Chapter 19

143 2 0
                                    

Jourdan's POV:

Mabilis nagdaan ang mga araw. Biruin niyo yun bakasyon na namin! Natapos na din yung 2 game namin and guess what?! Nanalo lang naman kami sa 2 laban na yun. Tambak pa sila!

Dahil malapit na ang Christmas nandito kaming 3 nila Mia sa mall. Napagusapan namin na magpatatak ng shirt bilang regalo sa team. And we're buying special gifts din for our special someone.

"Mas better siguro na maghiwa-hiwalay muna tayo para mas mabilis tayo matapos and you know.. Privacy" maarteng sabi ni Hazel.

"Yeah. Sure" sabi namin at naghiwa-hiwalay na kami.

Bibilhan ko pa sila ng regalo pati na rin si Mama at sila tito and bukod sa shirt reregaluhan ko pa si Kobe. He's been my friend na din naman.

Una kong pinuntahan ang National. Mahilig kasi magbasa si Mia ng libro. Naglibot-libot muna ko para makahanap ng maibibigay. Nahagip ng mata ko yung The Selection. Muka naman maganda kaso series eh. Bahala na siya bumili nung iba! Haha XD

Sumunod naman sa stall ng mga nagbebenta ng mga album favorite kasi ngayon ni Hazel si Ed Sheeran kaya album niya ang ireregalo ko! Kapag yumaman ako baka concert na ang iregalo ko sa kanya.

Naglibot-libot pa ko. Hindi ko alam kung ano ang ireregalo kay Kobe. Kaya napagpasyahan ko na baller na lang ang ibibigay ko sa kanya. Okay na yun at least may regalo ko.

-------

Kumakain na kami ngayon sa McDo. Pare-parehas kaming kay daming shopping bag na dala.

"San kayo magc-Christmas?" Tanong ko.

"Sa bahay lang together with Mom and Dad and with my brothers" sagot ni Mia

"May reunion lang naman ang Concio Clan at pupunta pa kaming Cavite. Ikaw?" Sabi ni Hazel.

"Uuwi si Mama dito sa Pilipinas and we're going to hospital together with Tito's family. Baka dun na kami magnoche buena"

"So kelan natin ibibigay yung mga gifts natin?"

"Kung sa team baka sa pasukan na since yung iba nagbakasyon na sa malayong lugar" sabi ko

"Eh yung atin?"

"Dadaanan ko na lang kayo sa 24."

"Nasa Cavite na ko nun!"

"Edi masaya! Si Mia lang ang dadaanan ko." Napa-pout naman si Hazel. Nagtawanan naman kami at ng humupa na napunta ang usapan kay Kram.

"May regalo ka for him?" Tanong ni Hazel.

"Wala noh!" Halatang nagsisinungaling siya.

"San nga pala sila magpaPasko?" Tanong ulit ni Hazel.

"Ang alam ko flight na nila papuntang states mamaya." Sabi sakin yan ni Kobe.

"And sa new year pa sila uuwi" dagdag ko. Kaya sa new year ko na ibibigay yung regalo ko.

--------

Kakadaan ko lang sa bahay nila Mia para ibigay yung regalo ko sa kanya at para kunin ko din yung regalo ko. Haha XD

Nabigay ko na din kahapon yung regalo kay Hazel ganun din siya pero hindi ko pa binubuksan. Gusto ko sabay sabay! Haha XD

Naglakad-lakad muna ko sa kung saan. May bisita kasi si tito which is yung SNA. Ayoko naman masira ang pasko ko noh! Chos, forgiveness daw sa Christmas! Well, pwedeng may exception? Lol.

Anyways, ginagambala lang naman ako lagi ni Kobe! To think na ilang oras ang agwat ng Amerika sa Pilipinas ah!

Nagvibrate yung phone ko. Nagtext si tita. "Malapit na ang Noche Buena. Pumunta ka na dito. Wala na sila."

Alam ni Tita ang nangyari samin pero si Mama hindi. Aware naman siya na lumipat ako ng school at nagco-coach.

---------

12 midnight na!! Merry Christmas! Lahat kami nagbatian at nagyakapan. Ilang segundo lang tumunog yung phone ko at lumabas sa screen ang pangalan ni Kobe.

"He--" hindi pa natatapos ang hello ko nagsalita na agad siya.

"Merry Christmas!!!!" Masigla niyang sabi.

"Merry Christmas din."

"Merry Christmas JM!" Rinig ko yung boses ni Kram.

"Merry Christmas din! Batiin mo si Mia ah." Sabi ko naman

"Alam mo bang kanina pa nakatingin sa orasan si Kobe para mabati ka lang." Natatawa niyang sabi. Dedma lang sa sinabi ko.

"Tsk. Dun ka na nga!" Ramdam ko ang iritang boses ni Kobe. Napangiti naman ako at napailing.

"Jourdan, halika na't kumain" tawag sakin ni Mama.

"Kobe! Tawag na ko dito. Merry Christmas ulit. Thanks"

"Sige bye! Merry Christmas." At binaba ko na ang phone ko.

Kumain na kami at nagbigayan ng regalo. Pagtapos nun nagkayayaan na kami umuwi.

"Jourdan, may naiwan ka pa." Tawag sakin ni tita at may inabot siyang maliit na regalo.

"Ayy, Salamat po"

Umuwi kami ni Mama sa may condo ko since yung bahay namin nasa Bulacan pa at mas malapit to sa ospital. Dahil pang isang tao lang ang kama ko kaya dito na lang ako sa sofa matutulog.

Isa-isa ko na binubuksan ang regalo nila sakin. Una kong binuksan yung kay Hazel. Jacket ang niregalo niya bagay para sa training sunod naman ay yung kay Mia. Whistle naman ang kanya pero yung mukang mamahalin na sipol to yung ginagamit ko kasi cheap lang yung 5 piso isa. Binuksan ko na yung regalo ng iba hanggang sa last na lang. Ito yung inabot ni Tita. Walang pangalan ng sender. Hayaan mo na nga. Salamat na lang kanya. Binuksan ko na siya at tumambad sakin ang isang action figure ni Tetsuya. Matagal na ko nangongolekta ng mga bagay na nakatatak si Kuroko. Nobody knows this except.. Except Ashwin.

---------
Author's Note:

Belated Merry Christmas! :)

I Love You, Coach!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon