Chapter 6

194 3 2
                                    

Jourdan's P.O.V:

Isang linggo na rin kaming nagtretraining. Sa umaga conditioning sila, sa hapon skills naman ang prinapractice nila pati na rin yung iba't ibang position na inassign ko sa kanila. Nagiimprove na si Kram sa 3pt shooting, si Raven sa rebound pati na rin si Josiah na kaya na din magblock at si Thom na gumaling na sa crossovers at syempre si Kobe na tuwing gabi naman ay nagtretraining kami ng 1-on-1.

Medyo bad mood din si Mia nitong nakaraang linggo. Malamang dahil sa babaeng laging nakabuntot kay Kram and speaking of Kram.

"Coach, Sorry late ako." hingal na hingal na sabi ni Kram.

"Alam mong ayoko ng late. Plus 20 laps ka." tumango siya sakin at sinimulan ng tumakbo.

"Saglit! Asan si Kobe?" tanong ko sa kanya.

"May sakit. Pass muna siya sa training. Actually inalagaan ko muna siya kaya ako nalate" at nagpaawa effect pa siya.

"Naku, nangonsensya ka pa. Sige, 10 laps na lang"

"Pede wala na lang?" at ngiting assuming ang loko.

"He! Takbo na! Gawin ko pang 50 eh." masungit kong sabi sa kanya at tumakbo naman siya agad.

Siguro napagod lang ng sobra si Kobe kaya bumagsak ang immune system niya.

----------

Kobe's P.O.V:

Ang sama sama ng pakiramdam ko ngayon halos hindi na ko makatayo. Nakapatay na yung aircon pero lamig na lamig pa rin ako.

I tried to go to the kitchen to get some water pero nawalan na ko ng malay.

Nagising na lang ako na may naramdaman akong may nagpupunas sakin.

"Jourdan? Anong ginagawa mo dito?" sinubukan kong umupo pero tinulak niya ko kaya napahiga ulit ako.

"Magpahinga ka muna. Nalaman ko kasi na may sakit ka. As a good coach, dinalaw na kita." at nginitian niya ko.

"Miss mo lang ako eh" biro ko.

"Tsk. May lagnat ka lang kumapal na yung muka mo."

"Huwag ka na mahiya. Miss din naman kita"

"He! May sakit ka lang lumalandi ka na! "

"Teka, pinalitan mo ba ko ng damit?" hindi ito yung suot ko kanina at may problema ba yung mata ko kasi namumula siya eh.

"Oo. Basang basa ka kasi ng pawis at tsaka huwag ka magalala ilang beses ko na nakita yung katawan mo no at tsaka madami na kong nakitang mas maganda sa abs mo"

"Defensive? Haha! Ganyan ba ko ka-Hot kaya kahit wala tayong game dumedepensa ka?" at tinawan ko siya at hinagis niya lang sakin yung bimpo.

"Mukhang ok ka na! Leche ka, Mauna na ko pupunta pa ko sa practice. Dinalhan kita ng lugaw bahala ka na sa buhay mo!" at nilayasan na niya ko.

"Oy Jourdan!! Salamat!" sigaw ko sa kanya. Narinig naman niya yun for sure. Hindi ko alam pero gumaan na yung pakiramdam ko at hindi ko alam pero ang lawak ng ngiti ko.

---------

Jourdan's P.O.V:

Waahhh!! Nakakahiya! Masyado ba kong guilty? Aaminin ko na, Nagandahan talaga ko sa abs niya pero syempre ayoko naman aminin na pinagpantasyahan ko pa yung katawan niya noh! Baka lalong kumapal pa yung mukha nun eh!

"Oy Jourdan, Bat namumula ka?" tanong ni Hazel sakin. Andito na pala ko sa gym.

"Ang hot kasi ni Kobe" bulong ko.

"Ha? Ano nga ulit di ko narinig"

"Ang init kako sa labas!"

"Kamusta naman si Kobe?"

"Ayos naman. Dito kamusta?"

"Ayun bad trip kami dito. Ang ingay ingay kasi nung babaeng buntot ng bunto kay Kram sigaw ng sigaw hindi makaconcentrate si Kram pati na rin yung ibang players!"

"Andyan pa ba?"

Nagkibit-balikat lang siya at sabay na kaming pumasok.

"What the! Sino ka ba para paalisin ako ha! Hindi naman ikaw ang pinunta ko dito." at tinulak niya si Mia at buti na lang nasalo siya ni Kram.

"K-Kram. Ah eh siya kasi eh, pinapaalis niya ko eh gusto lang naman kitang panuorin eh" nagpaawa effect pa ang bruha.

Kahit gusto ko na siyang sabunutan palabas sa gym eh pinigilan ko na ang sarili ko. Ang prinsipe na ang magliligtas sa prinsesa.

"Trixie umalis ka na! Wala kang karapatan manakit ng tao dito at si Mia, part siya ng team kaya pwede niyang paalisin lahat ng nanggugulo dito" sabi ni Kram na halatang banas na din.

He's too gentleman kaya di niya mapaalis nung mga nakaraang araw itong impokritang to. Pasalamat to may sakit si Kobe kung di basag na basag tong babaeng to.

"Pero Kram!"

"Alis na sabi eh!" ako na ang sumigaw sa kanya at mukang natakot naman siya sakin at umalis na agad siya.

"Ayos ka lang?" tanong ni Kram kay Mia tumango lang naman si Mia.

"Ang sweet naman nila. Kainggit noh" sabi ni Hazel.

"Magpapansin ka kasi kay Caizer ng hindi ka naiinggit dyan" at inirapan niya lang ako.

"Leshe".

Pumito na ko hudyat na kailangan nilang lumapit sakin.

"Alam niyo naman na nagkasakit ngayon si Kobe at ayokong magaya kayo sa kanya. Take your vitamins. "

alam kong mukang nanay ang tono ko pero I don't care cause I care for them. Yeah, unti-unti na ko napapalapit sa team.

"Ngayon, wala munang physical practice." napa-yes naman silang lahat

"Pero, may gagawin tayong activity para tayong magsecell group. Tell your problems or whatever you want to share. Gusto ko kasi mabuo tayo not just a team but a family." tumango naman silang lahat.

Sa St. Nicolas kasi we built as a team kaya siguro mas mahalaga sa kanila ang basketball kesa sa feelings ko.

Gumawa kami ng circle at ako ang una nagsalita.

"I once handle the perfect team. Nag-Grandslam yung team, Yung boyfriend ko ang MVP, Lahat ng awards nakuha namin. Tinanghal na Most winning coach si Tito at bahagi ako nun but the perfect team could be the worst team. Sa sobrang galing nila sa teamwork pati ako tineamwork nila. Alam nila ang plano ni Ashwin na paibigin ako at alam din nila na may ibang syota si Ashwin at tinulungan pa nila ah para matago sakin yun." I pause for a while.

"Hindi ako nagcoach sa inyo para gumanti sa kanila. Gusto ko talaga ang basketball at Sana huwag niyong gayahin ang St. Nicolas. Don't play with my feelings" nakayuko lang ako at naramdaman ko na lang yung yakap nung dalawang babae.

"We won't. I'll assure you. If you want to stay, stay but If you want to go, we will let you go" sabi ni Raven.

at grinoup hug nila ko

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon