Chapter 4

198 3 2
                                    

Jourdan's POV:

"I accept your offer. Magcocoach ako sa Syntax ngayong season"

"Sure? Ahmm.. No, Wala ng bawian. Ahmm.. Welcome coach?" Natatarantang sabi ni Raven. Ngumiti ako sa kanya. Sure na talaga ko.

"Start na tayo mamaya?" tanong niya sakin at tumango naman ako.

"Ahmm.. Jourdan? I mean Coach. Mauuna na ko sasabihin ko lang sa iba yung tungkol dito." umalis na siya na nagtatatalon sa saya.

------

Tapos na lahat ng klase ko ngayon. Naghahanda na ko para sa 1st training ng Syntax kasama ko.

Ewan ko pero ang gaan gaan ng pakiramdam ko ngayon.

Pumunta na ko sa Gym kung saan sila laging nagprapractice. Nadatnan ko na dun ang buong team. Nakangiti sakin si Kram at Raven ang iba naman ay nakakunot ang noo at isa na dun si Kobe.

"Hindi ka ba namali ng pasok? Hindi dito ang volleyball team." Inis na sabi ni Kobe binatukan naman siya agad ni Kram.

"Guys, This is Jourdan. Siya na ang magiging coach natin" Pakilala sakin ni Raven. Nabigla silang lahat maliban kay Kram and I give them my sweetest smile.

"Wooahh." ayan lang ang nasabi nila.

"For your info, Dati akong assistant coach ng St. Nicolas. Trust me. Hindi porket babae ako wala na kong alam but think of it. Sa Kuroko's basketball nga ang Seirin babae ang coach. Just trust me and do what I say and dream. Magiging champion tayo." I mean what I say. Nararamdaman kong may iimprove pa ang team na to at siguro matatalo naman ang St. Nicolas.

"And for addition to the team, Kumuha ako ng mga assistant ko. And here they are" lumabas na yung mga assistant ko at lahat sila ay napanganga.

"Si Mia at si Hazel ang titingin sa inyo kung ginagawa niyo talaga ang mga sinasabi ko" at kumaway kaway sila na parang beauty queen.

"Sa ngayon, Magkakaroon lang tayo ng quick game. Group A, Raven, Thomas, Chris, Mike and Jom. Group B, Kram, Kobe, Josiah, Carl and Jun."

Naghanda na sila at ako naman ay naghanda ng susulatan para sa mga mapapansin kong kakayahan nila.

Nagjumpball si Kram at Chris. Napunta sa Group B ang bola. Kakapasa pa lang kay Kobe ay nagtres na agad at shoot. Napunta na ang bola sa group A. Si Thomas ang tagadala ng bola. Magaling siya magcrossover close enough kay Kurt. Hindi namin siya nakita nung nakaraan dahil nainjured siya. Pinasa nila kay Raven at nilay-up naman niya yun. Bigayan lang sila ng puntos kaya tumawag ako ng Timeout.

"Group A. Raven, Bantayan mo si Kobe. Sa offense, Thom ikaw pa rin ang point guard. Ikaw dito ka magfake ka rito tas ipasa mo sa kanya."

"Group B. Kobe sa loob ka magshushoot at Kram sa labas ka. Tumira ka ng 3pts"

"Coach, Hindi ako nagtretres" angal ni Kram.

"Just do it. Kaya mo yan" pilit ko sa kanya pero kita pa rin sa muka niya ang pagaalangan.

Nagsimula na uli sila ginawa ng Group A ang sinabi ko at nakapuntos sila. Sa Group B nahirapan si Kobe ng bantayan na siya ni Raven. Walang bantay sa labas si Kram dahil alam nga nilang hindi siya nag3-3pts. Pinasa sa kanya ni Kobe. Nagaalinlangan pa rin siya sa gagawin niya.

"Shoot that Ball, Kram!" sigaw ko sa kanya.

Shinoot naman niya pero may hesitation kaya ayun mintis.

Nirebound naman ni Raven at Pinasa niya kay Thomas. Fast Break sinubukan pa sanang habulin ni Josiah pero hindi na niya ito na abutan.

Pumito na ko. Ibig sabihin nun tapos na ang game. Pinapunta ko na sila sa harapan ko.

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon