Chapter 2

269 3 0
                                    

Raven's P.O.V:

Pagod akong umuwi sa bahay. Nagpractice na kami sa basketball at kinausap ko na rin yung head ng school para makahanap na kami ng bagong Coach. Naupo ako sa sofa na kasalukuyang inuupuan din ng kapatid ko.

"Oh Bro? Pagod na pagod?" mapang-asar na sabi ni Kuya Gian.

"Tsk. Pano kasi kayo pinipilahan." at tumawa siya ng mahina.

"Wala eh, Magaling kami!" pagmamayabang niya.

"May napili na ba kayo?" tanong ko sa kanya.

"Wala pa atsaka may hinahanap pa kami"

"Sino naman?"

"Yung pamangkin ng coach namin. Apprentice kasi yun ng tito niya halos mas magaling na nga siya kay coach eh at siya ang humubog kay Ashwin."

"Oh? Sino yan? Mahanap nga, Sakto wala kaming coach" at tumawa ako ng bahagya.

"Baliw! Hindi ko alam kung papayag pa nga yun magcoach"

"Bakit?" curious ako eh.

"Ginirlfriend kasi siya ni Ashwin para sa personal interest at pinagpustahan namin siya. We're verry sorry kung makikita nga lang namin siya, luluhod pa kami sa harap niya para magcoach siya samin ulit."

So, Babae? Hmm.. wait nga lang. Hindi kaya si Jourdan yun.

"Tol, si Jourdan ba yun?"

"Kilala mo si Jourdan?" nagulat siya dahil kilala ko si Jourdan. Siya nga.

"Sige Tol, matutulog na ko" at umakyat na ko sa kwarto ko. Kailangan kong paghandaan si Jourdan.

Jourdan's P.O.V:

One week has passed. Closed na ko kay Hazel sa katunayan alam ko na rin ang crush niyang si Caizer na hindi naman alam na nageexist siya. Nakilala ko na rin si Kram na crush ni Mia na player din ng Syntax. Medyo iniiwasan ko din si Raven which is sobrang hirap kasi close sila ni Mia muka kasing nasabi na ng kuya niya yung tungkol sakin. Yung 2 ay busy sa kani-kaniyang club si Mia sa photography habang si Hazel naman ay sa Music and speaking of club, sabi ng prof ko since 3rd year na ko kailangan may salihan akong club.

"Hoy! Tulala ka dyan!" sigaw sakin ni Hazel at tinignan ko naman siya ng walang kagana-gana.

"Wala kasi akong masalihang club" at humalumbaba ako.

"English club! President dun si Caizer my love" sa sobrang kilig niya akala mo may mga puso lumalabas sa mata niya.

"Eh, Hindi ako magaling mag-English at saka mamaya magselos ka pa kapag niligawan ako ni Caizer noh!" at ngumisi ako sa kanya.

"Sige! Subukan mong agawin sakin yun. Magkakapatayan tayo" Tawang tawa kami ni Mia kay Hazel. Galit na galit eh.

"Haha! Joke lang. Di ko siya type noh!" at inirapan lang niya ko.

"Shete! Kailangan ko nga pala pumunta sa try out!" inayos na ni Mia yung gamit niya at kinuha ang camera niya.

"Ano? Sama kayo?" Tanong niya samin. Tumingin sakin si Hazel. Alam ko naman gusto niya sumama. Ayoko maging alone. -.-

"Sige." lol. Gusto ko din naman. XD

Nagtatatalon sa saya si Hazel.

"Oh, Lika na" Aya ni Mia.

Nagsimula ng magpicture si Mia. Pumwesto naman kami sa medyo malayo marami kasing nanonood.

Marami silang Fans at magtatry-out

Nakita namin si Mia kausap ang ibang mga player at nakita niya kami. Sinenyasan niya kaming lumapit kami. Sinunod namin siya.

"Dito na kayo umupo, ang daming tao hindi niyo mapapanuod ng maayos at para may kausap din ako."

Umupo na kami sa may bench. Lumabas na din yung mga player. Nginitian ako ni Raven at inalis ko lang ang paningin ko sa kanya.

"Dahil wala pa kaming coach. Kaming mga player muna ang mamimili kung sino ang makakapasok sa ngayon kailangan namin ng 3 player. So, Good Luck" pagkatapos magsalita ni Raven. Umupo na ang mga player at katabi ko si Raven.

Hinati nila ang mga applicant sa iba't ibang team at binigyan sila ng 5 mins para makapaglaro. Dun sila nageexamine kung sino ang malalakas. After 2 hours, Nakaka-antok panuorin ang lalamya! Kahit ang mga player walang ganang nanunuod.

"Late na ba kami?" -may biglang pumasok sa Gym na 2 lalaki na hingal na hingal. Napaface palm naman si Kram ng makita niya sila.

"Uy, Cuties!" bulong sakin ni Hazel.

"Bat ngayon lang kayo?" tanong ni Kram sa kanila. Napakamot ng ulo yung isa.

"Eh kasi kuya, Ito kasi niligaw ako" paliwanag niya.

"Ako? Ikaw kaya tong kung saan saan ako dinala." Reklamo naman nung isa.

"Tsk. Kobe! Ilang araw ka na dito. Hindi mo pa rin alam kung saan tong gym at Sino yang kasama mo? Hindi mo din alam?" Iritang sabi ni Kram

"Josiah po. Freshman lang po ako eh" sabi niya at napakamot din ang ulo.

"Ano bibigyan ba natin to ng chance?" tanong ni Kram.

Kung ako ang tatanungin, Oo naman! Yung Josiah, hmm.. bata pa pero may potential. Kung matututukan siya ng coach nila magiging magaling na player siya. Yung Kobe naman matangkad siya at mukang mabilis at hula ko mataas tong tumalon may aura siya ng katulad ng kay Ashwin. Mukang lalakas ang team ng Syntax ngayon.

"Ano sa tingin mo?" tanong sakin ni Raven. Napansin niya atang inuusisa ko yung dalawa.

"One on one!" suggest ko. Ang boring kasi ng napanuod ko kanina.

Nagsimula na ang 1v1. Katulad ng iba ay meron silang 5 mins para magpakitang gilas. Pagkakuha ng bola ni Josiah nag 3pts agad at yun pasok. Napangisi naman si Kobe. Nagdribble siya at crinossoveran niya si Josiah at easy 2pts. Nung hawak na ni Josiah ang bola ay inisteal agad ni Kobe at dinunk.

"Woohh!" sigaw ng mga nanunuod pati ng mga player.

Sinubukan ni Josiah dumunk pero nabutata lang siya ni Kobe pero tinakbo agad ni Josiah ang loose ball at nakuha naman niya pero nabantayan siya agad ni Kobe. Nagfake siya at kinagat naman yun ni Kobe at nagcrossover siya at shoot.

Mabilis natapos ang 5 mins nila medyo bitin kasi magaling talaga sila. Sinabi na din kung sino ang mga nakapasok at kasama dun sina Kobe at Josiah.

"Jourdan!" tawag sakin ni Raven.

Nilingon ko naman siya.

"Pede ba tayong mag-usap?" tanong niya sakin.

"Ano yun? Sabihin mo na agad. May klase pa tayo." Alam ko na rin naman ang sasabihin niya.

"We need you. Please, Coach for us"

"Ayoko, Gusto ko na ng tahimik na buhay. "

"Pero ito ang buhay mo di ba?" biglang may kumirot sa puso ko kasi totoo. Hinahanap ko ang Basketball pero..

"Ayoko!" pagkasabi ko nun tumakbo na ko paalis.

"JM!" tawag sakin ni Mia pero di ko na siya pinansin.

Hindi ko alam kung san ako patungo pero gusto ko ng ilabas ang mga luhang matagal ko ng tinatago.

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon