Chapter 16

158 1 0
                                    

Jourdan's POV:

Natutuwa ako ngayon. Mas inspired at motivated kasi ngayon ang team. Oo masakit matalo pero mas masarap sa pakiramdam na sabay-sabay kaming bumabangon sa pagkatalo. Tinatarget namin ngayon ang aming unang panalo!

Dahil busy ang mga players, kaming mga coach eh nagchichikahan lang. At pinagiinitan namin ngayon ni Hazel ay si Mia.

"Anong nangyari sa inyo ni Romeo ha?!" may inis sa boses ni Hazel. Team Kram kasi kami eh!

"Wala. Hindi kami natuloy kahapon nagkaroon kasi siya ng emergency" at nakayuko siya. Ano to? Nalungkot siya? Ganun?

"Sino ba kasi talaga ang gusto mo? Si Kram o si Romeo?" diretso kong tanong.

"H-Ha?" nagulat ata sa tanong ko.

"Romeo o Kram?!" iritang sabi ni Hazel.

"Both?" aba't malandi?! Sinabunutan nga namin.

"Sino may gunting?!" sigaw ni Hazel. Napatingin tuloy samin yung mga player. Tinaasan ko lang sila ng kilay.

"Ano? Tuloy niyo yan" sungit sungitan kong sabi! At ayun sumunod naman sila sakin. Malamang!

"Ano ba?! Tigilan niyo nga yung buhok ko! Ang sakit ah!" at hinawi niya yung mga kamay namin. "Alam kong naiinggit kayo sa kaganda--" hindi na namin pinatapos ang sasabihin niya at tumayo na kami agad ni Hazel.

"Ang lakas ng hangin! Grabe!" sabi ni Hazel habang nagw-walk out kami.

"Oi... Oi!" tawag samin ni Mia pero di namin siya pinansin.

"Nakapasa ka ba sa audition mo?"

"Hindi ko pa alam eh. Titignan ko pa lang mamaya. Gosh! Kapag nakuha ko yung role ni Gabriella! Waahh!! Hello moments!!!" at pinagpapalo niya ko. Ano ba to?!! Bat ang lalandi nila ngayon?

"Yung totoo Hazel? Nag-audition ka lang para kay Caizer talaga noh! Papansin lang? Ganon?" napa-pout naman siya. Feeling Angelina?

"Ehh.. Gusto ko din naman kumanta noh! At di ba sabi mo magpapansin ako kay Caizer! So, ginagawa ko lang yung advice mo"

"Fine" wala naman ako magagawa ayun ang tinitibok ng puso niya. Bakit parang natatalo ang mga pambato ko ha?! Una si Kram ngayon naman si Raven? Tsk. Tsk. Hindi pede to!

"Lalim ng iniisip natin ah" nagulat na lang ako ng may biglang umakbay sakin at bigla bigla na lang sumusulpot! Tinignan ko naman kung sino. Para atang gustong palitan ni Kobe si Hazel ah!

"Bat ka nandito ha?! Tumakbo ka nga!" at siniko ko siya. Bigla na lang siya sumimangot. Haha ang cute niya.

"Ngumingiti ka dyan?" masungit niyang sabi at kinurot ko naman yung pisngi niya.

"Ang cute mo kasi!" at pinanggigilan ko pa yung pisngi niya.

"Tsk." at hinawi niya yung kamay ko at umalis na sa tabi ko. Nabanas ata! Well, mukang kakailanganin ko yung tulong niya.

----------------

Hazel's POV:

Pagkatapos ng practice dumiretso na ka-agad ako sa bulletin board para malaman ko kung nakapasa ba ko o hindi. Tingin... Tingin... Tingin..

Gabriella----------- Hazel Concio

Waaahhhhh!!!! Nagtatalon ako sa saya! Grabe!!!!! Ang galing galing ko talaga!! Pwede na kong president ng music club next year!!! Pero bago muna ang nxt year aatupagin ko muna ang lovelife ko!! Gosh! Wala ng next year si Caizer! So, this is the moment na talaga!

"Huy! Bakit para kang baliw na nagtatatalon diyan?!" Iritang sabi ni Raven.

"Waaahhhhh!!! Raven! Tignan mo ang galing galing ko!" at niyugyog yugyog ko pa siya habang tinuturo yung bulletin board.

"Ano ba! Yung damit ko." irita pa din niyang sabi. Binitiwan ko naman siya.

"Eh bakit ka ba kasi nandito?" ako naman ang iritado sa kanya. Panira ng celebration eh!

"Pinapahanap ka kasi ni Jourdan. May ibibigay daw siya sayo." maayos na ngayon ang tono niya.

"Wait lang. Pipicturan ko lang to! Pang-Instagram, FB at twitter!!" kinikilig ko pang sabi at nilabas ko na yung cellphone ko at nagselfie pa ko.

"Halika na nga!" at hinablot na ko ni Raven. Tsk. Panira talaga tong bakulaw na to eh. Nga naman, May utang na loob pala ko dito! Sa gitara thingy.

"Asan na sila?" takang tanong ni Raven.

"Aba, Malay ko! Hinatak hatak mo ko tas sakin mo itatanong. Nice!" sarcastic kong sabi.

Nagvibrate yung cellphone ko. Nagtext si Jourdan at may notif pa sa fb ko.

"Zel, bukas ko na lang ibibigay yung libro mo ah! Si Kobe kasi nag-aya na." ayan yung message niya. Libro? wala naman ako matandaan na libro baka kay Mia yun.

Tinignan ko naman agad yung notif ko at may nagcomment sa status ko. Si Trixie ang malanding lintang dumidikit kay Kram.

"Oh nice! Ikaw ang magboboses sakin :)" oh sh*t siya yung ARTIST. Leche naman oh! Hindi bagay yung maganda kong boses sa kanya!

"Oh bigla kang simangot dyan? Asan ba sila?" at tinignan ko lang si Raven ng dismayado.

"Umalis na sila. Pero ang mas kinamalas ko pa si Trixie si Gabriella!" banas na banas kong sabi.

"Si Trixie? Pfftt..." at tumawa pa siya ng malakas at tinignan ko lang siya ng masama.

"Haha! Nice one Hazel!" at iniwan ko na nga lang siya. Leche, Panira ng magandang araw!

"Uy, Hazel!" Arrggghhh.. Ano pa ba gusto nito?! Banas na nga ako eh.

"ANO?!" inis akong humarap sa kanya kaso hindi siya si Raven!!!

"C-Caizer?" halata sa muka niya na nashocked siya at awkward ko naman siyang nginitian. Arrgghh.. Lalo tuloy ako nabwisit kay Raven.

"Nag-away ba kayo ng boyfriend mo?" napailing naman ako ng marahas.

"Hindi ko siya boyfriend. Kadiri ah!" at napatawa naman siya ng mahina. Gosh! Buo na ulit ang araw ko!

"Congrats nga pala at gusto lang kita iinformed na may meeting tayo bukas ng 4:00 kasama ng mga artist" leche makikita ko agad si Trixie!! Sana naman exempted sa kalandian niya si Caizer my loves!

"May gagawin ka ba bukas?" tanong niya. Umiling lang ako.

"Kaya ko naman magpa-excuse sa practice ng Basketball team. Ahmm.. Parte pala ng English Club si Trixie."

"Ahmm.. Hindi siya member pero nag-audition siya and honestly hindi siya ang gusto ko para sa lead role." bigla akong natuwa sa sinabi niya ah! Mabuti na hindi siya attracted dun sa lintang yun!

"Oh? Eh ako, gusto mo ba ko para sa lead role?" at para sayo na din!

"Oo naman. Ikaw kaya ang the best." Sh*t yung puso ko!!! Sana ako din ang the best para sayo! lol!

"Syempre, Para sayo" at kinindat ko pa siya. T**n* ang landi ko!

"Kaw talaga! Ang lakas mo manloko!" Ouch. Muka ba kong nagjojoke?!

"Tol, mauna na kami ah! Tsaka inaantay ka daw nung babae. Sige bye!" at hinatak na ko ni Raven. Quota na siya sa pambwibwisit sakin ngayong araw ah!

---------------

#INSPIRED! XD Lol!

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon