Epilogue

191 3 3
                                    

Jourdan's POV:

After 2 years, Graduation na namin!! Tapos review na namin for Board Exam. Wooohh!! Kung matatanong niyo kung ano nangyari sa 2 taon. Back to Back to Back champion lang naman ang SU sa UAAP! Pero nagresign na ko ngayon since kailangan ko na magfocus sa review ko. Sinure ko naman na nasa magandang kamay yung team bago ko umalis.

Buo pa din naman kaming 3 babae at sama sama kaming gragraduate ngayon kasama din si Raven na may kontrata na agad sa PBA pero magtetake muna siya ng Licensure Exam bago pumasok ng PBA. San ka pa? CPA na Basketball player pa.

Going strong pa din si Mia at Kram, Thom and Anna, tsaka si Hazel at Caizer. Kami ni Kobe? Di namin kinaya ang LDR mga tatlong buwan lang nagkalabuan na kami at lagi na kaming nagaaway kaya nagpadesisyunan namin maghiwalay na lang. Joke! Masaya kami ni Kobe kahit nasa LA siya. Minsan dumadalaw ako dun kasi nandun din naman si Mama. Minsan umuuwi siya dito.
Hindi lumilipas ang isang araw na di kami naguusap. Wala na nga panama  yung Time Zone at Prime Meridian samin.

Dapat Graduation na din ni Kobe ngayon kung di siya nagpunta sa LA. Pero dahil yun nga. Umulit siya ng 1st college dun sa UCLA.

"Jourdan, anak! Halika na at baka malate pa tayo sa Graduation Ceremony mo." Sabi ni Mama. Mas excited pa siya sakin.

Pagdating namin sa venue nakita ko na agad sina Hazel at Mia. Pagkakita namin sa isa't-isa nagakapan na kami agad.

"I'll miss you guys!" Maarteng naiiyak na sabi ni Hazel.

"Wow naman Hazel parang di na tayo magkikita ah. Magrereview pa tayo noh! Saka we find ways to see each other naman even we have works na di ba?" Sabi ni Mia.

"Yeah. OA talaga yan si Hazel eh."
Singit ni Raven samin.

"Raven!!" Sigaw naming tatlo at inakap din namin siya.

"OA niyo din. Parang di tayo magkasama kahapon ah." Sabi ni Raven.

"Eh kasi iba yung ngayon." Paliwanag ni Hazel.

"Choosy ka pa. Nakachansing ka na nga eh." Sarcastic kong sabi.

"Ah ganun." Sabi ni Raven at inipit yung leeg ko sa braso niya at ginulo gulo pa yung buhok ko.

"Raven! 1 oras yan inayos!!!" Sabi ko at sinapak ko siya tyan at binitawan na niya ko.

"Uuwi ba si Kobe?" Tanong niya sakin habang inaayos ko yung buhok.

"Hindi eh. May game pa siya at di din siya pinayagan ng coach niya." Sabi ko. Medyo nakakalungkot pero kailangan kong intindihin yun.

"Balak mo bang magsettle sa America? Kasi di ba, malaki ang chance ni Kobe sa NBA." Tanong niya.

"Di ko pa napagiisipan yan eh. Pero siguro oo. Andun din naman si Mama saka pwede din ako makakuha ng magandang trabaho dun." sagot ko sa tanong niya.

"Ikaw? Balak mo kay Hazel?" Tanong ko kay Raven, tinignan niya ko ng masama. "Joke." Sabi ko agad. Takot ako eh. Buti na lang umalis yung dalawa nagsipunta sa mga boyfriend nila.

Speaking of boyfriend, Sikat na ngayon si Caizer since pumasok siya sa PBB at nakapasok siya sa Big Four pero hindi siya yung nanalo. Naghohost na siya ngayon pero ang nakakaloka lihim lang ang relasyon niya with Hazel. Showbiz ang lolo mo eh.

--------

Pinapila na kami para sa Graduation March papuntang upuan namin.

Habang naglalakad ako bigla ako nagreminiscing. Ang daming binuksang opportunity nitong SU sakin kahit 3 taon lang ako namalagi sa paaralang to. Malaki na ang naging parte nito sa buhay ko.

Dito ko natagpuan ang dati kong Bestfriend na si Mia at nadagdagan pa ng isa, si Hazel. I  found the opportunity to pursue what I want which is to be a coach and I'm happy that I handled my own team and I can call them for the rest of my life, my team. They treated me as a true coach, as a friend and as a sister. And I even found in this school the man that I will love forever. Kobe.

Natapos na yung speech ng cum laude namin pati na din yung speech ng Guest of Honor namin.
Tapos na yung ceremony. Picture taking na with the Group!

Andito din yung buong team ko. Pati si Kurt at si Gian syempre family siya ni Raven eh.

"Miss, pwedeng magpapicture?" May kumalabit sakin at nilingon ko naman. Nagulat naman ako kung sino yung kumalabit sakin.

"Ashwin!" Niyakap ko siya.

"Congrats!" Sabi niya.

"Salamat. Napauwi ka?" Tanong ko sa kanya.

Kakadraft pa lang ni Ashwin ngayong year sa Bulls. Rookie year niya ngayon kaya nakakapagtataka umuwi siya.

"Graduation mo eh. Saka gusto kong ibigay yung regalo ko sayo." Sabi niya at nakangiting-pusa and FYI lang po. Nakamove on na to sakin. We're just good friends na lang.

"Psh. Nag-abala ka pa! Ano ba yung regalo mo?" Atat lang manghingi ng regalo XD.

"Tara sa kotse naiwan ko eh." Napakamot pa siya ng ulo. Gusto ko sanang mamaya na lang kaso naginsist na siyang ibibigay na daw niya.

So ito nandito na kami sa kotse niya. Pinapasok niya ko sa loob habang siya naiwan sa labas.

"Asan ba dito?" Tanong ko.

"Hanapin mo lang! Andyan lang yun." Sabi niya. Hinanap ko na hanggang likod ng kotse niya pero wala pa din akong natagpuan.

"Wala naman eh. Niloloko mo ba ko?" Sabi ko sa kanya.

"Sorry. Andito pala. Labas ka na."  Inikutan ko lang siya ng eyeballs. Pinagod pa ko maghanap bwisit to.

Pinagbuksan niya ko ng pinto bali nasa kaliwa ko siya kapag bumaba ako.

"And this is my gift." Nakaturo siya sa right side. Inirapan ko muna siya bago bumaba haha bitch mode eh tas tinignan ko na yung regalo niya.

Napa-OMG na lang ako. Nakonsensya pa ko sa pag-irap ko sa kanya kanina. This is the best gift ever. Nakakaiyak sa sobrang saya.

"Miss me?" Sabi niya na nakangisi pa ang loko at may hawak siyang bulaklak.

"Kobe!" Niyakap ko na siya agad at inakap din niya ko ng mahigpit.

"Kala ko ba di ka dadating." Medyo naiiyak ko pang sabi. Namiss ko siya sobra! Lagi kaming magkausap pero iba talaga kapag nahahawakan mo siya at nararamdaman. Pwede na kami hanggang bukas na magka-akap lang dito sa parking lot.

"Narinig ko kasing uuwi si Ashwin. Papatalo ba ko?" Biro niya at hinampas ko siya sa likod.

"Baliw ka talaga!" At hinigpitan ko pa lalo yung akap ko sa kanya.

"Ok guys, mauna na ko sa inyo." Sabi ni Ashwin at mukang sinenyasan na siya ni Kobe na umalis na.

"Wala ka ba talagang balak pakawalan ako?" Birong sabi ni Kobe.

"Wala! Bakit may balak ka ba?"

"Wala din!"

"I miss you so much. Sometimes, I felt like giving up and just come back to you but I don't want to come back as loser. I want you to be proud of me." Nagdrama na si Kobe.

"I am proud of you! You don't need to prove anything. You will always be a winner here in my heart. But then that is your dream. You need to do it for yourself not for others. And if you are getting tired, just rest don't quit and you can always run to me." Sabi ko.

"You never fail to inspire me." Parang naamaze pa niyang sabi.
Hinampas ko naman siya sa likod.

"I used to be your coach. Gawain ko ata ang maginspire ng players."

"Alis mo yung you used to be because You'll always be my coach. Forever and ever."

----------------
Author's Note:

So guys! At last tapos na siya. Kung meron man nakaabot sa part na to. Maraming maraming salamat sa pagtyatyaga basahin ang medyo non-sense kong storya . I Love You from Jourdan, Kobe, Mia, Hazel, Kram, Raven and the whole SU team and SNA. God bless! See you sa susunod na story! It might be Raven and Hazel or another story.

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon