Chapter 9

165 3 1
                                    

Jourdan's POV:

4 days na lang opening na! at 5 days before the 1st game.

"Good Morning!" masiglang bati ni Mia. Maganda ang gising ng bruha.

"Nakaquota ka ba kay Kram? Ganda ng gising mo eh oh!" at nginitian niya lang ako at umiling. Baliw na ba ang kaibigan ko? Parang nahihibang eh.

"Si Romeo kasi eh" kinikilig niyang sabi.

"Romeo?" napaisip naman ako. Ting!

"Romeo Jimenenez?" tanong ko. Tumango-tango naman siya na parang tanga.

"Sinong Romeo Jimenez" singit ni Hazel. Pinanindigan na niya ang pagiging kabute.

"Siya yung dati namin kaklase nung high school na crush na crush ni Mia bago siya trumansfer sa London" paliwanag ko.

"Gosh, pinagtataksilan mo na si Kram?" exag na sabi ni Hazel.

"Oy bat naririnig ko ang pangalan ko dyan?" singit ni Kram.

"Si Mia kasi hindi na ikaw ang gusto!" pagkasabi ni Hazel siniko agad siya ni Mia at napatakip naman siya ng bibig at napailing na lang ako.

"Ganun ba?" hmm.. I smell something jelly?

"Ha? Ahh.. Eh..."

"Tumatakbo na sila ahh! Bat ka pa nandito? " sabi ko. Kawawa naman kasi si Mia eh walang masabi.

"Ito na nga coach eh tatakbo na ulit" at tumakbo na siya.

Pagkaalis ni Kram dinumog ng hampas si Hazel galing kay Mia.

"Ang daldal-daldal mo talaga!"

Habang busy silang magsakitan. Busy naman akong tignan si Kram. Ewan ko pero parang nalungkot siya at parang may iniisip siya.

"Waahhh Mia! Sorry na, nabigla lang naman ako eh. Jourdan Help!"

"Bahala ka diyan!" sabi ko sa kanya.

Tumigil na si Mia sa pagpalo kay Hazel.

"Nakakahiya!" sigaw ni Mia.

"Pero Mia, Ipagpapalit mo ba talaga si Kram kay Romeo?" tanong ko sa kanya at napaisip naman siya this time si Hazel na ang bumatok sa kanya.

"Pinagiisipan pa ba yan! Malamang si Kram na! Gosh, ang tagal na kaya ni Romeo " inis na sabi ni Hazel.

"First love never dies" napataas naman ng kilay yung dalawa.

"So, Maka-Romeo ka?" medyo banas na sabi ni Hazel pero umiling lang ako.

"But true love will bury it alive"

"Leche, Daming alam!" sabay nilang sabi at inirapan ko lang sila.

"By the way, Bati na kayo ni Kobe?" tanong ni Mia.

"Kagabi pa."

Ang saya ko talaga kagabi kasi alam kong di ako kayang tiisin ni Kobe.

"Kayo na talaga may lovelife.-.-" inggit na sabi ni Hazel. Napatawa naman kami ni Mia.

"Andyan naman kasi si Raven" sabi ko nililink kasi namin siya kay Raven.

"Huwag ka na dun kay Caizer" dugtong ni Mia.

"Yuck ah!" nandidiring sabi ni Hazel.

Wala talagang something si Hazel at Raven ginagawan lang namin ng something. Malay niyo may mabuo. Haha.

-----------

Hazel's POV:

Biruin niyo yun nagka-POV pa ko. Haha XD. Tinalo ko pa yung mahabang buhok ni Mia. LOL.

Anyways, nagskip muna ko ng training sa hapon may meeting kasi ngayon ang music club.

"Guys, Siguro narinig niyo na yung play na gagawin ng English club. Ngayon, humuhingi sila ng tulong from us. Yung mga bida kasi nila hindi magaling kumanta. So, Caizer talk to me na kung pede daw ba na i-lip sync natin. Now, Magkakaroon sila ng audition para sa mga role. Ayun ask niyo na lang si Caizer for more info" sabi ni Grace yung president namin.

Gosh! It's my time to shine para mapansin ako ni Caizer my loves! Gosh, iniisip ko pa lang na magiging close kami kinikilig na agad ako.

Edi pumunta ko agad sa quarters ng English Club para magtanong agad.

"Miss, asan si Caizer? Magtatanong lang ako para sa audition." tanong ko dun sa babae na muka namang miyembro ng club.

"Kakaalis lang niya. Pero kung about sa audition nakapost na yung details sa bulletin board. Sige miss, alis na ko" sabi nung babae.

Nalungkot naman ako yung feeling na moment na naging bato pa! But anyways pumunta pa rin ako sa may bulletin.

Schedules of Audition for the voices for "High School Musical Play"

Thursday- 1:00- 3:00

Friday- 1:30-3:30

Saturday- 3:30-5:30

Hmm.. Thursday ang klase ko hanggang 3:30 hindi ako aabot. Friday opening ng UAAP at sa Saturday unang laban ng Syntax!

Waaahhh! Good Bye moments na ba ituu!

"Maga-audition ka?" nagulat naman ako bigla na lang may nagsalita tinignan ko naman kung sino. Gosh, Si C-Caizer! Bigla ako nanigas.

"Ha? Ah, Eh, O-Oo s-sana." muka akong tanga dahil utal-utal akong magsalita.

"Sana? Di ka sure?" tanong niya ulit sakin. But wait totoo bang nag-uusap kami?

" Ahmm.. Hindi naman. Yung sched kasi complicated." biruin niyo yun hindi ako nautal pero grabe kinakabahan ako feeling ko kumakanta ko sa Araneta.

"Ganun ba? Sige, I'll try na pahabain pa yung oras ng audition." sabi niya.

"Talaga?" at tumango naman siya. Parang gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko na masyado ng obvious haha.

"So, hope to see you." at ngininitian niya ko!!! at nagwave siya sakin.

"S-Salamat!" at nagbabye na din ako sa kanya.

Waahhh!!! Grabe! Nginitian niya ko at Nag-usap kami. Waahhh! Lord salamat sa blessings!

----------

Jourdan's POV:

Habang papalapit na papalapit ang opening paakyat ng paakyat ang kaba sakin at sa team din.

Nagchichikahan lang kami ni Mia at yung team nagsu-suicide.

"Mukang nalungkot si Kram kanina tungkol sa inyo ni Romeo ah!"

"Ha? Bakit naman siya malulungkot?" maang maangang sabi ni Mia.

"Tsk. Manhid ka din eh noh! Malamang nagseselos. Tigilan niyo na kasi yang Tagu-taguan niyo!"

"Ha?" takang tanong ni Mia.

"Slow mo! Taguan ng feelings!" imbyerna kong sabi.

"Eh kasi naman ayoko mag-assume!" katwiran niya.

"Leshe, Tigilan mo ko dyan sa ayaw-ayaw mag-assume na yan ahh! Ramdam ko dyan sa puso mo naga-assume ka na!" with pointing fingers ko pang sabi sa kanya.

"Ahh.. Eh.. Leshe!" speechless siya oh.

"Anyways, What about Romeo?" pagkarinig niya sa pangalan ni Romeo aba nag-wiggle wiggle! Sinabunutan ko nga.

"Ang landi mo!" irita kong sabi.

"Aray ah! Wala lang yun. Alam mo yun parang teenager lang na nakausap yung crush niya. Yun lang yun hanggang dun lang" explain niya.

"Ikaw? Ready ka na ba makita ulit si Ashwin?" Nagulat naman ako sa biglang tanong ni Mia.

"Hindi ko alam. Habang papalapit ang araw ng opening lalo akong kinakabahan kasi makikita ko ulit yung dati kong team" napatahimik naman kami at nakatingin na lamg kami sa team

"Mahal mo pa ba si Ashwin?" seryosong tanong ni Mia at ramdam kong nakatingin siya sakin.

"Hindi ko alam, Hindi naman kasi sa isang iglap lang wala na agad lahat. Mahirap mag-move on." at nginitian ko siya ng medyo bitter.

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon