinagiisipan pa niya yung isasagot niya.

"Wala." putek! One word pa rin yung sagot!!! Ang sarap niyang sapakin pramis! Mahinhin lang ako tignan pero sadista tong pag-iisip ko noh!

"Nung half time I saw your expression nung akbayan ni JM si Kobe. Yung coldness mo biglang nawala parang bigla kang nalungkot o nagselos? Bakit, Bakit ganun ang naging reaksyon mo?" at ngumiti siya ng mapakla.

"I don't wanna be rude pero may mga bagay na hindi mo na dapat malaman pa at sana kung ano man ang nakita mo sana manatili na lang sating dalawa yun." at tumayo na siya at umalis.

Woaahh.. Bat parang ang gulo niya? Mahal ba niya si JM? Pero nagtaksil siya! Akala ko kaming mga babae lang ang magulo pero mas magulo pala ang mga lalaki! Kabanas lang!

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon